Wag Mo Sanang Isipin

51 2 0
                                    

"Wag Mo Sanang Isipin

Huwag mo sanang isiping 'di Kita natatanaw,
Huwag mo sanang isipin iniwanan na Kita.
Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw,
At Aking nalalaman ang iyong pagdurusa
Huwag mo sanang isipin,
Hindi Kita naririnig
Ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing.
Di mo ba nalalaman na Kita'y iniibig?
Bawat patak ng 'yong,
luha ay Aking nababatid.
Huwag mo sanang isipin nalimutan na Kita,
Dahil ang 'yong pangalan,
sa palad Ko'y sinulat na.
Kung Ako'y kailangan,
kung Ako'y hinahanap,
Tumawag ka't manalangin
at Ako'y mangungusap.
Huwag mo sanang isiping
hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan
ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay
ay Aking inihain
Tulad ng ginawa Ko
sa krus para sa'yo.
Kung Ako'y kailangan,
kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin
at Ako'y mangungusap
Huwag mo sanang isiping
hindi Kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan
ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay
ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko
sa krus para salyo.
Huwag mo sanang isiping
hindi Kita minamahal
Ang katotohanan,
Kita'y minamahal

JMCIM YOUTH AND SINGLE'S CHOIR SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon