Chapter 2:
"Mind if i join?" Sabi sa akin ng babaeng hindi ko kilala. Andito ako ngayon sa cafeteria kumakain mag-isa. At asan ang mga circle of friends ko? Wala. MIA. Missing in action.
"May nakaupo" I said without even looking at her. Naramdaman ko naman na umalis na siya kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Naranasan niyo na ba yung feeling na ang bigat bigat ng loob mo sa isang tao? Yung feeling na kahit gusto mo siyang maging kaibigan ang hirap? Tapos meron pang tao na ang gaan gaan ng loob mo sa isat-isa kahit kakikilala mo pa lang, yung parang ang tagal niyo ng magkakilala. At anong connect ng sinasabi ko sa babaeng gustong umupo sa tabi ko? Wala. Ayaw ko lang siyang pauupuin. HAHAHA.
Tumayo na ako agad after nung last bite ng hotdog ko. Kinuha ko na din ang Juice ko sa table. Ngumunguya ako habang naglalakad pabalik sa room ko.
"You gold digger bitch!" Sigaw nung mga froglets. Palabas na ako ng cefeteria ng sumigaw sila. Hindi na ako nag atubuling tumingin pa. Sa ilang years na nag-aaral ako dito lagi na lang silang ganyan. laging may inaaway, laging may binubully. School of bullies itong Brayden University e. Hindi pa ba sila nagsasawa? Ang alam ko kasi pang high school lang ang pang bubully. Pati college din pala. -.- Inunum ko na ang juice ko para maubos na at itinapon ito sa unang basurahang nakita ko.
"Siguro sinadya mong sunugin ang bahay niyo para bilhan ka ng bahay ng mga kaibigan mo. Nakakaawa.
Napahinto ako pagkasabi niya nun. Lumapit ako sakanila. Sa sobrang dami ng sinasabi ng babae hindi niya ako napansin na lumalapit sa kanila. Kilala ko sila sa mukha pero sa pangalan hindi at hindi ako magsasayang ng oras para kilalanin sila. Mga papansin.
“So what kung hinuhuthutan niya kami? Naiinggit ka ba? Humanap ka na lang mahuhuthutan mo para hindi ka nagaaksaya ng laway sa kakasalita mo sa walang kwentang bagay.” Pagkatapos kong sabihin iyon, hinawakan ko ang kamay ni Cathy at hinila paalis sakanila. Nasa may field na kami ng bigla niyang binawi ng malakas ang kamay niya sa akin. Napatingin ako sakanya ng may pagtataka.