Chapter 2

5 0 0
                                    

Isang buwan rin ang nakalipas.


Andito na ako ngayon sa campus ng Ateneo. Kakarating ko lang ngayon at kailangan ko dumiretso sa Blue Eagle Gym.


Medyo kinakabahan ako dahil ngayon ko pa lang makikita at makikilala ang mga magiging teammates ko.


Pumasok na ako na may kaba sa dibdib.


Pag pasok ko sobrang namangha ako dahil ang laki pala ng loob nito. Tulad ng mga sinasabi ng iba "Nakikita ko lang eto sa mga picture noon"


Andito ang mga women's and men's players ng ateneo kasalukuyan sila nag tra-training. May mga fan rin rito na nag aantay para makapag pa picture.


Tala! Tawag sakin ng Coach ng Ateneo Women's Volleyball Team ay mali ng Coach pala namin.


Mars nagulat ako dun, nakakahiya napatingin lahat sila saken. Aba ang lakas ng tawag saken ni Coach.


Lumapit ako kila coach at sa mga magiging teammates ko.


Hi Coach. medyo mahiyang bati ko na may kasamang malaking ngiti.. kunyare shy type muna tayo.


Girls gather muna kayo dito. Tinawag ni Coach ang lahat ng players.


I want you guys to meet Tala Mercado your new teammate from now on. She will be joining your training starting tomorrow.


Isa isa sila nag lapitan saken. Mars ang gaganda at tatangkad mukha lang akong patatas.


Hi I'm Mila the captain. ayun lang ang sinabi niya pero ngumiti naman siya


Ang cold niya pero okay lang maganda naman siya at siya pa ang captain.


Hiii! I'm Patricia the libero. I'm excited to see you on training tomorrow. Ang ganda mo teh!


Ang ganda niya tapos ang kalog pa. Eto na ata magiging bff ko sakanila.


Anyyeong Haseyo ang cute mo. Hello I'm Yvonne Buenavista the setter. See you tomorrow!


Eto naman ang witty tapos ang puti niya mars. Hindi halatang volleyball player unfair. charot


Ang dalawang huli ay si Kaye na Open Hitter at si Camille na Middle Hitter. Ang ganda rin nila dalawa at mabait rin naman pero medyo intimidating lang sila.


Siyempre hindi ko na ipapakilala lahat.



Umupo na lang ako rito sa tabi ng court at inantay silang matapos para sabay sabay kaming pumunta ng dorm.


Tatlong oras rin ako nag antay at nabagot bago sila natapos.


Andito na kami ngayon sa dorm at kanina pa ako chinichika ni Patricia. Kung ano ano pinagtatanong saken teh ano ito question and answer. Pero sinagot ko naman lahat yun.


Nilapitan ako ni Yvonne at tinuro saken kung saan ang kama ko. Katabi ko pala si Captain nakakahiya naman dun pa ako tinabi sa magaling.


Buti wala pa siya may pinuntahan ata sila ni Kaye at Camille. Kami lang nila Yvonne, Patricia at ng iba pa ang nandito sa dorm.


Talaaaa. Lapit sakin ni Yvonne at Patricia habang tinatawag pangalan ko.



Bakeeeet. Sagot ko naman sa dalawang to na napaka hyper.


Kain tayo ni Yvonne malapit lang dito. With matching pa cute pa nila ni Patricia.


Ewan kung saan ako dinala ng dalawang to lalo na bago pa lang naman ako dito sa Manila. Pero ang sarap ng pagkain hindi naman ganun kamahalan swak sa budget ng mga college students.


Mag 8pm na kami nakauwi dahil nag kwentuhan pa kami bago nakauwi. Si Yvonne pala ay Engineering tapos si Patricia ay Architect.





Grabe may future architect at engineer na ako na kaibigan.


Nung nakauwi na kami sa dorm andun na si captain tsaka sila kaye at camille.


Nag ph-phone si captain pagka pasok namin. Napatingin naman siya sakin ng mga 0.3 second tapos balik sa phone.


Ang tagal niyo nawala ah, san kayo pumunta? lagot kayo kay coach sabi naman ni Camille


Kumain lang naman kami. Wala pa naman curfew ah. pagtatanggol ni Patricia


Nakaligo na kami lahat at ready na sa tulog. Pa pikit na ako ng mga ng nakita ko nakatingin na naman sakin si captain.


Umiwas na lang ako ng tingin at natulog na lang.





We Met in Blue Eagle Gym Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon