Chapter 1
Life is like a puzzle, maraming paliko-liko. Maraming up’s and downs. Maraming mga mazes, nakakalitong mga clues. Ang isang puzzle game ay parang buhay lang ng tao, ang mga tao ang puzzle at ang mga piraso nito ang mga mahahalagang tao sa buhay nila, katulad ng family, friends, bestfriends o kahit love ones pa. Yung parang hindi kumpleto ang imahe kapag kulang sila, pero habang tumatagal puwede silang mawala, kung hindi naman sabay-sabay pwedeng isa isa.
“ Central station.”
“Central station”
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang salita iyon. Andito na pala ako sa station kung saan ako bababa. Natatawa ako sa mga pinagiisip ko. Hays. Ito ang Gawain ng mga bored na tao, ang magpaka deep.
Naglalakad na ako papunta sa destination ko, pero itong isang lalaking to kanina pa tumitingin sa akin, nakalabas na ko’t lahat-lahat sa train nakatingin pa din siya sa akin, at eto ngayon nakakasabay ko siyang maglakad. Nakikita ko din sa pheripheral vision ko na tumitingin siya sa akin. Wala naman akong natatandaan na inutangan ko siya, o baka meron? Medyo makakalimutin kasi ako. Hehe. Pero infairness gwapo siya. Hihi. Ihhhh, kinikilig a—
“Ay butiki!!!”
Dahil sa kakapantasya ko muntikan na akong madulas. Kailangan ko ng bumili ng sapatos dahil madulas na yung sapatos ko. Dumilat ako para Makita ko yung taong sumalo sa akin, di pa kasi ako dumilat ka agad sa sobrang kahihiyan.
Ow shit, ang gwapo pala talaga niya pag malapitan. Ihhhhhhhhhhhhhh. Kinikilig nanaman ako. Shit Ran tigil tigilan ang kalandian.
Unti unti kong inayos ang gulo gulo kong buhok gamit ang mga daliri ko. Binasa ng kaunti ang labi ko, gamit ang dila ko. Natuyo yata bigla ang labi ko kahit naglagay naman ako ng lip balm kanina sa sobrang gulat sa pangyayari.
“ Miss okay ka lang??”
“Aaa. O-oo.” Utal utal kong sabi. Shit lang. As in shit lang talaga.
_________
_________
“O Ran, bat ang aga mong naligaw ngayon?” Sabi niya pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto nila. Kilala naman ako ng parents ni Cathy kaya okay lang kahit dumiretso na ako sa kwarto niya, ng walang paalam. Real friends don’t knock. Kaya eto walang pasintabi kung buksan ang pinto ng kwatro niya. Si Cathy Dain ang isa sa mga circle of friends ko.
“Boring sa bahay e.” napasinghot agad ko pagkatapos kong sabihin iyon. Di ko na mapigilan e. Huhu.