36. State of Confusion

33 2 1
                                    

|Leila|

Sa dinami-dami ng lalake sa buong mundo, bakit siya pa? Siya pa ang nagustuhan ko.

Andito ako ngayon sa Garden nila Ken. Eh kasi ayaw pa ako pauwiin nila Tito at Tita eh. (Wow feeling close xD ) ah basta ^___^

Ang ganda dito sa garden nila. Pramis! Makakapag-isip ka talaga ng maayos. Eh kasi naman, teka lang ah idescribe ko. Malawak ang garden, may maze ng flowers tas sa gitna ng malawak na maze, may four-tier fountain tas nakapalibot sa fountain 'yung mga benches. Mukhang tama ang timing ko sa pagpunta dito kasi in full-bloom 'yung flowers nila eh. ^^

Ken Sarroza..

AHAY! Ba't nasagi 'yun sa isip ko? AISSSH! >_< pero nung una, ang sweet sweet ng relasyon namin. Ultimo asin nga lalanggamin eh! Ang dami na naming napag-awayan, pero hindi ko talaga siya maintindihan eh. Nung second monthsary lang namin ako nasaktan. Sobra. </3

Akala ko iba siya. Akala ko hindi niya ako sasaktan. Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko sabay kaming lalaban. Pero, lahat ng inakala ko ay nauwi sa akala lang. </3 wala talagang poreber mga dre! T^T

'Yung feeling na, 'yung akala 'mong hindi ka sasaktan eh sinaktan ka? saklap fre. Iniwan pa niya akong umiiyak sa may rooftop </3 i guess nagbago na 'yung feelings niya sakin. Akala ko mahal niya ako </3

Sila na ba ni Tiffany? I think yes.

Minsan nga sa school, nakikita ko silang magka-holding hands tas sabay kumain ng lunch at recess sa cafeteria. Sabay pa nga silang pumasok sa school eh. Gusto ko sanang sabihin kay Tiffany na "excuse me, you're flirting with my boyfriend ." Pero wala eh. Weak ako. Kasi hindi naman din ako ipagtatanggol ni Ken. Kasi mas pinili niya si Tiffany kesa sakin.

What a trip in my memory lane. Ng dahil dun, humahagulgol ako ngayon dito sa may tapat ng fountain. Wala eh, masakit dito oh! </3 basag na basag na puso ko.

Ganito na lang ba talaga ako? Isang talunan? </3

Makipag-break na lang kaya ako sa kanya? Para hindi na ako nasasaktan ng ganito. </3

Pero,mahal ko siya eh. Ayoko pa siyang iwanan. Ayoko pa siyang ipaubaya kay Tiffany. Ayoko pa siyang i-break kasi naniniwala ako na lahat ng ginagawa niya ngayon ay may dahilan. Tiis-tiis lang muna ako. </3

"Hey, are you okay?"

Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha. Napatingin ako sa kung saan nanggaling 'yung boses na 'yun.

Si Ken at may ino-offer siyang panyo sakin.

"I'm okay. No,thanks." Agad kong sinabi sa kanya at ngumiti ng pilit.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin dun sa may fountain.Ayoko siyang tignan. Naalala ko lang 'yung sakit na natanggap ko these past few months </3

Binulsa niya ulit 'yung hawak niyang panyo at umupo sa may kabilang bench. Napatingin 'din siya sa may fountain.

"Look,i'm sorry." panimula niya.

"No,need. It's okay. The damage is done." Agad 'kong sinabi.

"Hindi mo pa ako pinapatapos Lei."

Tumayo na siya at tumayo na din ako. Tinignan ko siya sa mata.

"Okay lang. Okay lang para sakin. Pero, isang tanong, isang sagot. Mahal mo pa ba ako?"

Nagpipigil ako ng mga luha ko ngayon. Masakit. </3 expected ko na ang sagot niya ay HINDI.

"Lei ano kasi e-"

"Mahal mo ako o hindi?"

This time, umiiyak na ako. Di ko na kaya magpigil eh.

"Oo."

Fck. 'Di ko 'yun inaasahan eh.

Mahal pa niya ako. Pero ginagago niya ako.

Agad naman akong tumakbo papunta sa mansyon nila Ken. Dumiretcho ako agad sa guest room na kung saan ako natutulog. </3

I don't care kung naiwan ko siya dun.

Pero ang sakin lang eh,

Mahal niya ako, pero ginagago niya ako.

Ano ba talaga, Ken Sarroza?

------------
Sorry sa late update readers. Babawi ako. Promise! :)

~darkdemigoddess

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon