Chapter 4 :)

8.1K 212 4
                                    

Chapter 4 :)

(^^ Ysay POV)

"Psst!!"

huh?




>____>



Katakot naman parang may narinig akong sumisitsit..

binilisan ko na yung pag lakad ko.

Grabe bakit naman kasi ang layo ng sakayan ng jeep.. >___

Tapos wala pang katao tao sa paligi >___

Malamig pa yung simoy ng hangin.. magpapasko na kasi..

Papauwi nako ngayon ginabi na tuloy ako dahil nag punta pa ako sa library ng school namin di ko napansin yung oras.. ginabi tuloy ako ng uwi..

Nakakatakot pala maglakad dito sa labas ng school namin.. parang walang taong naglalakad dito.. huhu

Panay may kotse kasi mga tao dito.. tss dapat pala sumabay nako kay Gia kanina nung umuwi sya..

"Pssst!!"

°________° ehhh??

Uwaaaaa may sumisitsit talaga!!?

napatakbo ako bigla.. di ko na tinignan kung sino yung sumisitsit sakin..

Dahil sa panahon ngayon madaming masamang tao ang nagkalat lalo na at magpapasko pa..

"Sandali nga!"

"Aaaaaaaaaaahhhhh" Napatalon ako nung hawakan ako sa braso nung sumisitsit sakin..

"Shhhh Ano ka ba?! Bakit ka ba sumisigaw?!"

Tinakpan nya yung bibig ko..

Teka si OFlo Chavez to ah? Hoholdapin nya ba ako? o bka rerapein nya ako??! °_____°

Inalis ko yung kamay nya na nakatakip sa bibig ko.. Shet ang bango ng kamay nya at ang lambot.. palibhasa walang ginagawa sa bahay nila..

"Susme OFLodor!! mamamatay ako sa niyebros sayo! bakit mo ba ko sinusundan ha? kung hoholdapin mo ko wala ka mapapala sakin dahil bente nalang yung pera ko.. at kung re-rapein mo ko wag mo ng ituloy dahil di ka naman mag eenjoy sakin!"

=________= ?

"Anung sabi mo?"

"Tss ang haba haba nun ipapa-ulit mo? Diyan ka na nga!"

"Wait.. kung ano ano yang iniisip mo.. First of all wala akong balak rapein ka.. Di pa ako nababaliw.. At di rin kita hoholdapin dahil kahit yung buhay mo kayang kaya ko bilhin.."

"Eh yu----"

Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nilagay nya nanaman sa bibig ko yung kamay nya..

"And Lastly kaya kita sinusundan dahil gusto kita Ligawan.."

Huh?


Anu nga uling Sabi nya?????


Ligawan???!!!!


Aba't ang lakas din ng shopak ng lalaking to no?

Tinangal ko nanaman yung kamay nya.. This time naiinis nako talaga..

"Mr.Chavez ang lakas ng Apog mo.. Never ako magpapaligaw sa isang katulad mo! Di kita Type at kahit kelan di ako magkakagusto sayo!"

Wow ang ganda ko eh no haha.. eh gantihan ng trip nalang eh.. trip nya ko eh..

di sya makapagsalita.. Nakatulala lang sya..

Tumakbo nako papuntang sakayan ng jeep.. tss

Ayan napapala ng mga trip mo Chavez!

Di ko maiwasang mapangiti nung nakasakay nko sa jeep haha.. Ang kyut kasi asarin ng lalaking yun..

Maya maya pa malapit nako sa bababaan ko..

"Manong Para po!"

Tssk di ako marinig ng driver dahil ang lakas ng sounds ng jeep nya!!!

Kainis yung ganitong jeep kaya napapalagpas ako eh..

Yung mga pasahero naman iba dedma di man lang ako tulungan mag- Para

Nakita ko may tali na parang wire sa gitna ng jeep.. Ay sows May pang preno pala sa gitna eh..

Hinatak ko yung tali..

Aba matigas to huh?

Hinila ko uli..

Aba ayaw padin huh? Lintik lagpas na lagpas nako sa Dorm ko!


Tinodo power ko na yung paghila ko!!!!


*POOOOOK*



Hala?!!!!!!


°_________° Oh my God!

Pu..Pumutok




Pumutok yung Ilaw na nasa gitna ng jeep at.. Na...Namatay yung Sounds!!!!

"Nako Miss nahila mo yung Wire!"

Nagpanik yung mga pasehero ng jeep. at yung iba napasigaw pa..

"So..Sorry po! Akala ko kasi paghinila ko yun hihinto yung j..jeep"

"Anak ng!!!!"

Sumigaw yung driver nung jeep.. at lumingon sakin.. pati kasi yung jeep huminto na..

kuryente pala yung nahila ko..

°________° huhu pnu to !!

Hala anu gagawin ko?!!!!

Binilisan ko yung pagbaba ko ng jeep at tumakbo ako ng sobrang bilis!!!!!

"Hoy bumalik ka dito bayaran mo yung jeep ko!!!"

Narinig ko pa yung manong driver na sumisigaw.. mas lalo ko pa binilisan yung takbo ko.. Anak ng pating naman nakapalda pa naman ako at sobrang haba kaya hawak hawak ko tuloy yung palda ko.. baka kasi madapa ako..

Nagpasikot sikot ako sa mga eskinita.. Mabuti nalang madaming tao dito..

At nung mapagod ako.. Nagpahinga ako saglit..

Hala!!!! Yung Libro ko naiwan sa jeep!!!

First quiz pa naman namin sa Friday . Paano nako nito makakareview?!!

Papazerox ko nalang yung kay Gia.. haaay..Umuwi nako sa dorm ko..

Pagpasok ko..

Higa agad ako sa kama ko..

Grabe pagod na pagod talaga ako..

THE HEARTBREAKER KING COMPLETED ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon