Prologue

6 0 0
                                    


She's wearing a floral dress at nakalugay lamang ang kanyang buhok. Tinatangay ng malakas na hangin ang kanyang suot at ang kanyang buhok habang nakatayo siya at nakatitig sa kawalan.

Tinignan ko siya mula sa malayo at dahan dahang lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may tumutulak sa akin na lapitan ko siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, napakaperpekto ng likod niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinupuri sa isipan ko.

Naka side view siya mula sa akin. Kitang kita ko kung paano siya ngumiti at nakipagsabayan sa malamig na simoy ng hangin.

But then...

I cannot recognize her face because it's blurry.

Beads of sweat formed in my forehead and my back. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at hinahabol ang hininga. Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig at bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba.

I want to drink a cold water in the refrigerator to totally wake me up ng biglang may naramdaman ako sa tabi ko. Shit! Biglang sumungaw sa comforter ang naaantok pa na mukha ng dalaga. Nanlaki ang mata ko sa mga pangyayari and then I realize something.

A party!

Last night!

"Good morning Rendale."malamig at napapaos na usal ng dalaga. I didn't even know her and what's her name again? Marami na akong babaeng napaligaya sa kama and all of them ay nakilala ko lang sa party. I'm not interested to know their names. Pang one night stand lang, ganun. Niyakap niya ako sa beywang dahilan para napatalon ako at tumayo ng matuwid.

Bigla na lamang tumawa ang dalaga sa harap ko habang nakahiga. Nagtataka ako sa biglaan niyang pagtawa. Tumingin ako sa katawan ko kung saan siya nakatingin ngayon. Shitttt! Napuno ng lipstick ang tiyan ko at puta! Naka boxer lang ako ngayon sa harap ng dalaga. Nagmamadali kong sinapo ang katawan ko sa hiya at tumakbo sa banyo at malakas na sinarado ang pintuan.

Medyo sumakit pa ang ulo ko, hangover siguro. Naparami kasi ako ng nainom kagabi because I have another problem. Bakit parati nalang yata akong may problema?

Nagmamadali nalang akong maligo dahil may gagawin pa ako.

Sumungaw ako sa labas ng banyo at nakita ko pa ang bag ng dalaga kaya hindi muna ako lumabas.

Teka bakit ba ako nahihiya? Body checked... hell yeah...I have beautiful six pack abs and I need to go out para ibalandra dapat ang mga ito.

When I went back to bed ay wala na ang dalaga. Sayang din at diko naipagmayabang itong alaga ko. It's a relieve din naman. Ayokong may magtatagal na babae dito. Gusto kong pagkatapos ng maliligayang gabi ay back to reality. Walang pansinan at dapat pang one night stand lang ang mga babae ko. My happiness.

Naka tuwalya lamang ako ngayon habang nagtitimpla ng kape at naglakad patungo sa veranda.

This dream always wakes me up. Halos na kabisado ko na ang back posture ng babaeng parati kong napapanaginipan ng ilang araw nang nakalipas.

But this time...

I saw something on her neck when the wind blow up her hair. A pearl necklace. She's wearing a pearl necklace.

Napakunot ang noo ko sa kakaisip sa panaginip ko. Bumalik ako sa loob at kinuha ang sketch pad ko. May itinabi akong sketch pad, dito ko ginuguhit ang napapanaginipan ko tungkol sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit palagi ko siyang napapanaginipan at kung bakit panay nalang ang kuryusidad ko na makita ang kabuuan ng pagmumukha niya. Bawat lumalabas sa panaginip ko ay iginuguhit ko.

In the first page of my sketch pad ay guhit ng isang labing nakangiti. This was my first dream when I was 19 years old at nagtagal itong panaginip na ito ng ilang buwan ng pabalik balik.

The second page ay guhit ng isang kamay na may polseras na perlas. This was my second dream when I was 20 years old.

The third page reveals an innocent eye that looks so very happy. This was may third dream when I was already 21 years old.

And now I'm almost 22 years old.

Last month the girl show up again in my dream nang nakatalikod na ito. Nagulat ako dahil unti unting lumalaki ang tsansa ng panaginip ko. Hindi ko aakalaing makikita ko ngayon ang kabuuan ng likod ng babae sa panaginip ko.

And again, nanaginip na naman ako ngayon at may perlas itong kwentas.

Iginuhit ko ang napanaginipan ko ngayon at nilagyan ng petsa. I was wondering kung bakit isang buwan lang ang pagitan at nanaginip ulit ako. Ang iba ko kasing panaginip ay umaabot ng iilang buwan bago mapalitan.

Bakit parang may mali ata sa mga nangyayari ngayong mga nakaraang panaginip ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Magkahalo  ito at hindi ko mapaliwanag. May parte sa akin na masaya dahil unti unti ko ng nabubuo ang babaeng parati kong napapanaginipan dahil sa mga iginuhit ko. But, meron ring parte na natatakot ako kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito at kung anong mangyayari kapag makita ko na ng tuluyan ang mukhang matagal ko ng gustong makita.

This vision makes me crazy to think whose this fucking girl in my dream and why I can't get rid of her in the past years until now. Napasapo nalang ako sa aking ulo pagkatapos kong maguhit sa sketch pad ang perlas na kwintas.

This missing pieces of memory of mine is easily making its way to make the puzzle assembled. And I don't want that puzzle to be assembled. I don't know how to react on it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vivid of Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon