BR 1

13 0 0
                                    

Pinangako ko sa sarili kong hinding hindi na tayo magkikita pa. But what can I do? We had the same circle of friends.

Lesson Learned. Wag magjojowa ng tropa.

"Uyy. Sensya na girl. Kanina ka pa?" bungad na tanong ni Cassy habang bumebeso sakin.

"No it's okay." Sanay naman na kong mag isa. Jk!

Titig na titig siya sakin na para bang kinakabisa lahat ng anggulo ng muka ko. May dumi ba ko sa muka?

"Namiss kita ng sobra!" sabay yakap sakin na mahigpit. Medyo tumagal ng konti ang yakapan namin at teary-eyed pa ang babaita nung humiwalay.

"I know. Namiss din naman kita. Kayo ng tropa."

"Nakakainis ka! Nagbreak lang kayo pati samin nakipagbreak kana din ata!" pabirong sabi niya at hinampas pa ko sa braso ng mahina.

I just smiled. "Atleast I didn't block you."

"Ah so ganon? Thank you ah." Sarcastic na sabi niya habang tatawa tawa pa.

"Umorder ka na nga lang muna don at mahaba habang kwentuhan to." she just smiled and head her way to the counter.

Cassandra Mendia or simply Cassy. The one who introduced me to him. Our very first common friend. Sobra sobrang sorry ang chat niyan sakin magmula noon. Lahat ng social media account na alam niya meron ako minessage niya na. She was sorry na hindi daw niya nasabi agad. Nabigla nalang din daw siya na nagawa niya yon. I told you. No one expected that.

"So ano na nga Ms. Cailie Dein Alcantara? Magkwento ka naman!" tsismis agad pagkabalik na pagkabalik.
Hindi ko naman siya masisisi. We really do have a lot to catch up.

"Same old same old." Pang asar na sagot ko. At isang napakasamang tingin ang nakuha ko mula sa kanya. Natawa nalang ako. "Well nagawa ko na almost lahat ng gusto kong maachieve sa buhay. May bahay at lupa na magulang ko. May sarili na din akong pundar. Parehas kaming may sasakyan. Maliit na business. I can work anytime I want. Hawak ko oras ko. Ganun. Ikaw?"

"Wow. Just wow!" Ewan ko ba naman kung anong nangyare sa taong to. Sobrang expressive ng muka niya. Well ganyan naman na siya noon pa. Nakakatuwa lang na nagkakausap na ulit kami ng ganito ngayon. "I'm so proud of you!" Sabay yakap muli sakin. Clingy masyado? Ganyan talaga.

"Oh ano ako lang may kwento? Ikaw? Kamusta na?"

"Hay nako. Ako tong literal na same old same old. Trabaho lang nadagdag." Para bang disappointed na kwento niya.

"Eh bakit?"

"Ewan ko ba. Ang hirap mag ipon eh."

"Sus. Ang bongga kasi ng lifestyle mo. Kain is life ka pa.  Bye bye ipon ka talaga niyan."

Nag pout pa ang bruha."Any tips?"

"Tips? Hmm." Hihimas himas sa baba pa ko habang nag iisip. Pero joke lang yung nag iisip ako. Hehe. "Eto lang yan ha. Sa mundong to hindi ka magsusuceed kung hindi ka magnenegosyo." Muka namang napaisip siya. "Come to think of it. Trabaho ka ng trabaho. Yung sumosobra napupunta sa travel, ibang mga luho. Kase ano? Reward natin sa sarili? Oh come on! Bat hindi mo muna ipunin lahat ng pangtravel mo at iinvest sa negosyo diba? Once na nabawi mo na yung pinuhunan mo sa business mo, pwedeng pwede mo nang ipangtravel lahat ng sosobra. At hindi mo na kailangan pang magtrabaho. Isa pa, ikaw na ang boss." Ang dami ko atang nasabi.

Titig na titig lang siya sakin na para bang manghang mangha nanaman sa pinagsasabi ko. "Huy!"

"Sorry sorry." Para bang natauhang sagot niya. "Sobrang naaamaze lang ako sa way of thinking mo."

Breaking RulesWhere stories live. Discover now