🏅Best Picks Awards🏅

156 18 54
                                    

Song: Ilaw sa Daan by IV of Spades
Genre: Mystery/Thriller
Judged by: Judge Ger

💫PARTICIPANTS💫

Meet Me at Muerte Street
onlyhavenknows
Score: 85

Comments: Maayos ang pagkakasulat ng k'wento pero hindi talaga siya masyadong pumasok sa genre na mystery/thriller. Naging more on action and revenge kasi siya. Habang nagbabasa, hindi ako nacurious or hindi talaga ako ng mysterious vibes. On the other hand, I really appreciate your effort in writing this story. Alam kong hindi ka pa masyadong bihasa sa mystery kaya salamat talaga for trying.

Meraki
Celinaticz
Score: 85

Comments: Napansin ko na malaki ang inimprove mo mula noong Unang Kabanata at dahil doon ay binabati kita. May mga dapat lang talagang ayusin pagdating sa narration, sentence construction, at pati na rin sa paggamit ng dialogue at action tags.

Cadena de Amor
pinkystylefor
Score: 90

Comments: Maayos ang pagkakasulat ng k'wento at makikita mo talaga sa isipan mo kung ano ang nangyayari. Very good sa genre at adherence sa song. Nakulangan lang ako sa title. Alam ko na merong malaking role 'yong "Cadena de Amor" sa story but there could be other title to hook the readers more. The book cover is just okay to portray the 5 girls in the story but I know you could improve more on this. Nakita ko na kaya mong gumawa ng mas maganda pang cover base sa iba mong stories. In all, I liked your story and hindi ako na-bored sa pagbabasa nito.

🏅BEST PICK FOR MYSTERY/THRILLER🏅
Berdugo
shadelza
Score: 97

Comment: Legit na napamura ako nang matapos ako sa pagbabasa. Hindi talaga ako binigo ng istorya mo mula umpisa hanggang dulo. Gusto ko nga siyang ikalat sa iba pero naisip ko na baka ako maging unfair sa iba kaya after the competition ko na lang siya isshare. Grabe talaga as in, noong na-high si Peping nang dahil sa droga, pakiramdam ko ay na-high din ako. Wala na akong masabi. P'wede na nga siyang maging short film. Konting improvement na lang sa construction ng words and sentences. Congrats, author! ✊🏻

🏆🏆🏆

Song: Gulong ng Palad by Eva Eugenio
Genre: General Fiction/Tragic
Judged by: Judge Kulay

💫PARTICIPANTS💫

KALBARYO ni MARIA
Starlyx_Moon
Score: 90

Comment: Hi, gusto ko yung setting ng gawa mo at ang pananalita. Nagustuhan ko yung 'binibini' at 'ginoo' angkop lang sa OPM na theme ng contest na ito. Pang napapanood sa noontime shows yung gawa mo, very Filipino. May good at bad side nga kang 'yon. Syempre medyo common na pero nabawi naman sa ending. Medyo hindi rin clean yung gawa but hindi naman siya masakit sa mata at sa tingin ko dapat 'Auntie' 'yon. Na gustohan ko ring mukhang nag-enjoy ka sa pagsusulat nito dahil nakita kong gusto mong gawan ng sequel.

Offelia's Perfect Illusion
NoehRaphael
Score: 90

🎖Awit-Katha 2020🎖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon