Hannah's
Audition
"What do you think Hannah?"
Nandito ako ngayon sa Soul Sound dahil pinapunta ako ng boss ko na si Sir Jason para mag judge sa mga mag aaudition.
Eto daw kasi yung parusa ko.
Hindi kasi ako pumapayag sa pamimilit ni Sir Jason na mag debut daw ako bilang singer sa Soul Sound.
Songwriter na kasi ako dito sa kumpanya na to for 3 years. Medyo bago pa ko sa industry kaya ayoko talagang mag debut as Singer. Isa pa, ayoko rin talaga maging singer.
Sabi kasi ni Sir Jason sinasayang ko lang daw yung talent ko kung kokonti lang ang makakakilala sa akin. Yung mga sinulatan ko kasi ng kanta sobrang sikat na, samantalang ako parang "unknown" pa rin.
Eh ano ngayon di ba? Masaya at kontento na ko sa ganon. Atsaka wala akong balak magpakilala sa mundo, masaya na kong kilala nila ang mga kantang naisulat ko.
Kaya eto, tiis tiis ako sa mga pinapagawa sa akin ng boss ko. Sinasama niya ko sa lahat ng mga meeting, seminar or audition, basta lahat ng gatherings na may maraming tao.
Kasi alam niyang ayaw ko ng mga ganon.
"Hoy Hannah umayos ka ha. Anong tingin mo dito kay Ms. Sunny?" Sabi ni Sir Jason habang sinisiko ako sa braso.
Uminom muna ako ng kape.
"Okay lang sir."
"Okay?" tanong niya at nilapag ang form "Eh hindi ka nga makatingin sa nag aaudition eh. Hannah naman, ayusin mo naman kasi pag hindi mo inayos, ipapa announce ko na agad sa media na mag dedebut ka as singer gusto man o hindi."
Napahinga na lang ako ng malalim.
"Oo na." Sagot ko at chineck na rin yung form nung Sunny.
"Pasensya ka na iha ha?" Baling ni Sir Jason sa nag aaudition. "Sabi mo dito 6 years old ka pa lang nung nag start kang kumanta tama ba?"
"Opo sir. 6 pa lang po ako nung nag start ako at marami rami na rin akong nasalihan na mga contest po" Sagot nung Sunny.
"Bakit mo naisipan mag audition sa Soul Sound?" tanong ko at tumingin sa kanya.
Halata sa mukha niya ang gulat. Umiwas siya ng tingin at nakayukong sinagot ang tanong ko.
"Gusto ko po kasing magkaroon ng kantang sinulat niyo po Ms. Hannah" sagot niya. Biglang natawa si Sir Jason at pinag hahampas ako sa braso.
Tumango tango lang ako.
"So crush mo to si Hannah?"
"Sir, idol po hindi po c-crush" sagot ni Sunny na namumula na ang mukha.
Hindi ko alam kung anong nangyayari dito kay Sir Jason at panay ang tawa at hampas sa braso ko.
"Biruin mo Hannah, for the first time may nakakilala sayo sa mga nag aaudition sa atin. At babae pa ha."
Napailing na lang ako at sinabihan na si Sunny na mag simula na.
---
Pagkalipas ng ilang oras ay natapos din ang audition.
Binigay na namin sa staff yung mga form dahil sila ang mag aayos kung sino yung mga nilagyan namin ng passed.
Kinuha ko na yung cellphone ko sa mesa at tumayo na.
"Bukas na lang sir uwi na ko."
"Nga pala Hannah, binigay ko number mo kay Anthony. Gusto ka daw kasi makatrabaho."
"Anthony Sir? Yung taga Soul Music?" nagtataka kong tanong.
Sister company ng Soul Sound ang Soul Music pero ang alam ko may issue between Sir Jason at yung CEO ng Soul Music na si Sir Ted.
"Okay na ba kayo ni Sir Ted, Sir?" tanong ko na kinakunot ng noo niya.
"Malamang hindi, pero syempre si Anthony parang anak ko na yun at nanghingi siya ng tulong sa atin kaya ayon." Naglakad na siya papalabas, sumunod ako.
"At isa pa, balak niya daw talaga makipag trabaho sayo para sa 2nd album niya before pa nag karoon ng issue eh syempre hindi na natuloy dahil si Ted," biglang tumingin sakin si Sir "nag inarte"
"Eh pano yan baka magalit si Sir Ted?" sabi ko
"Hindi yun atsaka isang kanta lang naman ang ihihingi ni Anthony ng tulong eh, gusto niya daw talaga kasi na sayo lumapit kaya ayon, pinagbigyan ko na."
"o sige na at umalis ka na baka magbago pa ang isip ko at isama pa kita sa meet---" di ko na siya pinatapos at agad ng nag iba ng daan.
"Bye Sir!" sigaw ko habang naglalakad ng mabilis.
Mahirap na.
BINABASA MO ANG
untitled
RomanceHannah doesn't give a shit about her surroundings especially kung wala namang kinalaman sa kanya. Wala ng ibang mahalaga sa kanya kundi ang musika. If it's not about music, then it is not important. Doon lang umiikot ang mundo niya not until someo...