Chapter 4: Textmates

39 1 0
                                    

Chapter 4

Dismissal na at nandito pa rin kami ng FG sa classroom. Ang babagal kasing kumilos tapos mga nagpapaganda pa.

"Callia, pahinge akong polbo ha." Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na ni Eiyel yung polbo ko sa bag. Ganyan kami eh, yung gamit ng isa gamit na ng lahat.

"Zsarina, pahiram ng suklay mo. Naiwan ko kasi yung akin."

Habang sila busy sa pag-aayos ng sarili nila, ako naman pinapanood lang sila. I'm the type of girl na hindi palaayos. Yung tipo na isang beses lang magpolbo sa isang araw. Isang pusod lang ayos na ako.

"Let's go na, istorbo na tayo sa cleaners." Pag-aaya ko tsaka tapos na naman sila. Naglalakad na kami sa hallway ng magtanong si Eiyel.

"Callia, crush mo nga si Kyron?" Dahil sa gulat ko sa tanong ni Eiyel, muntik ko nang maibagsak yung dala kong libro.

"Bakit mo naman naitanong, Eiyel? " Don't tell me, naniwala siya sa sinabi ko kanina?

"Wow ha, tanong din ang sagot mo sa tanong ko." Sarcastic na sabi ni Eiyel sa akin.

"Eh kasi naman tanong ka diyan ng tanong ng kung anu-ano. Bakit mo ba kasi tinatanong?" Hindi ko alam na sa pagbibiro kong iyon kanina, maniniwala sila. Nagbibiro lang naman ako eh.

"Ang dami mo pang sinasabi, oo o hindi lang eh." Singit ni Zsarina. Pati ba naman siya? Sumang-ayon naman yung tatlo sa sinabi niya.

"Okay fine, hindi. Hindi ko crush si Kyron." Binigyan nila ako ng kakaibang tingin. Anong problema ng mga ito? Ano bang mali sa sagot ko?

"Oh? Bakit ganuan kayo makatingin? Wala nga kasi akong crush kay Kyron. Si Cosette yung may crush dun." Patay ako kay Cosette nito kasi binuking ko siya, kasi naman ayaw nila akong tigilan.

"Bakit ka defensive?" Pang-aasar na tanong ni Cyemarlyn. Defensive na agad yun? Grabe lang ha.

"Naku Callia ha defensive much ka." Gatol pa ni Shereen.

Patuloy pa rin sila sa pagpilit sa akin na crush ko nga si Kyron. At dahil sa pangungulit nila hindi ko na namalayan na nakalabas na pala kami ng school.

"Andyan na yung sundo mo Callia." Napatingin naman ako sa tinurong direksyon ni Zsarina. Nakita ko yung white na kotse namin. Lagi kasi akong hinahatid at sinusundo. Kapag hindi si mommy, si manong Kiel naman. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ang OA nila pagdating sa akin. Grade 9 na naman ako.

"Guys, bye na nga." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Kasi naman laging hatid-sundo. Masyado kang binebaby eh." May halong pang-aasar ni Eiyel. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at sumakay na ako sa kotse namin.

(Zepeda's Residence)

Pagkarating ko sa bahay ay si manong Kiel at manang Clara lang ang tao. Nasa trabaho pa si mommy, late na yun umuuwi. Tapos si kuya Keen at ate Aika naman napasok pa. Ewan ko ba kung bakit nakakaya kong mag-isa, sanayan nalang din siguro. Well, hindi naman talaga ako nag-iisa kasi nandiyan si manong at manang.

After ko magpalit ng damit ay kinuha ko yung phone ko. Maitext na nga lang si bruhilda. Mag-uumpisa na sana akong magtype ng tumunog ang phone ko, nagtext si bruhilda.

From: Bruhilda
Lokareeeet! May kwento ako!

Ano naman kayang chika ng bruhildang ito at parang excited na excited ikwento? Siguro tungkol yun kay Kyron.

RE:
Oh bruhilda, anong chika mo?

Wala pa yatang isang minuto ay nagreply na agad siya. Grabihan ang babaeng ito ah.

Choose between LOVE or FRIENDSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon