Chapter 1

11 0 0
                                    

Andito ako ngayon nasa itaas ng stage sinasabitan ng aking magulang ng medalya habang naka ngiti sa maraming tao.

Sa wakas tapos na rin ako sa senior high school, graduate ako ng Humanities and Social Sciences dito sa Southwestern University sa Cebu.


Hindi ako valedictorian o kung ano man ang iniisip niyo, isa lang ako studyante na hindi sobrang talino pero may nakukuha pa rin namang award at medalya.


Natapos na ang Graduation Ceremony at kumain lang kami ng akin pamilya sa isang Korean Restaurant dahil requested ito ng bunso ko ng kapatid, akala mo naman siya ang grumaduate ngayong araw. Pero dahil mahal ko naman ang aming bunso pinagbigyan ko na lamang siya.


Tala, saan mo pala mag aral ng college. biglang tanong ni mama sakin



Sa Ateneo yan mag aaral si ate mama! pa sigaw naman na sagot ng bunso namin



Mama, tama po si Gia. Sa ateneo po ako mag aaral.


Diba mahal ang tuition fee sa Ateneo anak? Di namin kaya ng mama mo na pag aralin ka sa ganung University. sabay tingin naman ni Papa kay Mama.



Napatingin ako sa kanilang lahat ng malungkot. Okay lang po Ma, Pa. Sa ibang university na lang po ako mag-aaral. malungkot ko namang sabi sakanila.



Nag pa tuloy ako sa pagkain at nung natapos na ako lumapit ako kay Mama at Papa.


Ma, Pa, tignan niyo po ito.

Pinakita ko sa kanila ang text message ng Assistant Coach ng Ateneo na kinukuha ako bilang player ng Ateneo at may kasama ng scholarship.



Tumutulo na ang luha nilang dalawa nang maibalik nila saakin ang aking cellphone.


Totoo ba 'to anak? tanong ni mama saakin


Opo ma, nag karoon po kasi ng try out ang ateneo last week dito sa school at sumubok lang naman ako.


Congratulations anak! Tumayo at niyakap ako ni Papa



Tumayo na rin si Mama at ang dalawa ko pang kapatid at niyakap na rin ako. Hindi kami nahiyang mag yakapan kahit marami ang taong narito sa restaurant.




Noong isang araw ko pa nalaman na napili ako ng Ateneo para mapabilang sa Ateneo Women's Volleyball Team.Akala ko nung una may nang pra-prank lang saakin pero nakausap ko ang Assistant Coach ng Ateneo at na confirm na totoo talaga.


Sobrang saya ko nung nalaman ko na napili ako kasi isa ang Ateneo sa mga dream universities ko.


Nakauwi na pala kami ng bahay at nakapag palit na rin ako ng damit. Kinuha ko ang cellphone ko at pinost ang graduation pictures ko. Madaming nag comment at halos lahat mga naging teammate ko sa volleyball.


“Congrats po idol” Claudia
“See you sa FEU please” Andrea
“Isang palo muna jan” Nicole



Syempre tulad ng ibang mga grumaduate ng high school, mag po-post din ako ng long not sweet message with my graduation picture.



Napaluha ako habang nag ty-type dahil sobrang daming memories ang nabuo sa SWU. Dito ako unang naglaro ng volleyball. Dito ako nanalo at natalo. Naalala ko rin nung nakikita ko yung crush ko na may kasamang iba tapos ako iyak.



Napa hikab ako habang nag ty-type. “Thank you for the 12 years SWU! All for you and because of you”

We Met in Blue Eagle Gym Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon