III - Si Ano...

105 11 2
                                    


I started my day with a grumpy face. Ginising kase ako ni Kuya ng maaga even if it's Saturday.

"Anak, we're going to the cafe early. Magpapasama ako sa Kuya mo. Be sure to inform me and Manang if may lakad ka" huling sabi ni Mommy bago sila umalis ng bahay.

Eto ako ngayon, nakatulala at may naiinis na mukha pero wala na akong magawa, gising na gising na diwa ko. Umaga na pero hanggang ngayon, naiisip ko pa din yung pabor ni Berto. Ughhh overthinking kills me everytime. 

"Tangina niya! Parang kung sino na siyang umasta ngayon! Baka ikinakahiya niya ako bilang pinsan o ano. Ewan ko ba, hindi ko naman hawak buhay nila pero bakit parang hindi naman tama 'yon para sa part ko? Like? Wala naman akong ginawang masama. Wait, wala nga ba? Pero ganun ba talaga yon?" pagmomonologue ko.

Hindi kase ako comfortable.

"Anong itatawag ko sakaniya? Albert? Trevor? ugh kairita, ang awkward non. Pero bakit ko pa ba 'to pinoproblema eh hindi naman na siguro kami magpapansinan? Bahala ka nga." pagpapatuloy ko habang kinukuha yung phone ko to check some updates sa paparating na University Week. We're very competitive these days kasi malaking responsibilidad yung pasan namin. Wala namang email na dumating kaya naisipan ko nalang na bumaba na para kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nanood lang ako ng TV sa sala. Napasinghap nalang ako nang ma feel kong wala pala talaga akong kasama sa loob ng bahay kase si Manang Mina nasa laundry sa likod, hindi ko na din inistorbo.

Ang boring na kase ng social life ko mula nung mag college ako. Nabago ako ng pagstay ko dun sa probinsya and I cannot imagine na hindi na ako ganun ka pabaya like nung Senior High School Days ko. Idagdag mo pa yung hindi ko ka schoolmate yung mga dati kong friends so less interaction na.

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

*1 new message*

President: VP, I need you at school. 12:00 noon.

Napaka bossy nito, pero syempre pupunta ako kase wala naman akong gagawin. Nagreply nalang ako to confirm na pupunta ako at agad ko naman tinext si Mommy.

8:27am

Ang aga pa para maghanda. Naisipan ko nalang na mag scroll-scroll lang sa fb pero hindi na ako natatawa sa mga memes. Parang nakita ko na kase lahat. Agad naman akong lumipat sa IG. Scroll-scroll lang din ginawa ko nang biglang may nag message. Akala ko naman kung sino.

Andre: Hey!

Andre: Hey!

Andre: Hey!

"Ano?" Patuloy pa yung pagsesend nya ng hey kaya nireplyan ko na. Agad namang sineen kaya hinintay ko nalang na magreply nang biglang may nag doorbell. Napatingin lang ako sa may gate kung pinagbuksan na ba ni Manang pero wala so ako nalang yung tumayo at lumabas.

Pagkakita ko, bigla niya nalang akong hinila papasok sa sasakyan.

"Come with me" napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya at bigla niya nang pinaandar yung sasakyan.

"Huy! bwiset! hindi pa ako nakaligo! yung phone ko naiwan! Hindi ako nakapag-paalam! Ano to?!" dire-diretso kong sabi. Niyakap ko naman agad ang sarili ko nang naalala kong naka black sando lang ako. Tumingin pa siya!

"Oh, baka makita yung boobies mo" tawa niya pa habang inabot yung jacket niya.

"Andre, ano 'to!?" seryoso kong tanong. Hindi na siya nakinig kaya kinuha ko yung phone niya. Hindi naman siya nabother kase hindi ko din alam password.

Hey! Mister Probinsyano (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon