Nakadungaw ako ngayon sa may bintana where I can see the other house's bedroom ng anak ng bago naming kapitbahay.
Lagi na lang ganito ako pag naririto ako sa room ko, sumisilip sa kabilang bahay lagi ko kasing nakikita roon ang batang babae nagkukulong lang sa kwarto nya.
Di ba sya nababagot sa room nya? Halos di na ata sya lumalabas roon at sa kanilang bahay.
Lagi na lang sya nanunuod ng TV o di kaya nagbabasa ng libro... naiingit tuloy ako kasi may sarili syang TV sa kwarto nya tapos ako wala ni di nga ako makanuod ng gusto kong panuorin na cartoons kasi sina mama at papa laging nakatutok sa balita. 😑
Pero gusto ko syang maging friend dahil ang ganda-ganda nya para syang princess. 😀
Ewan ko ba ba't pinagbabawalan ako ng parents ko na lumapit sa kanya kaya di ako makalapit-lapit at sa tsismis lang ng kasambahay nila ko sya naririnig pag pinag-uusasapan nila ang anak ng amo nila.
Lagi kong naririnig sa kanila na di daw ito mahal ng mag-asawang amo nila kasi di man lang daw nila ito pinapasabay sa pagkain at pinapadalhan lang ng makakain ito sa kanyang sariling kwarto. Isa pa wala raw itong galang dahil man lang daw namamansin o nagsasalita kung makatingin nga raw ito sa kanila ay parang ewan na lumalayo ito ng kusa sa mga nagdadala ng makakain ng batang babae.
"Anak ano ba ginawa mo dyan? Naku bata ka baka mahulog ka pa sa bintanang yan!" Sigaw ni mama na ikinabigla ko.
Akala ko mahuhulog na ako sa labas dahil sa gulat buti na lang agad akong nakuha at nabuhat ni mama.
"Ano bang pumasok sa utak mo at halos nasa labas kana ng bintana mo ha LJ?" Alalang galit na sabi ni mama sa akin.
"M-mama naman eh..." naiiyak ko nang sabi.
Katakot kaya ang nangyari! Nagulat ako sa kanya!
"Shhh... tahana... mama is sorry kung nagulat kita pero don't do that again LJ, tinakot at pinag-alala mo ako sa nadatnan ko." Patahang sabi sa akin ni mama.
"S-sorry din po mama." Paghingi ko ng tawad din sa kanya.
"Ano ba kasi ang tinitingnan mo dyan sa labas?" Tanong nya ulit.
"Mama love nyo naman po ako nina papa at ng mga kapatid ko, di ba?" Biglang tanong ko na lang kay mama.
"Love na love ka namin ng papa at ng mga kapatid mo anak." Nakangiting sabi nya at hinalikan pa ako sa pisngi. "Why anak ask this to me?"
"Love ko rin po kayo at nina papa!" Nakangiti kong sabi at napayakap sa kanya.
"Hays... naglalambing ang bunso kong anak, ha! May ginawa ka na naman bang mischief?"
"Hala si mama! Wala po no!"
"Really?"
Umiling-iling na ako bilang sagot pero natigil ako ng makita kong nakangiti sya na para bang may ibang sinasabi kaya pilit na akong bumababa sa pagkakabuhat nya sa akin.
"May ginawa ang baby bunso namin at ayaw sabihin!" Pakantang sabi ni mama at hinihiga na ako sa higaan ko at nagsimula na nya akong kilitiin sa katawan.
"Ma!!! 😂😂😂😂 Ta-tama... 🤣🤣🤣🤣 tama na po!" Natatawa at nakikiliti kong sabi habang pilit kong kumawala sa kanyang mga kamay.
Pero di pa rin ako pina-pakinggan ni mama at nagpatuloy sa pagkiliti sa akin.
"Di na po mauulit!" Sigaw ko. "Di na po ako aakyat sa may bintana!"
At doon lang ako tinigilan ni mama.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE WITH YOU
RomanceConfused at nagtataka ang batang si LJ why that girl na anak ng family friend at kapitbahay nila ay halos walang kumakausap o lumalapit man lang sa kanya when in fact napakaganda and it seems good girl naman ito. ####### "I'll be your friend then...