Chapter 2

4 0 0
                                    

Hannah's

Family Reunion

Panibagong araw

Panibagong katarantaduhan na naman

Joke lang! Ano ako Jamill?

Pero seryoso, sana pagka gising ko ibang araw na ulit. 

Ayoko talaga umalis ngayon.

Palakas na ng palakas yung katok sa apartment ko kaya wala na kong nagawa kundi bumangon.

"Ano yu---"

"Anak!"

"Anak ng tupa naman Hannah malalate na tayo oh, hindi ka pa nakabihis?"

Napakunot ako ng noo at pumunta sa kusina. Ramdam kong nakasunod sila mama at papa sa akin.

"Teka at ipaghahanda na kita ng susuotin, maligo ka na pagtapos mong mag toothbrush, doon ka na kumain." Sabi ni mama at pumasok na sa kwarto ko.

"Sige na wag ka ng mag madali at sinabihan ko na sila na mahuhuli tayo." Sabi ni papa habang kinakalikot yung cellphone niya.

"Pa, pwede bang di na lang ako sumama?" tanong ko. Napatingin lang siya sa akin.

Sabi ko nga wala akong choice.

Matapos kong mag toothbrush ay naligo na ko.

Sinuot ko yung hinandang damit ni Mama sa akin. Hinayaan ko na lang siya kasi may tampo pa sa akin si mama.

Matagal na kasi akong nag sarili ng bahay, college pa lang ako. At ever since na lumipat ako ng bahay, never akong nadalaw sa kanila.

Hindi ko alam bakit ako ganon eh, pero don't get me wrong. Wala kaming away ng pamilya ko, sadyang gustong gusto ko lang mapag isa at manatili dito sa apartment ko.

Kaya ayun, sila na ang pumupunta dito paminsan minsan. Tapos sila na rin ang sumusundo sa akin kapag may mga okasyaong kailangang puntahan katulad ngayon.

May family reunion kami sa side ni mama.

"Ikaw talagang bata ka, kung di ka talaga pupuntahan di ka kikilos ano? Wala ka pa atang balak sumama magagalit na talaga ako sayo." Rinig kong sabi ni mama sa labas ng kwarto ko.

Matapos kong magbihis ay nagsuklay lang ako ng buhok at kinuha na yung bag ko bago lumabas.

"Tara na" sabi ni Papa at nauna ng lumabas, sumunod si mama at huli ako. Nilock ko muna ang pintuan at gate bago sumakay sa sasakyan.

Nang makarating na kami sa clubhouse, kung saan gaganapin yung reunion, ay nagsuklay na ko ng buhok at nagtali.

"Anak, nanjan pala ang Auntie Jolie mo." Sabi niya na ikinatuwa ko.

Yung anak lang kasi ni Auntie Jolie ang close ko. 

Si Jenny. Mas bata sa akin ng 2 taon at kahit may autism siya, isa na siya ngayong teacher.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad akong sinalubong ni Jenny. Napangiti naman ako.

"Ate Hannah!" sigaw niya habang kumakaway.

"Hi Jenny! Kamusta?" tanong ko at niyakap siya.

"Okay lang naman ate Hannah. Ikaw po? May boyfriend ka na?"

Bigla akong naubo sa tanong niya.

Natawa naman si Mama atsaka pinat yung ulo ni Jenny.

"Sana nga meron nak, kaya lang di nga malabas ng bahay yan." Sabi ni mama na ikinangiwi ko.

"Ako po may boyfriend na! Si Lucas!" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Pakilala kita ate!" hinila niya ako papunta dun sa mesa na puro mga lalaki ang nakaupo.

"Jenny!" Tawag ng isang lalaking nakaupo don. Pinaupo niya si Jenny sa lap niya at nagkiss sila

Lips to lips

Nagsigawan naman yung mga lalaki sa table. Mga kamag anak ko ba to?

"Jenny tara lakad lakad tayo?" tanong ko kaya napatigil si Jenny at ang jowa niya sa paghahalikan.

"Ay Lucas, eto si ate Hannah, ate Hannah eto si Lucas." Sabi niya at ngumiti naman ako ng pilit. "Alis muna kami" hinila na ko paalis ni Jenny

Naglakad kami sa labas ng clubhouse. Maraming puno at ang mga bahay ay hiwa hiwalay.

Habang naglalakd kami ay panay ang kwento ni Jenny tungkol sa boyfriend niya.

Lahat na nga ata naikwento niya pati yung mga intimate na ginagawa nila ni Lucas.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka inaabuso lang ni Lucas si Jenny since may autism to?

Pero matalino naman si Jenny. Alam niya naman siguro ang pinasok niya.

"Ikaw ate? Bakit wala ka pang boyfriend?" tanong niya bigla

"ako? Wala pa kasi sa isip ko yan eh." Sabi ko at napakamot sa ilong.

"Ha? Eh 24 ka na ate eh. Dapat nga may asawa ka na"

"Ang oa mo naman sa part na may asawa. Atsaka busy pa ako, alam mo naman nagsisimula pa lang ako sa career ko." Sabi ko at nag patuloy kami sa paglalakad

Sabi nila ang perks daw ng pagiging songwriter ngayong bata ka pa eh marami kang maisusulat ng kanta kasi you own your time, you control your time. Unlike sa mga may pamilya na or sa mga in a relationship.

Pero ang perks naman ng mga taong in love eh inspired sila magsulat ng kanta.

Inspired din naman ako hindi nga lang in love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon