Chapter 6: Just the 3 of us

49 1 0
                                    

Chapter 6

Cosette's POV

"Your project for this quarter is a scrapbook. The scrapbook will contain the different shots of pictures. " Habang nagpapaliwanag si Sir ay hindi ko maiwasang sumulyap sa napakagwapo kong katabi. Arts ang subject namin ngayon at pinapaliwanag ni Sir ang project namin this  quarter.

"Sir, individual po?" Pagtatanong naman ng katabi kong prince charming na kanina ko pa ninanakawan ng tingin.

"Mag-individual ka mag-isa mo Kyron. By partner ang project." Si Sir talaga puro kalokohan, napakamot nalang tuloy sa ulo yung prince charming ko.

"This friday ang passing." Pagpapatuloy pa ni Sir. Naghanap na ng mga partner ang mga kaklase ko kaya naman ang ingay na sa classroom na hinahayaan lang naman ni Sir.

"Cosette, partner tayo ha?" Halos mapatalon ako sa gulat ng yayain niya akong maging partner. Teka, totoo ba ito o nananaginip lang ako? Niyayaya ba talaga ako ni Kyron na maging partner niya? Nilingon ko siya.

"S-sige ba." Nginitian niya ako at halos matunaw ako sa ngiti niyang iyon.

"Mamaya na tayo bumili ng mga materials para maumpisahan na agad natin." Dahil hindi pa rin ako makaget over sa pagiging magpartner namin ay tango nalang ang naisagot ko sa kanya. Matapos niya akong kausapin ay umalis siya sa upuan niya at nakisama sa mga kaklase naming lalaki.

"Cosette, may partner ka na?" Nagulat naman ako ng lapitan ako ng mga kaklase kong babae.

"Oo, kayo ba?"

"Sayang, sino naman kapartner mo?" Pag-uusisa naman ni Cess.

"Si Kyron." Halos magwala naman sila ng sabihin kong si Kyron ang kapartner ko. Alam kasi nila na may crush ako kay Kyron. Halos lahat na ata ng kaklase ko alam ang bagay na yun kaya hindi na ako magtataka kung alam ni Kyron.

"Ayiiieeeeee!" Ilang minuto lang ay nagbell na rin kaya naman yung mga kaklase ko ay una-unahan ng nagsilabasan ng classroom. Syempre kasama na roon si Kyron, pasaway din yun eh. Hinintay ko munang makalabas sila bago ako lumabas. Pinuntahan ko si Cally sa classroom nila pero sabi ng kaibigan niyang si Eiyel ay natutulog daw ito. Sinilip ko naman at nakita ko nga na nakasubsob yung mukha ni Lokaret sa table niya. Awasan na tulog pa rin ang Lokaret kong bestfriend. Nakisuyo naman ako sa kaklase niya na gisingin na si Cally. Ilang minuto bago pa nagising ang sleeping beauty kong bestfriend.

"Awasan na pala hindi ko alam. Ang sarap kasi ng tulog ko eh." Humihikab-hikab pa siya habang sinasabi niya yun. Kahit hindi niya sabihing masarap ang tulog niya, halata naman. Kulang nalang buhusan siya ng isang timbang yelo para magising kanina sa hirap niyang gisingin.

"Lokaret, samahan mo ko ngayon sa mall ha?" Naglalakad na kami pababa ng building at itong bestfriend ko mukhang bangag pa rin mula sa pagkakatulog niya. Painat-inat pa siya at yung mga mata niya mukhang babagsak na any moment. Ano bang kalukahan ang pinaggagagawa ng babaeng ito at antok na antok ngayon?

"Sure, ang tagal na rin ng nagshopping tayo together." Mula sa pabagsak niyang mga mata kanina ay biglang nagningning ang mga mata niya. Mahilig kasing magshopping ang Lokaret na ito palibhasa maraming pera na pangshopping.

"Lokaret, bibili lang ako ng materials para sa project namin hindi tayo magshoshopping." Bigla naman siyang nagpout pagkatapos kong sabihin na hindi kami magshoshopping. Agad din namang nagbago ang expression niya.

"Well, sorry to say bruhilda but I can't go with you pala. Magbebake kami nina ate Aika at kuya Keen." Sabi niya na nakasmirk sa akin. Alam ko na sinasabi niya lang yun para pumayag ako na magshopping kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Choose between LOVE or FRIENDSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon