tears after happiness

18 1 0
                                    

(a/n: ang mga pangalan ng character ay sadyang pinalitan upang maitago ang tunay na pagkataon nila. ang istorya ay hango sa tunay na buhay ng isa sa mga kakilala ng author. wag ipamahagi sa iba ng walang pahintulot ng may akda. ang lahat ng pangyayari ay tunay na nangyari sa tunay na buhay.


(P.S enjoy readi po :) sana magustuhan niyo.)

********************************
Nagsimula ang lahat sa sungitan. unang araw ng pasukan noon ng secong semester. nahihiya pa ako kasi bagong tungtong lang ako ng college, hindi ko pa nga alam kung anong meron sa college. nahuli ako ng isang semester dahil hindi ako nakaabot sa enrollement. ang tipikal na ako ay hindi mababakasan ng kahit na anong takot sa mukha. hindi ako takot sa school dahil best buddies ko ang libro, wag lang ang pagsusulat.

Pagpasok ko sa room ay agad akong umupo sa harapan (iyon na lang kasi ang bakanteng pwede kong upuan) kadalasan ay sa likod ako o kaya ay sa gitna para di pansinin.

ilang minuto na akong nakaupo ng bigla kang pumasok. nakabag pack na kulay gray, maputing uniporme na halatang alaga sa paglalaba, may chinitong mata, matangos na ilong at maputing skin type.

tuloy tuloy ka lang hanggang likuran na parang badtrip na badtrip ka sa mundong iyong ginagalwan. kulang na lang na bumuga ka ng apoy ng kami'y magsitahimikan. hindi ko alam na pinagmasdan na pala kita ng konting minuto.

agad akong nagiwas ng tingin bago pa ako mahuli. ilang minuto pa ay dumating ang instructor. maliit na maitim pero my itsura naman kahit papaano.

"good afternoon class. i'm mr. yoon your marketing instructor for the whole semester."

kilala na nila ang prof dahil base sa kanilang reaksyon ay magkakakilala na sila.

"introduction sir!" sigaw ng babae sa gitnang bahagi ng silid.
"introduction pa eh magkakakilala na tayong lahat dito." nakangiting sabi ni mr. yoon.
"sir may bago po eh." sigaw naman ng mga nasa likod.
"ok sige, introduction tayo."

kinabahan ako dahil ako ang nasa unahan at ako ang pinaka dulo sa row. tiyak na sa akin magsisimula ang introduction. tatayo na sana ako ng biglang magsalita yung prof namin.

"introduction will start at the back."

tae para kong natae dahil hindi sa akin nagsimula yung introduction.

magsimula na ang pagpapakilala nila sa isa't isa kahit na konti lang kaming bago. tatlong oras ang klase ko sa subject na to kaya naman siguradong lahat kami ay matatapos.

pagkatapos ng ilang minuto. its my turn. tumayo ako ng dahan dahan. *flip hair* nakasanayan ko na yun.

"hi. *smile* may name is sunshine montemayor. 17years old. residing at manila."

"where do you exactly live in manila?" tanong ng prof namin.

ngumiti ako ng pagkatamis tamis at sinagot siya ng "dyan lang sa tabi tabi." biro ko talaga yun eh. -_- pero di ata nila nagets.

"sa *insert address here*,manila po, sir"
"do you smoke ma'am? tanong ulit ng prof namin.
"no. i don't"

tumango-tango siya. since ako ang last na magpapakilala kaya pagkaupo ko ay nagsalita ulit ang prof namin.
kahit nasa unahan ako ay di ako nakinig. sinulyapan ko ang relo sa aking kamay. 2:30pm pa lang. ang tagal ng oras nga naman.

hindi talaga ako nakikinig sa klase kahit na bestfriend ko ang libro. mahilig kasi akong magtanong lang para may makausap lang.

"class dismiss" sabi ng prof

aba! akalain mo nga naman na dismiss na pala. ni hindi ko nga narinig at naintindihan ung sinabi nung prof namin. magtatanong na sana ako sa katabi ko ng dumaan ka na naman.

JOURNEY: Tears of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon