Ako'y magpupuri sayo

275 7 0
                                    

[1st Stanza;]
Nang aking ialay itong buhay ko
Nagbago ang lahat ng dahil lamang sa 'Yo
Ang dating madilim ay naging makulay
Ang bawat sandali'y nagkaroon ng saysay

[refrain:]
Karapat-dapat na sambahin Ka
Ng buong puso't, isip at kaluluwa
Hayaang Mong mag-alay lamang sa 'Yo
Mabangong handog at kaaya-aya sa paningin Mo

[Chorus;]
Ako'y magpupuri sa 'Yo
Anumang kalagayan ng puso
Nagagalak pa man o nasisiphayo
Ako'y magpupuri sa 'Yo
At wala nang iba
Aking sasambahin sa twina
O aking Diyos, Ikaw ang Syang una Pupurihin Kita

[2nd Stanza:]
Mahirap mang mabuhay sa mundong ito
Marami mang hadlang ang landasin ko
Ako ay laging magtitiwala sa 'Yo
Alam kong tagumpay bawat hakbangin ko

[Bridge:]

Ikaw lamang ang Diyos
Na karapat-dapat alayan
Ng papuri at panambahan
Nang buong nilalang

JMCIM YOUTH AND SINGLE'S CHOIR SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon