Season 4 - My bestfriend

828 22 9
                                    

''If you love someone set him free .

if it come backs,it meant to be.''

when you LOVE someone would you let him go to the one he LOves?

but what if ..

the ONE he loves is supposed to be YOU?

and not HER.

would you rather chase him...?

or just let him go to the Girl he's been

ACCIDENTALLY INLOVE with?

==============================================================================

''Huy monay nakikinig ka ba sakin? '' Pang gugulo sakin ni Jelo..-- ang aking bestfriend . Since Birth lagi na kaming mag kasama.. para na nga kaming mag kapatid eh.. Yung nga lang hindi kapatid ang tingin ko sa kanya.Dati pa lang gusto ko na siya.. Simula pa nuong unang nag kita kami ......mahal ko na siya.

''HUY! monay! Bangag ka ba? '''

''Ano ba jelo! Nakikita mong nag babasa ako eh! '' Tumalikod ako sa kanya . Gusto kong pumasa sa quiz mamaya.. at kung manggugulo lang si jelo sakin at patuloy na aakitin ako sa mga ngite at tingin niya sakin. AY NAKO! malamang babagsak ako!

''tsk! Sunget mo.. meron ka ba ngayun?? kaya lumalaki yang pisnge mo eh! '' pang aasar sakin ni jelo. Kasabay nun tinusok tusok niya yung pisnge ko gamit ang hintuturo niya... ang kanyang bad habit. Lagi niya kasing tinutusok yung pisnge ko dahil malaki daw... mukha daw monay. letche =__=

'''tigil tigilan mo ako jelo .. baka ibato ko sayo tong librong hawak ko '' Tinaas ko yung physics book na hawak ko para may idea siya kung gaanong kaKapal na bagay ang tatama sa kanya.

''Joke lang.Sunget nito. tssss uy monay punta lang akong Cr ah? '' Tanung niya sakin pero sa iba siya naka tingin.. kay Kathryn..Si Kathryn Syc ay Ang aming ''Queen Bee'' . Mayaman , maganda, sexy , at sikat! YAN SI KATHRYN.. sempre ang King namin dito sa School ay si Jared gelo Cruz . gelo for short. At ako? what did you expect sa taong palaging hawak ang physics book, calculus book , philosophy book at kung anu anong book! sempre ako ang dakilang NERD! MISS INVICIBLE! ANAK NI RIZAL! AT ANG MBP ! (most bullied person ) . Buti na lang talaga bestfriend ko si Gelo kasi siya ang nag tatanggol sakin if ever na may mang aaway sakin, may nag lalagay ng gum sa buhok ko, may nag bubuhos sakin ng arina at itlog , may tumutulak sakin sa hagdan , at may nag sasabotahe ng mga paper works ko.. buti na lang talaga buhay pa ako .salamat kay gelo.

'''owww sorry nerd .i Didnt mean it .. HAHAHA'' Nilingon ko yung babaeng dumaan sa harap ko at ''aksidenteng'' nakatapon ng coke sa damit ko . Alam kong Sinadya niya yun.. pero sino ba naman ako para awayin siya? isa lang akong nerd .

''okay lang '' Mahinang sagot ko. Kinuha ko yung panyo ko at sinimulang punasan yung damit ko. Narinig kong nag tawanan yung mga babaeng nang buhos sakin ng coke... may narinig pa ako na nag sabihing ''Loser'' pero pinabayaan ko na lang .

Lagi naman ganito eh.. Pag wala si Gelo sa tabi ko nag sisimula na yung mga mayayaman at maarte kong kakaklase na apihin ako. Sanay na ako.

Pinunasan ko na lang yung luha sa mga mata ko. Ayokong makita nila na umiiyak ako . Gusto kong mag mukhang matapang.Tumingin ako kay Gelo na umiiwas kay kathryn. Si kathryn kasi may gusto kay gelo... at eto namang si Gelo tatanga tanga nilalayuan ang grasha! Tsk! Bat pa kasi kailangan humiwalay sakin si Gelo para lang taguan si kathryn? Nagsisimula nanaman kasing mang api ang mga tao sa paligid ko.

Papalabas na din sana ako sa may canteen nang may nampatid sakin.

WAG KANG IIYAK! WAG KANG IIYAK! paulit ulit kong sinisigaw sa utak ko ang salitang yan pero ayaw tumigil nung luha ko kaya tumakbo na lang ako sa music room. Doon ako umiiyak pag may nang aapi sakin. Pag umiiyak ako kumakanta na lang ako para mawala yung lungkot na nararamdaman ko . Simula kasi nuong naging Campus Crush si gelo marami ng na iinggit sakin. Marami ng may ayaw sakin kaya palagi nila akong inaapi .

Accidentally inlove (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon