Ready?

0 0 0
                                    

Rainy Days.

June?
July?
August?

Not just a single day.

Why rain comes and go?

Why the highways should be wet? When it can be dry afterwards?

Bakit, kailangan pa nating palalain ang mga sitwasyong, masasagot naman ng naayon sa mga katuparan ng pansariling interes?

Bakit, naaayon ang buhay sa mumunting patak ng ulan na natutuyo lamang sa lupa pagkatapos nitong bumuhos?

Bakit, kailangan pang lumisan sa gitna ng kasiyahan, kung sa lungkot naman ay darating?

Ako ba'y naayon sa aking pananalita? Sa pananalitang walang halaga at mararating?

Masasabi mo ba, kung ano ba ang tunay na kahulugan, kung bakit tayo'y nagkaroon ng kakayahang lumuha?

Masasabi mo ba, kung paano natin maiibsan ang kalungkutan?

Malalaman mo ba, na bawat saya,lungkot,galit,kagalakan,pagsamo,paki-usap at pagdurusa ay may kapalit?

Masasabi mo ba na ang buhay ng bawat tao ay parang titulo ng kwentong ito, na naiiba ang wika sa nilalaman?

Walang kasiguraduhan sa buhay.

Ni hindi rin mananatiling nasa kawalan ang ating mga buhay.

Sa isang banda, hindi lahat ng ikabubuti ay ikabubuti, at hindi lahat ng ikasasama ay ikasasama.

Hindi lahat ng sang-ayon ay naaayon, at hindi lahat ng pag-aaklas ay makatotohanan.

Wala tayong nalalaman sa bawat isa, kung patuloy lang tayong tutularan ang ulan.

Na pagkarating ay magdudulot sa iba't ibang tao ng nararamdaman.

Masaya.

Malungkot.

Natatakot.

Naaawa.

Nagagalit.

Ni hindi tayo parang mga ulap sa alapaap na mananatili hanggang sa gusto natin.

Minsan, magsasawa nalang tayo sa mga bagay, na hindi natin gusto ngunit nakasanayan na natin.

Nawa'y maging malaya tayo gaya ng isang ulan, na pumili ng tatahaking daan.

Sumama sa mga nais mong samahan, gaya ng mga patak ng ulan na sama-samang bumabagsak sa lupang ating kinatatayuan.

Nawa'y hindi tayo maging tulad ng ulan, na nagdadala ng bagyo, sapagkat sa gulo, may mawawalang makabuluhan sayo.

At nawa'y maging tulad tayo ng ulan, na nakakarating sa malalayong lugar, kung saan man natin naisin.

Ito ba ang umpisa ng pagbuhos?
O ito ang huli, dahil sa pagtila?

Rain Man Series: Shattered GroundsWhere stories live. Discover now