Prologue

3 1 0
                                    

"You're definitely screwed, Billie." saad ni Alexia habang pinaglalaruan ang beer sa kaniyang kamay. Umirap ako at tumingin na lamang sa tanawin sa aking harap. Andito kami ngayon sa veranda ng kanilang bahay dahil nagkasagutan na naman kami ni Papa.

It's always like this. Me, doing a lot of dangerous things and them, judging and stopping me from having fun. They say I'm too old for fun and games, some may think that I'm too young to do stuffs or to enjoy life. I know, people are really confusing but as far as I know, there is no age limit on enjoying and living your life the way you want it to be.  It's not about the age, it's about how you think.  Yeah, people are weird.

"Don't you think I don't know that? Lagi naman." I answered sarcastically.  Tumawa siya at umiling. 

"Why don't you just run away and disappear from your family?" she asked. Huminga ako ng malalim at pumikit.

"You know I can't. They will always find me then blame me for screwing everything. Besides, I can't finish my studies alone." sagot ko at binuksan ang mga mata. Tumingin siya sa akin ng seryoso at ngumiti.

"Cheer-up, you have a game tomorrow. Stay strong and don't screw it, too." she replied and laughed. Napatawa na rin ako at ngumiti sakaniya. She's the only person I can trust.

Umalis na ako sa bahay nila at nagdisisyong maging mag-isa muna para makahinga at makapag-isip ng maayos. Nagparada ako sa isang malawak na parking lot ng isang saradong  convenience store. Umuulan rin sa labas at wala akong pakielam. Nilakasan ko ang volume ng music sa loob at lumbas ng sasakyan. Naramdaman ko ang mga patak ng ulan at nakaramdam ako ng ginhawa.

"Dreaming of you when I'm alone

Baby don't trip, I'm coming home

Kick it with me, I don't care if the sun is gone

Baby don't cry when I am gone

Promise you are everything I want"

I am so tired of living like this, living with the society's  expectations and standards. Niramdam ko ang patak ng mga ulan sa aking katawan. Humiga ako sa malamig na sahig at pumikit habang malakas ang pagpatak ng ulan sa aking katawan at dinama ang malakas na tugtog sa loob ng sasakyan na naririnig ko sa labas. 

"I swear I don't see nothing but I love to lay here with you

And I hope you know I miss you

From my head I can't dismiss you

Eres lo que yo anhelaba en esta vida, que me falta

Lo que siento is surreal, I can't lie to you for real"

I found this therapeutic, being alone, the rain, listening to music on a full blast, not knowing my limits in everything I do and not having a filter when I'm talking to other people. Yeah, maybe they are right. Maybe I'm really screwed. Maybe, I'm really aroubled kid.

They can't blame me, I am just a kid. A kid who wants to enjoy this life. Well, life really sucks but I am enjoying it. I enjoy feeling sad, feeling empty and even now, I enjoy feeling so tired. I know it is weird but I enjoy the games and thrill the life gives. Wala naman akong choice kung hindi ipagpatuloy ang buhay dahil gaya ng sabi ko, I'm just a kid. So let me be a kid.

"Miss? Anong oras na oh, umuwi ka na. Lasing ka ba? Teka, tatawag ako ng pulis." naputol ang pag-iisip ko at nawala ang ginhawang aking nararamdaman dahil sa ibang boses ng lalaking nagsalita.

Binuksan ko ang aking mga mata habang nakahiga parin sa malamig na semento. Nakita ko ang isang lalaking nakapayong at pinagmamasdan ako ng mabuti. Naka itim siya na jacket at pantalon din na kulay itim. Dumudungaw siya sa akin na para bang ngayon lang nalilito at nagtataka.

"Miss? Ano, tatawag na 'ko ng pulis? Lasing ka yata eh. Ang lakas pa ng tugtog mo, adik ka ba?" tanong niya ulit.

Umirap ako at umupo. Tumingin ako sa langit at napagtanto na hindi na pala umuulan. Gaano ako katagal rito? Anong oras na ba? Kailangan ko ng umuwi sa apartment dahil may pasok pa pala ako bukas. Hindi bale na, late na lang ako papasok.

"Miss, ano? Ayos ka pa ba 'dyan?" tanong ulit ng lalaki na nagpairita sa akin.

Tinignan ko siya at hindi ko makita ng maayos ang kaniyang mukha dahil siguro sa ininom kong alak at pagod na rin. Inirapan ko siya at tumayo. Pumasok ako sa sasakyan at narinig ang tawag niya sa akin subalit hindi ko na sinagot dahil sa kagustuhan ko ng umuwi.

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, hinanap ko ito sa aking kama at kinuha ko ito habang pikit pa ang aking mga mata. Pinilit kong buksan ang aking mga mata at nakita ang pangalan ni Alexia na tumatawag. Sinagot ko ito at nilagay ang phone sa tenga.

"Ano?" tanong ko habang inaantok pa.

"Anong ano? Anong oras na, Billie Kelsie! Recess na namin, ikaw tulog pa 'rin? Dalian mo na, may laro ka pa mamaya." sunod sunod na sagot niya, pakiramdam ko sumisigaw na 'to.

Tumayo ako at pinatay ang cellphone. Nakita ko ang oras, 10:00 am na. Agad akong naligo at nagbihis, hindi na ako kumain dahil oras na. Nasa sasakyan na ako at nagdisisyon na dumaan muna sa isang convenience store para bumili kahit tinapay lang.

Dali-dali akong pumasok at kumuha ng kahit anong pagkain roon. Nilagay ko ito sa counter at kumuha agad ng pera. Nang mapansin ko na ang bagal ng tao sa counter ay tumingin na ako rito, kumunot ang noo ko at nagsalita.

"Pwede pakibilis? Late na kasi ako sa klase." sabi ko habang nakatingin sa lalaki sa counter.

"Sungit mo naman." sagot at tawa ng lalaki. Umirap ako at kinuha ang mga pinamili ko tsaka sumakay sa sasakyan.

Nasa school na ako ng mapagtantong, nakalimutan ko ang sapatos na gagamitin ko mamaya sa game. Ah, what a day.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

lo que sientoWhere stories live. Discover now