Chapter 3
Lumupas ang panahon na naging bitter ako sa love. Di nagtagal naka-graduate na rin ako sa high school. Hay sa wakas hindi ko na makikita ang pagmumukha ng bwisit na lalakeng yun at ng jowa niyang mukhang CLOWN! Na wala nang ginawa kundi magtukaan at mag-ubusan ng nguso! Anyway change topic tayo dahil nakakawala ng gana ang dalawang yun!
College na ako at BS archetecture ang kinuha kong kurso. Pangarap ko kasing gumawa ng mga bahay at balang araw gagawa ako ng sarili kong mansyon na ayon sa gusto ko!
First day of school ngayon at hinihintay ko ang magandang bestfriend ko na sa sobrang kupad maaabutan na siguro ako ng bukas sa kakahintay. Fashion Designing ang kinuha niyang course. Sayang nga eh at magkaiba kami ng kinuha. Hindi naman pwedeng sumunod ako sa kanya at piliin din ang kursong gusto niya dahil wala naman akong kahilig-hilig dun.
Habang nakatayo ako sa gate ng university, may biglang nahagip ang mga mata ko... Oh mas mabuting sabihin na parang may humigop ng mga paningin ko at wala sa sariling napatingin ako sa pinanggagalingan ng pwersang huhimigop sakin....
Dugdug..Dugdug..Dugdug. ...
Oh no! this can't be! Hindi maaari toh! Hindi pwede! No, no, no! Jane wag kang titingin sa kanya! Magkakasala ka! Ibaba mo ang mga mata mo! Sa lupa ka tumingin o magkunwari kang sa iba ka nakatingin! Dali!
At kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pinilit kong maging kalmado sa abot ng aking makakaya..Okay gawin mo ang parati mong ginagawa. Effective yun!
At ginawa ko nga ang tinatawag kong " emotionless-eye-look". Kalmadong tumingin ako sa kanya ng walang mababanaag na emosyon sa mga mata ko. Na para bang ordinaryong tao lamang siya at hindi ako nag-aaksaya ng panahon na kunin ang atensyon niya... Gaya nalang ng ibang mga babae dito sa gate na halos maglumpasay sa sahig at halos mawalan na ng malay dahil sa lalakeng to na ubod ng gwapo....
No scratch that. Hindi lang gwapo, lumagpas pa siya sa depinisyon na yon!
Tinitigan ko lang sa ng aking "emotionless-eye-look". Tumitig din siya sakin na para bang dimakapaniwala na nakikipagtitigan ako sa kanya ngayon. At unti-unti siyang ngumiti..
Ang tangos ng ilong, Panalo ang height, haircut na waging-wagi na parang kay Lee Min Ho sa City Hunter! Maputi. At. . . Wait lang. . . Look at that eyes. . . Ano bang kulay yan? Hindi ko matukoy kung ano. . . Para siyang hazel? No gray ata. . . Hindi ako sigurado pero, yun ata. . . Oh my, mata palang ulam na. .
O////////////OOh my! Kung posible mang magblush ang mga maiitim. Baka nagblush na ako ngayon. Ang manyak ko na ata. Pero hindi ko parin pinapakitaan ng paghanga man lang ang tingin ko sa kanya.
"Waaaaaaaaaaah! Oh ehm geh! Sister! Kita mo yun?! Nginitian niya ako!" -echosera no.1
"Oh you're so ambisyosa! Ako kaya yun!"- echosera no.2
"No it's me! Duh! Mga bulag"- echosera no.3
At di nagtagal nakisali na lahat ng babaeng tumatambay o napapadaan man lang sa gate! Mga ambisyosa talaga.Mga babae talaga, desperada lang eh noh?
Nakatitig pa rin ako sa kanya. Kaya sinita ko na ang sarili ko. "Wala na Jane bakit nakatitig ka pa rin sa likod niya? Hello? Wag mo sabihing nahuhulog ka na naman?! Ayan ka na naman Jane ah! Di ba sabi ko sayo wag ka ng padadala sa mga ganya?!Panget ka okay? At walang magkakagusto sayo! Oh ngayon yung gwapong yun naman ang pagdidiskitahan mo? Tingin mo ba okay yun? Hindi di ba? Masasaktan ka na namn! Kaya please lang tama na."
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling turns into Sex Icon
RomanceI love partying all night. Meet some handsome and oh-so-damn hot men. I will turn them on. Then the next morning, they will regret that they even met someone like me. Don't get me wrong. Walang nangyayari samin ng mga lalakeng nakakasama ko. I just...