THE CLIFFSIDE (A One Shot Short Story)

62 0 0
                                    

NEED KO COOPERATION NIYO. SANA MABASA NIYO TO~

SALAMAT SA MGA MAGIISPREAD. KAPAL MUKS LANG XDloljk~

Basahin niyo na dali. MAGCOMMENT KAYO pagkatapos niyong basahin.

THANKS,

-MissedMe

______________________________♥______________________________

Sa silid aklatan, abala si Marian ng kanyang takdang aralin sa Mechanics. Si Marian ay nasa pangalawang taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Architecture sa isang kilalang unibersidad sa kanilang bayan. Malaki na ang ipinayat niya simula noong tumuntong siya sa kolehiyo. Nagkaroon na siya ng eyebugs at nangingitim narin ang ilalim ng kanyang mga mata dahil sa kanyang salamin. Maya maya ay may kumuha sa kanyang atensiyon….si Angelo. Matangkad siya nasa anim na pulgada ang taas, kayumanggi ang balat at maganda ang pangangatawan. Magkaparehas sila ng kinukuhang kurso ni Angelo. Hindi niya namalayan na nasa harap nap ala nito ang kanina’y tinitingan sa malayo.

 “ Marian, nakita mo ba si Ynell?” tanong ni Angelo. “Ha?!” gulat na gulat na nasa harap na pala si Angelo.

“ Tinatanong ko kung nakita mo ba si Ynell?” ulit ni Angelo.

“ Si Ynell? Nasa gym siya may P.E..”sagot niya. Si Ynell ay matalik na kaibigan niya, Nag aaral ito ng medisina. Matagal na silang matalik na magkaibigan mula pa noong nasa elementarya pa ito. Sa kabila ng pagkakaiba nilang dalawa  ay nananatili parin silang matalik na magkaibigan. Si Marian ay matalino, masipag, tahimik at konserbatibong tao. Si Ynell naman ay mula sa marangyang pamilya.. Si Ynell din ang tinaguriang mutya sa kanilang unibersiad. Ngunit sa kabila nito ay ang pagiging pabaya nito sa pag aaral.

Napatingin si Marian sa pintuan ng silid aklatan. Si Ynell na sinisenyasan siya na papauntahin si Angelo sa labas, Si Angelo ay nanliligaw kay Ynell. Nagkakilala ang dalawa dahil sa kanya.

 “ Ah Angelo, si Ynell nasa labas, tinatawag ka.”mahinang sabi nito sa kaharap sabay turo sa may pintuan.

“ Ha? Okay, salamat Marian.”ngumiti si Angelo at natungo na sa kinaroroonan ni Ynell. Sinundan yon ng tingin ni Marian. Biglang may kumirot sa kanyang puso at nakita na lamang ang sarili na umiiyak.

Sa kantina, sabay nagmeryenda sina Marian at Ynell. Umorder si Ynell ng dalawang hamburger at softdrinks.

“ Ayan besfren, treat ko sa’yo. Order ka lang ha ng kahit ano, sagot ko.”tuwang tuwa na sabi ni Ynell.

“ Hmmmp…ano nanaman kaya ang kailangan ng besfren ko? May assignment ka ba? Research? Ano?”pabirong sabi niya sa kaibigan.

“ Wala bes, treat ko lang yan sa’yo dahil sa pagpapakilala mo kay Angelo. And you know what? Kami na pala.” Kinikilig si Ynell habang nagkwekwento kung pano nagproposed si Angelo sa kanya.

Nagulat si Marian sa narinig. Namanhid ang buong katawan niya at hindi al am kung ano ang magiging reaksyon niya dito.

Patuloy si Ynell sa pagkwekwento hababg kumakain sila. Ngunit tipid na ngiti lang ang ginaganti nito sa kaibigan. Hindi  siya nagsalita hanggang natapos silang kumain. Hindi na nagtaka ang kaibigan dahil sanay na ito sa kaibigang puro walang kibo.

Sa dorm, mag-isa lang si Marian sa kanilang silid ni Ynell. Inisip nalang niya na kaya late uuwi si Ynell ay dahil baka may date sila ni Angelo. Para mawala sa isip niya ang nangyari, nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa paggawa ng kanyang schedule para sa susunod na linggo. Bigla niyang naalala na sa Sabado na pala ang kanilang fieldtrip sa Baguio . Isinulat na niya ang maga kakailanganin niya at binadyet ang natitirang allowance. Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang may kumatok sa pintuan. Si Ynell na ‘yon at pinagbuksan niya ito.

THE CLIFFSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon