CHAPTER TWO

27 12 0
                                    


Mag-iisang linggo na rin buhat ng pumunta si Aling Mercy dito. Hanggang ngayon ala pa rin kaming pambayad sa upa, ayoko naman tumira sa kalsada hano. Oo mahirap lang kami at maliit lang din ang bahay na aming inuupahan ngunit di parin naman ako sanay tumira sa kalye, iniisip ko pa lang yon, naawa na ako sa amin ni Ninang.

"Hay!, dapat makahanap na talaga ako ng trabaho kahit part time lang". Sabi ko sa sarili ko habang nakahiga at naka tulalang naka tingin sa butas butas na bubong ng aming bahay.

"Hoy, Allison ano ba yang tinitigan mo sa bubong natin?, may concert na bay butiki diyan at di maalis-alis ang tingin mo sa bubong natin?". Tanong sa akin ng Ninang ko na kakapasok lang dala ang mga damit na tiniklop nya kanina.

Tumayo ako sa pag kakahiga at umupo na ko sa papag at humarap kay Ninang na ngayon ay nilalagay na sa Durabox ang mga damit na tiniklop.

" Ninang, iniisip ko lang kung pano tayo makakabayad kay aling Mercy sa upa sa bahay" tugon ko kay Ninang.

Nang matapos mailagay ni Ninang ang mga damit sa Durabox umupo na rin siya sa papag.

"Eh, kung umarte na lang kaya ulit tayo kay aling Mercy ? " Suhestyon ni Ninang.

" Hay Ninang gustuhin ko mang gawin yan kaso alam kong makaka halata na si aling Mercy na niloloko lang natin sya" saad ko " At isa pa alam kong i chichismak  na din ng Power Puff Girls kay aling Mercy na niloko lang natin sya nung nakaraang linggo, alam mo naman yung Trio na yun lahat ng chismak alam ". Dugtong ko pa.

"Sabagay, may point ka don inaanak, eh kung rumaket nalang kaya tayo?, ano sa tingin mo inaanak? ". Muling suhestyon ni Ninang.

" Anong klaseng raket naman yung naisip.............."

di pa ko tapos sa itatanong ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto na aming kinaroroon at mula roon inuluwa nito ang aking matalik na kaibigan.

"Hep! hep! hep!, tama ba ako ng rinig sino ang may kailangan ng raket?" Tanong ng aking kaibigan na kapapasok pa lang sa pintuan.

"Hep! hep! hep!, bat ka nakikisabat sa usapan ng may usapan haa Melody ?" Sabat naman ni Ninang Georgie na ngayon ay tinataasan ng kilay si Melody

"Grabe ka naman Ninang Georgie, nag tatanong lang naman ako "  saad ni Melody na animoy nasasaktan kunwari sa sinabi ng maldita kong Ninang.

"Kaya ko lang naman naitanong kasi  nag hahanap ako ng pwedeng makasama sa raket ko bukas". Pagpapatuloy pa ni Melody.

Tila nagbago naman bigla ang ekspresyon ni Ninang at napalitan ito ng tuwa.

" Ayyy hahahaahah, bat di mo naman sinabi agad, binibiro lang naman kita kanina e, ikaw talaga masyado kang matampuhin " wika ng Ninang kong mahadera habang hinihimas ang nakalugay na buhok ni Melody. "

"No it's already said and done " Saad naman ng kaibigan kong si Melody.

" Ayy taray English, sige nga  itranslate mo nga kung  naintindihan mo ng maayos" request pa ni Ninang na kunwari ay gulat sa pag-eenglish ni Melody.

" Ano ba naman yan Ninang Georgie pati ba naman yon kailangan alam ko rin ? ". Tanong ni Melody kay Ninang.

"Abay syempre kailangan alam mo  yung ibig sabihin nyan ikaw nag sabi e" sagot ni Ninang Georgie habang naka pamewang pa.

"Hay si Ninang Georgie naman wag na nga iyon, ano nalang..... uhm......uhm '
'Honesty is The Best Policy' ...ang ibig sabihin non si "Honesty" daw ang pinaka magaling na pulis, o diba tama naman translation ko." Proud na proud na sabi samin ni Melody.

Let Me Be Your Mistress My Dear First LoveWhere stories live. Discover now