"KISS ME, YOU'RE MINE"
✍: Simjangtaehyun"Amber, gumising ka na dahil papasok ka pa at tanghali na!" Rinig kong sigaw ni yaya mula sa labas ng silid ko.
Naramdaman ko ang mainit na sinag ng araw na nagmumula sa bintana na tumama sa aking balat. Humikab ako at ini-stretch ang mga braso ko. Pagkatapos ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at
bumalikwas ng bangon sa kama.Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa vanity table na katabi lamang ng aking kama. Pinindot ko ang button na nasa side ng cellphone at lumitaw sa screen ang oras.
Nang mapagtanto kong tanghaling tapat na, pumunta ako sa gilid ng closet at inabot ang tuwalyang nakasabit sa hanger. Sinampay ko ito sa aking balikat at tumungo na ako sa loob ng
banyo para maligo.Makalipas ang limang minuto paliligo, lumabas na ako ng banyo nang nakatapis ng tuwalya at nagbihis. Ngayon ang unang araw ng pasukan ko.
After changing my clothes, lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na para mag-breakfast. Nang makarating ako sa dining room, naabutan ko si Kris doon na nakaupo sa upuan habang naiinip ng naghihintay sa akin. Kris is my younger brother and I am the eldest. My name is Amber Sison. Dalawa lang kaming magkapatid and we are in the same school.
"Ate, kain na. Mahuhuli na tayo sa school. Ayaw mo naman
sigurong ma-late sa school, first day pa naman. And yet, you woke up late." Naiiling na sabi nito habang nilalagyan niya ng
kanin ang plato niya.Napanguso na lang ako. "Opo. Ito na po, kakain na." Sambit ko sa kanya na may halong paglalambing sa boses ko.
"Shut up, ate. Kumain ka na lang." Inis na tugon niya sa akin at
pinanlisikan ako ng mga mata.Napangiti na lang ako at nagsimula nang kumain. After a few minutes, we're already done so we decided to go to school.
Inabot kami ng 15 minutes para makarating sa university na
papasukan namin. It supposed to be only ten minutes. But it took us long because of the traffic. Siguradong ganoon din ang
love life ko, na-traffic kaya ang tagal-tagal dumating. Psh. Napahugot tuloy ako.Bumaba na ako sa sasakyan at pinagmasdan ang school
building mula rito sa labas ng parking lot. Falcon Han University. Iyan ang pangalan ng university na bagong
papasukan namin.Magkasabay kaming pumasok ni Kris sa loob ng school at maya-maya lang din ay nagpaalam na siya. Una kong pinuntahan ang Dean's office para kunin ang schedules ko sa mga subject at prospectus ng pinili kong course, which is Pharmacy. Pinaalala niya sa akin na magkakaroon ng orientation ang mga freshmen ngayon tungkol sa courses na pinili namin. Afterwards, lumabas na ako sa Dean's office.
The orientation will start at 10:30 AM. 8:30 AM pa lang ngayon. Malayo pa ang oras. So, I decided to
tour myself around the campus at hanapin na rin ang room ko. Room 164 ang nakalagay sa schedule ko para sa araw na 'to.Pharmaceutical Inorganic Chemistry. 'Yon ang nakasaad sa prospectus ko.
Habang nagliliwaliw sa paligid, nakuha ng isang garden na nasa tabi ng Pharmacy Building ang atensyon ko. I wandered around the place and I couldn't help but to be amazed at the
beautiful view. Napakalawak ng space ng garden at napakaraming mga halaman at bulaklak na nakatanim.
A curved line escaped into my lips. Good thing, I always bring
with me my DSLR camera. Taking photos is my hobby. Kapag na-bo-bored ako, ito ang ginagawa ko to kill time and
boredom.Isinukbit ko ang sling ng DSLR camera sa leeg ko. Itinutok ko ang camera sa kabilang direksyon at hinanapan ito ng angulo. I pressed the 'shutter' button.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang
mga kinunan kong litrato. I stared at them with amazement. This place has a nice ambiance. I felt peace in here.
Just as I was about to step backward, may biglang bumanggasa akin dahilan para mapapikit ako ng mga mata at tumama ang noo ko sa nakabangga sakin."Ouch!" Daing ko. Napahawak sa noo ko na tumama sa
katawan ng kung sino."Bulag ka ba o nananadya ka lang talaga? Nakita mong may
tao rito, tapos bubungguin mo?" Sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon na kasalukuyang nakangisi lang.I gasped in shock. This guy in front is unbelievable. Pinagti-trip-an ba ako nito? Imbes na humingi ng tawad, nginingisihan lang ako.
"Oh, ngingiti-ngiti ka pa? Hindi ka ba mag-so-sorry?" Masungit kong sabi sa kanya.
"Oh, may tao pala?" He said as if he was provoking me.
Hindi pa rin nabubura ang mga ngisi nito sa kanyang labi. Napasiring ako sa kapilosopohan niya.
"Wow! Bulag ka pala," Inis na sabi ko. Kumukulo ang dugo ko sa kausap ko.
Tinalikuran ko siya at akmang aalis na, nang bigla niyang hinatak ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Pagkatapos walang
pasabing hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Habang siya nakangisi lang.Agad naman niyang inihiwalay ang mga labi niyang nakalapat sa labi ko at bumitaw sa pagkakahawak sa akin.
Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon. Napakurap ako at muling binalot ng inis ang puso ko na kanina pang hindi humuhupa. This guy is getting into my nerves!
Sa kabila ng inis ko ay mas pinili ko na lang itong hindi pansinin at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ginawaran ko ng matalim na tingin ang lalaki.
"Bakit mo ako hinalikan?" Nagpipigil kong tanong sa kanya habang nakakuyom ang mga palad ko.
"Babae, ang sarap ng labi mo at ang lambot. Pwedeng isa pa?" Nakangising sabi nito.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Huminga ako ng malalim at naglakad pabalik sa kinaroroonan niya pagkatapos hinawakan ko ang kwelyo niya at hinila siya pababa para magtapat kaming dalawa.Walang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kanya na medyo umawang pa ang labi dahil sa ginawa kong paghila sa kwelyo niya. Ipinaglapat ko ang labi namin sa isa't isa. I felt him stiffened in his position. I smiled as I slowly moved my lips up and down in rhythm. I bit his lower lip and slid my tongue into his. I kissed him aggressively. Until I felt him responded back to my kiss.
Agad akong humiwalay sa kanya at inilapit ang bibig ko sa kanyang tenga pagkatapos ay marahan na bumulong.
"Kiss me, you're mine." Nakangisi kong sambit at tinapik ang
balikat niya. Hindi siya natinag sa ginawa ko at nanatili lang na
nakatitig sa akin at bahagyang nakaawang ang mga labi. Tinalikuran ko siya at tuluyan na akong naglakad paalis ng garden at iniwan siya roon na nakatulala.He's a player. It seems like he wants to play with me. And yet, he doesn't know whom he's playing with. He is not aware that I am also a player.
All Rights Reserved.
Copyrights © 2019 Simjangtaehyun📝Proofreaders: Mitchuniverse & Andrea AD
📝Critique: unidentifiedwp
📝Editor: Thartzo9, Greenpandaripper & Kheinetic
📝Graphic: Itsmycursedink
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORY COMPILATION
ContoIN THIS WORLD MAY IBA'T IBANG KWENTO AT KARANASAN ANG BAWAT TAO. ILAN LANG SA MGA ITO AY ANG LOVE STORY PERO KADALASAN NAUUWI SA TRAGIC ENDING PERO MINSAN NAUUWI SA HAPPY ENDING... HALINA'T TUNGHAYAN ANG IBA'T IBANG KWENTO NG MGA ILANG TAO. THIS I...