Alertong nakamasid sa paligid si Cadie na tila espiyang nagtatago sa loob ng traysikel na nakaparada sa gilid ng kalsada malapit sa entrada ng Larusso Media building. Kakamut-kamot lang sa batok ang driver at hindi malaman kung ano’ng trip niyang gawin nang mga oras na iyon. Hindi naman niya masabi ritong nangungulila lang ang puso niya sa lalaking unang nagpatibok niyon, sa lalaking nakakuha sa first kiss niya. Ang malandi niyang labi at talagang hinahanap-hanap na ang halik ni Nathan.
“Ne, ano ba talagang ginagawa natin dito?” hindi rin nakatiis na tanong ng may edad na lalaki.
“Basta, Manong, steady ka lang.”
Kung siya nga naman ang driver ng traysikel, magtatanong din siya. Aba’t magda-dalawang oras na silang naka-tambay d’un. Nangangawit na ang mga paa niya at tila kinukuryente ang puwit niya sa mahabang oras na pagkakaupo.
Tinapunan niya ng mabilis na tingin ang suot na wristwatch.
5:00 PM.
Marahas siyang napabuga ng hangin. “Lalabas pa kaya iyon?” eksasperado niyang tanong sa hangin.
“Sino, Ne?” hirit ng epal na driver.
“Ay, wala ho, Manong.”
She inhaled sharply. Kada alas tres ng hapon ay lumalabas naman ng building ang big boss para bumili ng paborito nitong merienda— ang special bibingka ni Aling Nena. Hindi niya masisi si Nathan, masarap naman kasi talaga ang bibingka ng matabang ginang. Dinudumog nga ang paninda nito ng mga tao.
Ito nga at nag-aabang siya ngayon malapit d’un. Tuwing sabado ay araw ng pahinga niya sa trabaho at imbis na gumulung-gulong sa kama at managinip nang gising buong araw ay nakaugalian na niyang mag-ala-langaw-mode na lang at palihim na bumuntot sa binatang Larusso.
Na hindi mo pa yata masisilayan ni anino nito ngayon!
Sa inis ay malakas niyang naipadyak ang paa na ikinagulat ng driver. Bumaba ito at umikot sa gilid niya para i-check ang sahig ng traysikel.
“Bumaba ka na ngang bata ka.” Hinila na siya nito pababa.
“Ho? Bakit po?”
“Kuuu, sisirain mo pa ang munting kabuhayan ko, eh. Sige na at maghahanap pa ako ng matinong pasahero.”
“Manong naman, eh, hindi pa nga kita nababayaran.”
“Huwag na. Sa iyo na lang, Ne. Mukhang mas kailangan mo.”
Umawang ang bibig niya. Ano ang tingin nito sa kanya? PG? Patay gutom? O baka naman ASW? Addict sa weed.
“Naku, barya lang nga ’tong ibabayad ko pero alalahanin mong—“ Naglaho ang voice power niya sa nasilayang bulto sa entrada ng Larusso Media. Mabilis siyang humugot ng fifty pesos at inabot sa driver. “Sige na, Manong, ssshhh, quiet ka na. Iyan puwede ka nang umalis.” Siya naman ngayon ang panay hila sa lalaki para pumuwesto na ito at umarangkada palayo.
Nagtago siya sa likod ng trimmed bushes na animo mga sundalong nakahilera sa tabi ng two-lane highway. Tumawid sa kalsada si Nathan at derechong tinungo ang bibingka pushcart ni Aling Nena. Bumili kaagad ito ng isa at takam na inubos iyon. She saw how his lips moved in a sexy chewing manner. She saw how he would lick his underlip time and again.
Napabuntong-hininga siya.
“Ang bibingka ko kaya kailan mo matitikman?” nakamata sa binata niyang usal.
“Binebenta mo ang bibingka mo, Ne?”
Nagulat siya at nawalan ng balanse sa biglang pagsulpot ng tricycle driver sa kanyang likuran. Nagmukha tuloy siyang tumihayang pagong sa damuhan na hindi agad makatayo.
BINABASA MO ANG
Fling (PUBLISHED - MSV Desire Uncut)
Romance**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, bookwarepublishing.com, NBS, Expressions, and Pandayan** Cadie wanted true love, pero iba ang dumating sa buhay niya-the most handsome devil in his sleek tuxedo. Wala it...