Chapter 3

6 0 0
                                    

Chapter 3

"AZ'S POV"

"AZ kain na!" rinig kong sigaw ni Thalia.

"King ina wait lang!" sagot ko.

Dali dali kong sinuot ang long sleeve na puting blouse ko at paldang itim, sinuot ko rin ang medyas at sapatos ko, pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang mahaba kong buhok tsaka ako nagpuyod bago ako bumaba sa kusina, nakaupo na silang dalawa at hinihintay nga ako, umupo ako sa tabi ni Naira at kumuha ng pandesal tsaka ito sinawsaw sa kape.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa banyo para magsepilyo, habang nagsesepilyo ako ay lumapit naman sakin si Kabi at dinila dilaan ako. Pagkatapos kong magsepilyo ay bumalik muna ako sa kusina para pakainin si Kabi, kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas sa bahay. Malayo palang ay nakita ko na si Rabbit, Rabbit ang tawag ko dito dahil regalo ito sakin ni Neri, kaibigan ko si Neri sa Korea malaki ang dalawa nyang ngipin sa taas, kaya ang tawag ko sa kanya ay Rabbit, lumapit ako sa motor ko at sinuot ang helmet, sumakay ako sa motor at pinaandar ito papunta sa school.

Pinark ko muna ang motor ko sa parking lot bago pumasok sa loob, nasa pinto palang ay may guards na siguro bantay na bantay talaga ang school na to, naglakad ako papasok at doon ako binati ng guard.

"Good morning ma'am" bati nya sakin, nginitian ko lang sya at nagdere-deretso sa paglalakad.

Habang naglalakad ay umakyat ako sa second floor para hanapin ang locker ko '017' ang number ng locker ko, sinilid ko ang iba kong gamit dito tsaka sinara ito, kita ko sa gilid ng mata ko si Naira na pagod na pagod na tumatakbo papunta sakin, tumigil sa at doon naman ako humarap sa kanya.

"Oh?" kunyaring gulat na sabi ko. "Kamusta jogging?" may pagkahalong birong tanong ko.

Ngunit imbes na magsalita ay hinampas nya ako ng notebook na hawak nya, at sa braso nya ako hinampas, hinawakan ko ang braso ko tsaka tumingin ng masama sa kanya.

"Jogging?!, Jogging?!" galit na tanong nya. "Alam mo bang hinabol kita ng hinabol eh pano kung namatay ako sa pagod!"galit na sigaw nya.

"OA!, Eh sino naman kasing nagsabi sayong habulin mo ko"

"Wala" Wala sa sariling sagot nya.

Inakbayan ko sya tsaka kami dumeretso sa canteen para bumili ng tubig na maiinom, agad kaming pumila at bumili, umupo din muna kami sa upuan para magpahinga, nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumami ang tao. Lumipas ang ilang minuto ay nasa canteen kami patuloy parin ang kwentuhan, tumayo kami at naglakad papunta sa classroom namin, tumakbo na si Naira habang ako ay chill chill lang, ngunit tinigil ako ng paa ko sa isang classroom pinilit kong igalaw ang paa ko pero hindi ko ito magalaw.

"Mr. Enriquez?" rinig kong sabi ng lec nila at doon naagaw ang atensyon ko. "Mr. Enriquez?" nakatingin sya dun sa payat na lalaki na nakatingin sa bintana.

Gwapo naman, maputi, payat, mukang mayaman, hindi lang muka mayaman na nga, pero 'Wat the pak bakit mulog'

Tinaas nung lec nila ang kilay nya tsaka ito bumaling sa katabi ni Payat.

"Dre?!" pasigaw na sabi ng katabi ni Payat.

"Oh?" takang sagot nito.

Tinuro naman nung katabi nya yung lec nila, dahan dahan naman si Payat na tumingin sa lec na kunit noong nakatingin sa kanya.

"Okay now I got your attention, How deep is the root system of a giant sequoia?" nagulat naman si Payat sa tanong nung lec.

'Anong nakakagulat dun?'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MOONLIGHTWhere stories live. Discover now