Andito na ako sa parking lot na aming school, nakita ko na rin yung lima kong kaibigan. Mukhang ako nalang ata hinihintay."Tagal tagal mo namang aso ka, kanina pa kami naghihintay dito" sabi ni Yena. "sorry na po sadyang maaga lang talaga kayo" sagot ko naman.
"Tara na nga andami nyong satsat" sabat ni Chaeyeon.
Pag pasok namin ay agad agad namang nagsigawan ang mga studyante. Hindi ko parin maintindihan bakit ganito nalang palagi.
"YENA!!!!!!"
"YUJIN PAKASALAN MOKO!"
"ANG CUTE NI HITOMIIII"
"CHAEWON DATE TAYO!"
"TININGNAN AKO NI CHAEYEON!!"
"HYEWON KAIN TAYO MAYA"At ayon, nanlaki mata ni Hyewon. Bigla naman akong napatawa. Hindi talaga pinapalampas ni Hyewon basta pagkain na e.
Nung nalampasan na namin sila ay bigla namin naka salubong ang school president at vice president na si Namjoon at Seulgi.
"Uy Nam at Seul, grabe talaga kapag president at vice president ng school e" sabi ko sabay bro hug kay namjoon at seulgi.
"Ang hirap nga e " sagot naman ni Namjoon. "Oo nga" sabi ni Seulgi.
"Basta kapag free kayo laag tayo!" sabi ni Yena, "uy sure!" masayang sagot ni Namjoon at napatawa naman si Seulgi.
"O sige, alis na kami ah. Dami pang aasikasuhin dahil may transferee nanaman" sabi nila.
At yun bago sila umalis ay nag bro hug ulit kaming lahat. Inakbayan naman ni Namjoon si Seulgi.
Kaya na i-issue tong dalawa na to dahil sobrang close e. Kaya napagkamalan silsng mag jowa.
"Alam nyo bagay sila" sabi naman ni Chaewon. "kilala nyo ba si Jin at Irene? yung magjowa?" sabi ko at bigla nag nod lang sila.
"May gusto si Namjoon kay Jin at Seulgi kay Irene, e kaso mag jowa mga yung dalawa. Kaya etong si Namjoon at Seulgi ay parating magkasama para paselosin yung dalawa."
Nanlaki naman ang mata nung lima nung sinabi ko yon.
"TALAGA!??" biglang napasigaw si Hyewon habang kumakain.
"oo, at saan mo naman nakuha yang pagkain na yan?" bigla nyang tinuro ang bag nya at napatawa nalang kami.
"hindi ko akalaing ganyan pala yan si Namjoon, gandang lalaki tapos lalaki rin pala hanap" sabi ni Hitomi. "kala ko nga e magjowa sila ni Seulgi" sabi ni Chaeyeon.
"kala mo hindi din tayo bakla" sabat ni Yena kay Hitomi, "ay oo nga pala".
Bata palang kami ay magkakilala na kami ni Namjoon dahil mag bestfriend ang aming nanay. Pero hindi na kami ngayon madalas magkasama dahil may 6 rin syang kaibigan ngayon.
Pero stay parin naman ang friendship namin. Napagkakamalan rin nga kaming mag pinsan dahil sa height at dimples e.
Siya lang yung pinagkakatiwalaan na lalaki ni Mom and Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/234690669-288-k994451.jpg)