EYAH's POV
Napaka pogi mo namang nilalang, ang bait bait pa. Ang swerte swerte ko talaga kung magiging tayo, promise hindi kita ipagpapalit, mahalin mo lang ako ng totoo yung walang halong biro. Gosh! Haba ng hair ko!
"Eyah, I wanted to tell you something." Sabi ni Kyle sakin. OMG! eto na ba yun? Tatanungin na ba niya ako kung pwedi niya na akong maging girlfriend? Sasabihin ko 'No', Joke lang. Malamang 'YES' noh! Papakipot pa ba ako?
"Aa-ahh, Kyle ano yun? Wag ka nang mahiya, sige na sabihin mo na." Gosh! Eyah wag kang excited! Baka kabahan eh hindi pa matuloy,kalma lang. Okay?
"Pwedi bang, ano, uhm. Pakiss?" Kiss lang pala eh sure, game na ako. Weyt! Whaaaat! Kiss? Golly gosh! Mas okay pa to sa ineexpect ko ah, gosh. This is it! Eyah pumayag kana! Ang yummy na niyang nasa harap mo oh, ulam na. Hindi ka nmn maganda kaya pumayag ka na! Wag nang paChix!
"Ha!? Seryoso ka ba jan Kyle?" Mamaya nag jojoke lang to eh mapahiya pa ang beauty ko, tss. As if naman na meron.
"Oo Eyah, seryoso ako, pwedi ba?" Oh! Seryoso daw! Kakulit mo naman kasi. Sumagot kana bruha! Eto na oh, magkakaroon kana ng 1st kiss sa wakas! After 123456789 billion years.
"Sshuu-sure!?" Oh ayan! Sinabi ko na.Wait, dpa ko ready, OMG! Ayan na, papalapit na ng papalapit ang mapupula niyang labi, ramdam ko na ang kanyang malalambot na kamay sa aking pisnge, eto na talaga eyahhhh! This is it! This is really is it is it. Pikit mata, pigil hininga, onting onti nalang malalasap ko na ang minimithi kong 1st kiss. Eto na............
...
..
.
EEEEEEYAAAAAHHHHH!
Gising na!!! Bibili ka pa ng mga gagamitin mo para sa first day mo ng college bukas!!! Hoy eeyaaah! Tama na yang pag papantasya mo! Gising na!
.
..
...
Loading...Si mama pala, *kurap kurap* Hays, panaginip nnmn pala ang lahat. Kala ko pa nmn totoo na.
"Oo na mama! Gising na po ako, teka lang gagayak lang po ako!" Hays! Makaligo na nga, at baka mapagalitan pa ako lalo. Ikaw talaga Eyah!
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy
Ficção AdolescenteStory ito ng isang babae na walang ginawa kundi mangarap nalang sa buo niyang buhay. Na sana yung lalaking pinapangarap niya na sa panaginip lang niya nakikita ay magkatotoo, As if naman daw kasing may isang lalaki pang katulad nung Mr.Dreamboy niy...