II - Albert Trevor !!!

131 13 0
                                    

"Bakit kase hindi ka nalang mag request kay Dad ng sarili mong sasakyan? Di yung nagpapahatid-sundo ka sa'kin lagi" pagmamaktol ng isang impakto. Hinayaan ko nalang si Kuya na magdabog, wala na din naman akong magagawa. Nauna na si Randy sa school dahil may 7:30 am class siya. 

Nakasakay na ako ngayon ni Kuya sa kotse niya. Ayoko manghingi kay Dad. Si Mommy naman ayaw niya yung hindi ko paghihirapan yung mga nakukuha ko. Hindi kami same school ni kuya kaya siya nagkakaganyan kapag nagpapahatid ako.

"Sige na, alis na'ko" paalam niya nang makababa na ako.

Prelims pa naman ngayong semester so wala masyadong assignments, puro upcoming exams nalang kase tapos na ako sa mga requirements ko per subject kaso may quiz kami mamaya so dumiretso muna ako sa library para makapag review. Alam ko kaseng maingay dun sa classroom. While I'm on my way, nakasabay ko yung mga bookworm ng Engineering Department. As usual, lagi silang nandito. Pinauna ko muna silang pumasok bago sana ako susunod kaso may nag offer ng way.

"Mauna kana, Insan" nakangising si Andre.

I rolled my eyes when I saw it was him. Lagi nalang akong tinatanong ng mga kakilala kong may gusto sa kaniya kung pinsan ko nga ba talaga 'to kase panay tawag niya sa akin ng Insan. Hindi naman kami magpinsan eh, sila ni ano yung magpinsan. Agad ko nang hinawakan ang pintuan para pumasok na nang sakto ding hawakan ng isang lalaki yung pinto dahilan ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatigil naman kami nang mapagtanto kung sino ang kaharap ko.

"Ehem. Uhm, wews. Awkward.." si Andre. Agad naman akong bumitaw at pinauna na siyang pumasok.

"Excuse me." bigla niyang sabi at tiningnan ko nalang siya hanggang sa makapasok na siya ng tuluyan. Napaisip naman ako kung galit ba siya sa akin o ano, ah bahala siya. Hindi ko na pala siya kakausapin, bahala siya sa buhay niya.

"Excuse me" si Andre na ginaya yung pagkakasabi ni Berto at tumawa na siyang pumasok sa library. Agad na din akong sumunod papasok. Studies yung pinunta ko dito, hindi sila.

Nakahanap naman ako agad ng upuan malapit sa may 13th shelf since maaga pa naman. Nilapag ko na agad yung notes ko tsaka yung book ko. Medyo napalakas yung pagkakalapag ko kaya napatingin naman yung iba sa akin pati na si Berto pero agad niya namang binawi yung tingin niya at nagbasa ulit ng kung ano man yung binabasa niya. Napairap nalang ako sa asal niya. Parang hindi magpinsan. Bakit ba kase ako naiinis? hays.


Pagkatapos kong mag review ay lumabas na ako at napansin kong hindi pa sila tapos mag review. Dumiretso na ako sa klase ko at natapos naman agad yung class namin dahil nag quiz lang at nakinig ng announcement about exam schedules kaya pagkatapos ay agad akong lumabas papuntang Student Council's Office. Malapit na kase yung University Week kaya medyo busy na ang iba't-ibang department ng school. Kami naman ay nagfafinalize nalang ng mga bagay-bagay at follow-ups nalang sa mga players namin lalo na sa sports kasi dun kami angat. Nakakapressure kase kapag all-time champion yung program niyo tapos matatalo pa sa term namin kaya we can't afford to lose.

"VP, paki check naman nung mga nafinalize kong consent for players, please." si Cassy. Siya yung Secretary namin. Siya lang din yung nakakausap kong madalas dito kase siya yung pinakaclose ko. Binasa ko naman at mukhang okay na kaya binalik ko sa kaniya yung consents.

"I trust you, okay na yang mga iyan" paninigurado ko dito at inayos niya na ito para maibigay na agad sa mga players ng Department namin.

"Nga pala, orientation din ng mga players ngayon, wanna go there?" anyaya niya. Tumanggi naman ako kaya lumabas na siya. Nag-ayos lang ako ng mga nakalatag na papers sa office table nang may tumunog. It was Cassy's phone. Agad ko itong kinuha para tingnan kung sino yung tumatawag and it was her Dad kaya binilisan kong lumabas para maibigay ito sa kaniya at baka importante. Tinakbo ko yung office papunta sa Gym ng school since hindi naman ito ganoon ka layo. Pagkapasok ko, agad ko naman siyang nahanap kaya dali-dali akong lumapit at binigay sa kaniya ang phone niya but the call ended. 

Hey! Mister Probinsyano (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon