ʟᴜɴᴀ-01

2 0 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 1

Kaye's Pov

Bumaba na ako sa kotse at tinignan sandali ang paaralan. Ngumiti ako at pumikit.

"Ma'am yung bag mo po" magalang na sabi nang Driver namin. Ngumiti ako nang matamis at masayang kinuha ang aking bag na nasa loob pa nang kotse. Tumango ako. Senyales na pwede na s'yang umalis.

Hindi ko na hinintay umandar ang kotse. Naglakad na ako at ipinakita ang aking I.D. Pinapasok naman ako agad at bumungad sakin ang mga bulaklak sa gilid. Ang ganda talaga dito!

"Ate pwede magtanong? Saan po ang Section Luna?" tumingin ako sa babaeng kumalabit sa akin.

"Duon din ang Section ko. Sumabay ka na sa'kin" hindi na s'ya nagsalita. Sumunod nalang s'ya sakin yakap yakap ang kanyang bag. Hindi ko natiis ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"Hi my name is Kaye! Ikaw?" masigla kong tanong sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Ako si Seah". Magandang pangalan!

"Bago lang ako dito eh" nahihiya n'yang sabi. Tumango tango ako. Simula noong Grade 7 ako ay dito na ako nag aral. Marami na akong naging kaibigan dito at sigurado akong kilala na ako. Dala dala ko ang pangalan nang eskwelahan na 'to  sa mga napanalunan kong contest.

"Welcome dito! Sa akin ka nalang sumama para hindi ka mag isa. " Huminto na kami sa harap nang pintuan nang Luna. Pumasok na kami at sa'min napunta ang atensyon nang lahat.

"Kaye?" gulat at tuwa ang nakikita ko sa mukha nang iilan sa mga tao sa loob nang room. May iba namang hindi nakatingin at may iba ring nakataas ang kilay sa akin ngayon.

"Woah angas nang Section natin! Andaming matatalino! Madaming makokopyahan!" sigaw nang hindi ko kilalang lalaki sa likod. Nagtawanan naman ang iba pang lalaking kasama n'ya. Simple ko lang s'yang nginitian at umupo na sa unahan. Tumabi naman sa'kin si Seah.

"Hi Kaye! Balita ko talo ka daw sa Editorial Writing?" nalipat ang atensyon ko sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Ngumiti muna ako bago magsalita.

"Yeah. Ayoko kasi no'n. Napilitan lang ako sumali dahil ako ang nagfirst sa Editorial writing dito sa school." tumaas ang kilay n'ya sakin. Isa s'ya sa nakalaban ko. Nagdesisyon kasi ang English Department na magkaroon nang paligsahan. At kung sino ang mananalo, siya ang lalaban sa labas.

"Malakas ka lang sa mga teachers. Dapat ako ang ilalaban. Sinira mo lang ang pangalan nang school!  Nakakahiya ka!" natawa naman ako at nangalumbaba.

"Paanong ikaw ang ilalaban? Hindi naman ikaw ang pangalawa. Panghuli ka 'di ba?" namula na s'ya sa galit at sa pagkapahiya. Siya ang may kasalanan.

"Feeling ka Ghorl?" rinig kong sabi nang iba kong kaklase sa likuran. Nag martsa nalang s'ya palabas nang Room. Kawawang nilalang.

Natahimik na  ang lahat nang may pumasok na guro sa aming room. Nakasalamin at bagsak ang kanyang buhok. Ngumiti ito sa aming lahat bago magpakilala.

"Ako si Anna Dela Cruz. Ang adviser nang Luna" ngumiti ulit ito at tumingin sa akin.

Ewan ko kung bakit kinikabutan ako nang ngumiti s'ya sa akin. Alam kong Normal lang iyon pero geez.

Kakaiba s'ya

×××

"Oy guys wag kayong Kj! Ipaikot n'yo na yung mga upuan!" Tumayo na ako at inilapit sa gitna ang aking upuan. Gumaya narin ang iba.

Walang klase ngayon kaya sinabi nang Adviser namin na magusap usap daw kami. Nabanggit din n'ya kanina na sa susunod na Lunes mag bobotohan nang class officers.

"Si Kaye muna ang magsasalita!" Ngumiti ako nang matamis sa kanilang lahat. Kaylangan ko pa bang magpakilala?

"My name is Kaye Blythe Salazar. Sana maging close tayo lahat!" Masigla kong sabi. Sumunod naman si Seah na nasa aking tabi.

Inayos n'ya muna ang kanyang salamin bago magsalita. "My name si Seah Lopez". Ngumiti s'ya bago naghalughog sa kanyang bag. Ano ba talagang meron sa bag na 'yan?

Hindi ko na napagtuonan nang pansin ang aking kaklase. May dumaan kasi sa labas nang aming room na umagaw sa atensyon ko.

Simple lang s'yang naglakad pero lumakas ang tibok nang puso ko. Namumukhaan ko s'ya!

S'ya ang lalaki sa panaginip ko! Yung lalaking hinihingan ko nang tulong. Pero hindi ko matandaan ang pangalan n'ya.

"Kaye ayos ka lang?" Tumango lang ako kay Seah. Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit iyon. Parang pinupukpok!

C-ced tulong

Wala na si Kaye!

"Kaye!" Nagsimula nang magkagulo ang lahat. Tumigil na ang pagsakit nang ulo ko. Pero hindi parin nagiging normal ang pagtibok nang puso ko.

Ced? Sino 'yon?

"Kaye ayos ka lang ba?" Tanong nang isa kong kaklase. Umiling ako. Hinawakan ko ang aking dibdib at huminga nang malalim.

"Tsk kung kaylan turn ko nang magpakilala. Attention Seeker!" Hindi ko nalang s'ya pinatulan. Wala rin namang pumansin sa kanya dahil nakapaikot sakin ang lahat. Alalang alala sa nangyari kanina.

"Samahan kita na Clinic?" Umiling ako kay Seah. Uminom nalang ako nang tubig at ngumiti sa kanilang lahat.

"Ayos na ako, salamat. Sumakit lang yung ulo ko" hindi parin nawawala ang pagaalala sa mukha ni Seah. Pinisil ko nalang ang pisngi n'ya at kinuha ang cellphone ko.

Binuksan ko ang notes ko sa cellphone at nagtipa.

Sumakit ang ulo ko at parang may boses akong narinig. Boses ko at boses nang hindi ko kilalang lalaki. "Ced tulong" at "Wala na si Kaye!" Ang sabi namin.

Sa cellphone kasi ako nagsusulat nang Diary. Ayokong isulat sa notebook dahil pwede syang mabasa nang iba.

Alam ko na yung lalaking dumaan kanina si Ced. Pero panaginip lang naman 'yon. Hindi ko na bibigyan pa nang kahulugan.

Wala ako sa sariling isinulat ang pangalan n'ya sa likod nang aking notebook.

×××

"Huy kanina ka pa tulala"  nakatayo na si Seah sa aking harapan. Yakap yakap nya ulit ang kanyang bag. Napatingin ako sa paligid. Nakatayo na ang iba at nagreready na lumabas.

Break time na pala.

"Sorry" kumapit ako sa braso n'ya. Lumabas na kami sa room at bumaba na para bumili nang makakain.

Parehas lang kami nang binili ni Seah. Umupo na kami at nagsimula nang kumain.

"Ano ba talagang meron Kaye?" Binaba na ni Seah ang hawak n'yang sandwich at nangalumbaba sa harap ko.

"Wala. Kumain ka nalang. Sumakit lang talaga ulo ko. Huwag ka nang mag alala" sumimangot sya at kumain muli.

"Seah" nanlaki ang mata ko nang nasa harap ko na ang lalaking dumaan sa room kanina. Oh no anlakas na naman nang tibok nang puso ko!

"Drick" sagot naman ni Seah at tinignan rin ang lalaki. Magkakilala sila?

At Drick pala ang pangalan n'ya.

"May kasabay ka na pala" lumipat naman ang tingin n'ya sa'kin. Kinagatan ko nalang ang aking sandwich at umastang wala akong narinig.

Anong gagawin ko?!

"Ah Drick s'ya nga pala si Kaye. Kaye kapatid ko nga pala" ahh kapatid pala.

"Hello" bati ko sa kanya. Tumango lang s'ya sakin at binalingan ang kanyang kapatid.

"Hintayin mo ako mamaya. Huwag kang umuwi magisa" bilin n'ya kay Seah.

"Cedrick! Tara na!"

ᴛᴏ ʙᴇ ᴄᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ....









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon