"Oy, bonsoy... ano na? Ilang araw ka nang nakaninilip dyan sa kapit bahay nyo, ah!"
Aba't...
"Hoy, Roman di ako naninilip tumitingin lang ako!" Sigaw kong sagot sa kanya.
"Ilang araw na natin itong ginagawa bonsoy di pa namin alam ni Roman kung ano ang sinisilip-"
"Isa ka pa!" Sabi ko sabay pokpok sa ulo ni Kyle. "Sabing di nga ako naninilip, eh... tumitingin! Tingin!"
"Aray! Masakit! Tama na bonsoy!" Dumadaing sabi ni Kyle.
"Wag nga kayong malikot! Ang bigat-bigat na nga nyo naglilikot pa kayo!" Naiinis na sabi ni Roman.
"Si bonsoy Roman namumokpok ng ulo!"
"Eh, sa tinatawag nyo akong naninilip Kyle... eh... sabing tumitingin di naninilip!"
Nasa gilid kami ng bahay ng bagong kapitbahay namin sa may bakuran nila.
Nakaluhod si Roman at nakaapak naman sa likod nya si Kyle tapos ako naman nakaupo sa balikat nya.
Ganito ang purma namin ngayon dahil sa taas ba naman ng harang at di ko makita ang loob ng bakuran ng kapitbahay namin.
Ilang araw na rin namin ito paulit-ulit gawin pero ito wala pa rin akong makitang batang babae na lumabas man lang.
Hiast... di ba nababagot sa loob ang batang yon? Kami nga rito nababagot na sa ginagawa namin eh...
Sabi ni mam ayaw nya sa maraming tao o lumapit man lang sa kanyang tao pero di naman ako lalapit makikipag-usap lang naman!
Wala na ngang masyadong katao-tao ang bahay nila di man lang lumalabas. Wag nyang sabihing kailangan talaga nyang magkulong ng kwarto nya! 🤯
"B-bonsoy matagal ka p-pa ba dyan?"
Sasagot sana ako ng may biglang...
BEEPPP!
BEEPPP!
BEEPPP!
"Mga bata anong ginagawa nyo dyan?"
"Ahhh!!!" Sigaw ko.
"T-teka Roman mahuhuahhh!!!"
"Takbo!!!" Sigaw ni Roman at tumakbo na sya.
"Bonsoy tayo na jan!"
Agad rin tumayo si Kyle at sumunod na rin kay Roman sa pagtakbo palayo.
"Di na tayo bati! Roman! Kyle!" Sigaw ko sa kanilang papalayong pigura.
Ang sakit ng pwetan at ng likuran ko! 😭
At dahil sa sakit di ko na rin magawang tumayo pa at umiyak na lang sa sakit.
"Whaaaaaa!!!!"
"Bata... ok- 'nak ng... anak ka ni Tiffany at Lorence!"
Di ko namalayan na bumaba at pinuntahan ako ng mama sa may kotse kanina kaya....
"Whaaa! Aray ko po! Masakit!" Mas sumakit tuloy ang pwetan at likuran ko sa pag tangka kong gumalaw para tumayo at ng makatakas.
"Bata ka... ano ba kasing ginagawa nyo? Di nag-iingat ayan tuloy... di nyo ba alam na dilekado ang ginagawa nyo kanina?" Sabi no'ng lalake at hinay-hinay akong binuhat.
"Mama.... mama..." masakit talaga at di ko na namamalayan ang nangyayari.
Ang alam ko lang ay nasa bahay na ako kasama ang lalakeng bumuhat sa akin.
"LJ! Thomas anong nangyari at umiiyak ang anak ko?"
Napatingin ako sa nagulat at nag-aalalang mama ko.

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE WITH YOU
RomansaConfused at nagtataka ang batang si LJ why that girl na anak ng family friend at kapitbahay nila ay halos walang kumakausap o lumalapit man lang sa kanya when in fact napakaganda and it seems good girl naman ito. ####### "I'll be your friend then...