Chapter 3: Official Girlfriend Application

12.6K 270 66
                                    

"We have a huge increase in termination and a very poor performance evaluation result lately. What's happening here? I want everyone to submit a documented coaching feedback the soonest possible time. Else, all of you will be given appropriate sanction," madilim ang mukhang deklara ni Nathan. Pabagsak nitong ibinalik sa executive desk ang mga hawak na dokumento at hindi nito magawang ituwid ang magkasalubong na kilay.

Natahimik ang lahat ng mga empleyadong may hawak na posisyon sa loob ng executive conference room. The room was wide and elegant. Actually, a little too wide and a little too elegant. Gawa sa mahusay na kahoy ang pahabang mesa. There were more than ten high back swivel chairs, two wall mounted pricy monitors, an almost oversize projector screen, led lighting fixtures, expensive paintings and colossal windows surrounding them.

Napanganga lang si Cadie hindi dahil sa takot kundi dahil sa tukod-langit niyang paghanga sa mukha ng binata. Para sa kanya, Nathan's face was already nearing perfection. Ang bawat pagbukas-sara ng bibig nito ay kina-capture ng mga mata niya at naiimbak sa scrapbook na nasa loob ng utak niya.

Gustung-gusto niya ito. Mahal na mahal niya ito abot sa puntong parang sasabog na ang puso niya sa pagkimkim niyon. Kailan kaya niya masasabi rito ang three words na, I love you?

Huwag naman sanang umabot sa panahong puti na ang lahat ng hibla ng buhok niya at uugud-ugod na siya. Gusto rin naman niyang humimas ng six-pack abs!

"This meeting is over," malagom pa rin ang tinig na wika ni Nathan.

Isa-isang nagpaalam dito ang lahat ng mga dumalo sa meeting pero hindi man lang nag-angat ng mukha ang big boss. His eyes fixed on the bundle of documents in front of him.

"Mauna na ho ako, Boss," paalam niya sabay singhot sa natural nitong bango.

Hmmm, nakapuntos pa! pilyang hirit ng isang bahagi ng utak niya.

Pipihitin na lang niya pabukas ang seradura ng pinto nang biglang magsalita si Nathan na ikinaigtad niya.

Napalakas ba ang pagsinghot ko sa kanya? Marahil pati ang kumakapal sa inis nitong kilay ay kamuntikan nang pumasok sa ilong ko?

"Stay, Ms. Cansancio."

Napaharap siya sa binata. "Ako po?"

"Of course, unless you're not Cordelia Cansancio," sarkastiko nitong tugon.

Natameme siya. Mabigat ang hakbang na bumalik siya sa pahabang mesa. "Bakit po?"

"I'm appointing you as overall POC effective today," derecho nitong sabi.

"Po? Bakit po?"

"Because I'm your boss. I don't have to explain myself... or should I?" blanko ang mukha nitong sagot. The sharpness in his eyes could cut her tiny body in half. Napadikit tuloy siya sa sandalan ng silya.

Huminga ito nang malalim. "I'm going to have a fairly long vacation leave. Say, two to three weeks. I need a break. Gusto kong ikaw ang tumingin dito habang wala ako. I need a comprehensive weekly report via skype every Friday."

Nanlumo siya. Magbabakasyon si Nathan at napakatagal na ng dalawa hanggang tatlong linggo! Hindi niya ito makakausap, makikita o masisinghot. Kahit na nga ang i-stalk ito ay imposibleng magawa niya dahil siya ang binilinan nito ng mabigat na trabaho.

Bakit siya?!

Gusto niyang maglupasay dahil sa sobrang frustration.

"Violent reaction?" untag nito sa pananahimik niya.

"W-wala naman po," pilit na pilit niyang sagot.

"Tell that to your knitted brows."

Saka niya lang napunang halos magdikit na sa gitna ang magkahiwalay niyang kilay.

Fling (PUBLISHED - MSV Desire Uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon