New World 17

132 17 2
                                    

Chester

Selene Caz

Agad kaming nag-ayos ng sarili namin.

Ni-ready namin ang mga pang self defense namin at mga dalang gamit.

Naglagay din ako ng dagdag na kutsilyo sa katawan ko at agad ko ring pinunasan ang baseball bat na hawak ko.

Nanlalagkit ako sa sarili ko, puro dugo.

"Ready?" Tanong ko kay Loreine na katabi ko ngayon habang nag-aayos.

Ngumiti sya ng mapait sakin.

"Hindi ko alam kung anong mangyayare satin pagkatapos nito." Malungkot na sabi nya.

Napatingin ako sa baseball bat na hawak ko atsaka ako napakagat sa pang ibabang labi ko.

"Hindi ko rin alam Reine..." Hindi ko namalayan na nagsipatakan na naman pala ang mga luha ko.

I miss them.

Una si Chara.

Tas si Fin.

And then si Clyde.

At parang mawawalan ako ng hininga tuwing naiisip kong pati si Chester wala na...

*Flashback*

"Pwede ba Chester? Tigilan mo ko, andami kong ginagawa oh." Naiiritang sabi ko habang hawak ko ang kumpol na libro na pilit nyang inaagaw sakin.

"Amin na nga kasi, ako na magdadala sa faculty."

Masama ko syang tinignan at hinarap.

"Fine! Ano bang gusto mo ha?!" Naiiritang sabi ko sa kanya.

"I told you, gusto nga kita at ilang buwan na kitang nililigawan tas kung makapag tanong ka jan parang di mo naman alam." Naiinis na din na sabi nya.

Napabuga ako sa hangin staka napa-irap sa kawalan.

"At sinabi ko na rin sayo! Hindi pa ko ready pumasok ulit sa relasyon! Ni hindi pa nga ako nakaka move on sa ex ko ih! Alam mong sya pa din ang gusto ko! Kaya pwede ba?! Mag act ka as a leader ng room, hindi yung ginugulo-gulo mo ko!" Sigaw ko ulit sa kanya sabay talikod ko.

"Pero gusto nga kasi kita---"

"Fine!" Galit ko ulit syang hinarap. "Oo na! Tayo na! Masaya  ka na?! Pero eto ang tatandaan mo, wag mong asahan na magiging sweet ako sayo." Nagulat ako nang bigla nya kong yinakap.

"Thank you." Agad ko syang hinampas sa dibdib atsaka ako napairap at iniwan sya don.

Ang kulit...

Lumipas ang mga buwan at hindi sya nagbabago sa pagiging sweet sakin.

Napapalapit ako sa kanya pero alam ko sa sarili ko kung hanggang saan lang yon.

Sa pag-aaral ko sa parehong pinapasukan naming paaralan, para akong naka rely sa kanya.

Sinuportahan kami ng mga schoolmates namin pero hindi ko magawang maging masaya at makuntento.

Si Chester ang kasama ko sa school pero ang mga kaibigan kong sila Loreine ang kasama ko outside the school, si Jazer.

Hindi ko manlang maipakilala si Chester sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko.

Natatakot ako na baka pagpinakilala ko si Chester kila Loreine ay baka masaktan si Jazer. Basta concern talaga ako sa feelings ni Jazer.

At natatakot naman akong ipakilala sya sa pamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado sa relasyon namin.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon