Chapter 1
Nakapasok na ako sa ACHS habang tulala. Hindi pa rin makapaniwala sa kakaibang pangyayari kanina. Kahilingan? Dahil sa kwintas na to? Pucha mababaliw na ata ako!
"Dwendeng Sunshine mah friend!" Napapreno kaagad ako sa paglalakad dahil sa narinig ko ang boses ni Ouie. Bumalik talaga ang oras kaya mas nauna ako sa kanya!
"Kapreng Ouie mah friend!" Nilingon ko siya at nakita kong tipid na nakangiti habang kumakaway.
Pinagtitinginan tuloy siya ng mga estudyanteng kasabay niya sa paglalakad dahil nagmumukha siyang model habang naglalakad. 6'1 ang mokong at nakasuot siya ng black and white striped shirt, black pants, at white sneakers. Nang makalapit siya sa akin ay bumalik siya sa pagpoker face at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.
"Bakit hindi ka tumangkad?"
"Ikaw? Bakit hindi ka lumiit?" Aapakan ko sana ang sapatos niya habang nakakagat ang labi dahil sa panggigigil pero nakatakbo siya agad. "SUKO NA AKO!"
Since nag start ang summer ay hindi na kami nagkita nitong si Ouie. Umuwi kasi sila sa Lachlane ng buong pamilya niya at doon nagpalipas ng summer. Napansin kong umitim ng kaunti ang kapre. Infairness bagay naman sa kanya dahil may itsura naman ang mokong. Madami kasing mga beaches sa Lachlane na talaga namang nakakamangha at isa doon ay pagmamay ari nila Ouie.
"Kamusta ang Lachlane?" Inakbayan ko siya habang naglalakad na kami papunta sa building. "Maganda pa rin siyempre. Hinahanap ka nga pala nila Corrine. They missed you."
"Talaga?! Kamusta naman sila?!" Nangintab ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ng kababata namin. Nakatira pa rin sila sa Lachlane at solid unlike sa amin na nagpaka city boy and girl na. "They're good. Ikaw na ang pinakamaliit sa ating lahat."
"Haist! Oo na!" Napasimangot ako sa sinabi niya. Okay lang na maliit basta cute. "Ngayong sembreak babalik ulit ako doon. You want to come?"
Dati kaming nakatira sa Lachlane pero dahil gustong kumita ng mas malaki ni Tatay ay dito na kami sa Alveolar nanirahan. Yung bahay at lupa din namin sa Lachlane ay binenta na namin para makapagsimula dito sa Alveolar.
"Mabuti kung papayag si Tatay. Wala naman akong matutuluyan doon." Napakamot ako ng ulo ko. Hindi na ako muling nakatapak sa Lachlane kaya may part sa akin na gustong bumalik doon. "Ipagpapaalam kita kay Tito. You can stay in our resort."
"Weh? Talaga?" Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay. "Oo nga. Ang kulit."
Kapag si Ouie ang nagpaalam kay Tatay ay alam kong finish na. Since magkababata kami at kilalang kilala niya na ang isang to ay papayag kaagad siya. Malaki ang tiwala niya sa kapreng to eh.
"Tologo? Libre kain din ha?" Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinailing niya lang. "No problem. Dwende ka rin naman kung kumain."
Dumating na kami sa HUMSS department at napangiti ako ng mapansing bagong pintura ang mga pader na kulay white at red. May malaking greeting banner para sa balik eskwela at may picture ng isang babaeng hindi ko kilala. Nagkalat na din ang napakaraming mga estudyante ngunit madugo ang nangyayaring pagkukumpulan sa may bulletin board para hanapin ang sections nila.
"Ako na bahala humanap ng section mo. Mahirap na, baka malunod ka pa." Pinitik niya ang noo ko. "Ay gago!"
Balak ko sana siyang hampasin ng bag ko pero kaagad na siyang nakasuong sa dagat ng mga tao. Iba nga naman talaga ang may kapreng kaibigan. Tumingin nalang ako sa bright side. Atleast hindi ko na kailangan makisiksik.

BINABASA MO ANG
A Little Bit of Sunshine
FantasyA Little Bit of Sunshine || Kung ang genie ay nagbibigay ng tatlong kahilingan, tinriple ng matanda ang kahilingan para kay Sunshine. Isang gintong kwintas na magbibigay ng sampung kahilingan sa ilalim ng sikat ng araw ang ipinalit sa kanyang ginawa...