Simula

6 1 0
                                    

Eksaktong alas 4 ng umaga ng dumilat ang mga mata ko. Hindi ako maagang nakatulog nung gabi dahil sa kakaisip na pasukan na ngayong araw. Panay tuloy ang paghikab ko habang nasa kalagitnaan ng biyahe.

"Sunshine anak. Ayos ka lang ba?"

Kinurot ko ang braso ko para tumingin kay Tatay na katabi ko at minamaneho ang jeepney namin para ihatid ako sa eskwelahan at mamasada na rin at the same time. Nakataas ang isang kilay niya habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa daan.

"Ayos lang ako Tatay. Hindi lang po talaga ako nakatulog ng maaga." Pagkatapos ko magsalita ay nagpakawala naman ako ng isang malakas na hikab. "Facebook ka kasi ng facebook."

Ngumiti ako at nagpeace sign. Kilala na talaga ako ni Tatay. Nagsisisi na tuloy ako na panay ang scroll at pagshare ko ng mga memes kagabi!

Lumingon na ako sa bintana at tinignan ang napakaraming mga sasakyan sa kalsada. Rush hour na ngayon at dahil balik eskwela ay mas sumikip na ang mga daanan. Hays. Na-immune na akong ganito ang nakikita ko araw-araw. Pero hindi ko pa rin maiwasang mamiss bigla ang Lachlane, ang probinsiya kung saan ako lumaki.

Kinurot ko ulit ang sarili ko ng maramdaman kong mapapapikit nanaman ako. Para mawala ang antok ay pumasok ang isang kalokohan sa isipan ko.

Nang mag green light na ay humanap na ako ng una kong biktima sa mga taong naghihintay  ng masasakyan sa tabi-tabi. Kaagad namang nakuha ng pansin ko ang isang lalaking nakapameywang habang may kausap sa telepono. Napapalingon lahat ng napapadaan malapit sa kanya dahil sa tangkad nito. Napagkakamalan sigurong artista dahil sa suot nitong puting polo at shades.

Nang mag red light na ay papalapit na kami sa pwesto niya. Nilabas ko ang malaking parte ng braso ko. Itinaas ko ang kaliwang middle finger ko pero mabilis naman akong nag form ng finger heart sa kabila. Mabilis kong nakuha ang atensyon niya at nangunot ang noo niya ng makita ako.

"Ano nanaman yon, Sunshine?"

Binalik ko ang kamay ko sa pwesto nito kanina habang nagpipigil ng tawa. Nakita ko ang mabilis na pagsulyap ni Tatay sa akin na para bang naramdaman nanaman niya ang kalokohang ginawa ko.

"Wala po Tay." Pinigilan ko nalang ang tawa ko. "Umayos ka ha."

Unti-unti namang lumakas ang tibok ng puso ko ng mapansin kong papalapit na kami sa Alveolar City High School. Tanaw na tanaw ko na ang ilang mga estudyanteng naka civilian na sabay sabay na naglalakad papasok sa unang araw ng pasukan.

Sa kabilang kanto pa ang school ng makita ko ang isang pamilyar na mukhang naglalakad mag-isa. Sakto naman ang paghinto ni Tatay dahil may bumaba ding pasahero kaya naman kaagad din akong bumaba.

"Oh? Saan ka pupunta anak?"

"Dito nalang po ako, Tay! Ingat po kayo! Labyu!"

Nagflying kiss ako sa kanya bago kumaripas na ng takbo. Kaagad din namang umalis ang jeep ni Tatay pagkatapos kong makaalis. Madami dami pa ang mga estudyanteng sakay niya na ilan pang traffic ang madadaanan.

Patuloy lang ako sa pagtakbo para mahabol ang tukmol kong bestfriend na may mahabang legs. Palagi niyang nagagamit ang mga ito sa mabilis na paglalakad lalo na't madalas siyang mag isa. At dahil sa may lahi siyang kapre ay hindi ako nahirapan na makita siya sa dami ng mga taong nakakasabay naming maglakad ngayon. Lumilitaw talaga ang ulo niya eh.

"Kapreng Ouie! Sandali!"

Habang hinahabol ko siya ay nakita ko ang isang matandang babaeng parang mahihimatay. Tinignan ko ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit lahat sila ay walang paki sa matanda at busy sa pag-aabang ng masasakyan. Bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig ay nalapitan ko na siya at nahawakan sa braso.

"Ayos lang po ba kayo?" Nakahinga ako ng maluwag ng muling dumilat ang matanda at nakatayo ng maayos.

Tantsa ko ay nasa line of 80's na si Lola. Nakasuot siya ng dilaw na bestidang bulaklakin at hawak ang isang bayong na may lamang mga gulay. Kahit na masama ang pakiramdam niya ay nakangiti niya pa rin akong tinignan sa mga mata.

"Salamat hija. Umalis ka na at baka malate ka pa." Banayad niya akong itinulak pero nagmatigas ako at tumingin sa paligid. Mukhang walang pwedeng maging sub ko para tulungan si Lola.

"Baka po mahimatay ulit kayo. Late naman na po ako eh. Ayos lang."

Nginitian ko siya bago dinala para makaupo sa flower bed sa gilid ng daan. Kinuha ko ang lalagyanan ko ng tubig at binigay sa kanya ng makita kong mapapikit nanaman siya. Ininom niya naman ito habang ako naman ay pinaypayan siya gamit ang notebook ko.

"Baka hindi pa po kayo nag aagahan, Lola. Bibilhan ko po kayo saglit ng makakain." Nakaramdam ako bigla ng awa kay Lola.

Kapag nasa ganitong edad na si Tatay ay hindi ko na siya basta-basta papalibutin dito sa Alveolar ng mag-isa. Masyado pa naman ng mainit sa panahon ngayon. Kahit na alas otso pa lang ng umaga ay parang alas dose na noon.

"Nako hija wag mo na akong alalahanin. Napakabait mo namang bata." Napahawak ako sa batok ko ng ngitian niya ako. Na-flattered naman ako doon sandali.

"Hindi naman po. Hehe. Nagmumura din po ako. Atsaka ginawa ko lang po ang dapat kong gawin." Tumango siya bago may dinukot sa bulsa niya.

Akala ko ay pera ang iabot niya na handang-handa akong tanggihan. Nagulat nalang ako ng makitang isa itong gold necklace na sunflower and pendant na may sampung petals. Mukhang totoo talagang gold dahil kumikintab ito habang nasisinagan ng araw.

"Tanggapin mo to hija. Bilang regalo ko sa kabutihan mo." Nanlaki ang mga mata ko ng kunin niya ang kamay ko at sapilitang ilagay ang kwintas sa palad ko. "N-Nako po Lola. Hindi na po kailangan! "

"Sige na hija. Magagalit ako kapag hindi mo to tinanggap." Tinitigan ko ang kwintas na nasa palad ko at ewan ko ba kung bakit nagsimula akong magandahan dito. "Teka lola, pwede po tong masangla?"

Tumawa ng malakas si Lola na nagpalingon sa mga taong dumadaan. "Nako ineng. Hindi mo maiisip na maisangla yan kapag nalaman mo ang maibibigay nito sa iyo." Nagpahid na siya ng luha niya.

"Ano po bang meron dito?" Muli niyang kinuha ang kwintas sa palad ko at kinabit ito sa leeg ko. Napahawak ako kaagad sa pendant nito na nasa dibdib ko.

"Hawakan mo lang ang kwintas na yan kung may kahilingan ka hija. Tandaan mong kailangan na nasisinagan ng kaunting araw ang kwintas bago matupad ang iyong kahilingan." Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Naka shabu ba to si Lola?

Lumingon lingon ako sa paligid dahil baka naman hidden camera prank ang isang to pero nabigo ako. Ano to? Wow Mali? Daig kayo ng Lola ko? Wansapanataym? Pidol's Wonderland? O baka naman Mga Kwento ni Lola Basyang?

"Seryoso kayo Lola?" Gusto kong tumawa ng tumango siya pero mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya. "Weh? Seryoso talaga? Final na?"

"Hindi ka pa rin naniniwala? Bakit hindi mo subukan?" Kahit na naguguluhan ako ay ginawa ko ang sinabi niya. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

Hinawakan ko ang pendant ng kwintas, pumikit at inisip ng madiin ang kahilingan ko. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nanlaki ang mga mata ko ng mawala si Lola sa harapan ko. Kumonti ang mga tao naglalakad sa paligid at medyo hindi pa matindi ang sikat ng araw.

"Pota. Totoo kaya?" Napayakap nalang ako sa sarili ko bago nagmamadaling kinuha sa bag ko ang cellphone ko. Pagtingin ko sa oras ay 6:30 pa lang.

'Sana sana sana bumalik ang oras para hindi ako malate!'

Bumaba ang tingin ko sa kwintas na biglang nagliwanag. Napahilod ako ng mata ko ng makita na siyam nalang ang petals ng Sunflower na kanina ay sampu. Natigilan ako ng makarinig ng bulong sa tenga ko.

'Ang iyong kahilingan ay nabawasan na ng isa, Sunshine.'

A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon