Kabanata 1

7 0 0
                                    

Kabanata 1

"Kelsha, anak, are you sure about this? Bata ka pa anak, you should've not experience problems like these...." ani Mommy nang nadatnan niya akong nag i-empake ng gamit sa aking kwarto. Hinaplos niya ang aking pisngi.

"Mom, I'm sure about this...." I sighed.

Konti lang ang damit na dadalhin ko. Two months right? Sa loob ng dalawang buwan na yan ay siguro akong mapapaibig ko ang tagapagmana ng mga Salvacion--- at pagkatapos ay aalukin ko ng kasal para sa kompanya. Ironic right? Ako ang mag-aalok ng kasal upang huthutan siya at makakuha ng pera galing sa pamilya niya.

"May iba akong paraan anak...." ani Mommy.

"Wala na tayong pera Mommy! Naubos na dahil sa pagsusugal ni Daddy! Lubog na ang kumpanya natin!"

"Lalayo tayo anak. Iiwan natin ang Daddy mo...."

"No Mommy! Please don't leave Daddy! Please! Ako na ang bahala! I just want to keep this family intact!" sigaw ko.

"Kelsha! Anak kita at hindi ko gusto na manlinlang ka ng ibang tao para lang sa ama mo!"

"Kaya ko Mommy basta para sa pamilya natin!"

"Really anak? Huhusgahan ka ng mga tao pag nalaman nila ang gagawin mo.." sabay iyak ni Mommy.

"I don't care what they'll say Mom...."

Family is very important to me. When I was a child, I always dream na sana paglaki ko ay buo pa rin kami, nandiyan si Mommy at Daddy. I promised to myself back then that I will do everything for the sake of my family kahit na ikasisira pa ng reputasyon ko. And people? They will just judge. They will just say things because they are not in that person's shoes.

"Anak, I've been there.... Hindi ko kaya na pati ikaw ay maranasan mo ang mga naranasan ko noon!" sigaw niya.

"Ano ang magagawa ko kung ganoon? Pati trust funds ko, ubos na di ba Mommy? Ito nalang ang naiisip kong paraan!"

Ayoko. Ayoko talagang gawin ang bagay na 'to. Hindi ko ibebenta ang sarili para lang makakuha ng pera sa ibang tao. Then, what should I do? Dad is so desperate! Why not me then?!

"Anak please...."

"No, Mom. I gotta go. Please take care of Daddy..'' sabay kuha ng aking wayfarers na nasa couch.

I am wearing a black dress and a black stilettos na tingin ko ay di bagay sa aking pupuntahan. Sabi ni Dad, nasa isang isla daw sa Cebu naninirahan ang lalaking iyon. It will take 5 hours from Mactan International Airport bago makarating sa port kung saan naroon ang mga bangkang maghahatid sa akin patungo sa isla. I did not bring much of my dresses. Just my bikinis and shorts.

"Alright. Just call me when you need something." Sabay yakap sa akin.

"I will Mommy".

"Ingat anak..."

Tumango ako at saka hinila ang maleta pababa. I could hear Mommy's sobs habang pababa ako ng hagdan.

This is my decision and I will stand for it.

Sa kalagitnaan ng byahe patungong NAIA ay tumunog ang cellphone ko.

"Hello, Bradley.."

"Kelsha! Pinuntahan kita kagabi! Diba sabi ko hihintayan mo 'ko!" aniya sa isang paos na boses. Sigurado akong wala pang tulog ang isang 'to. Galing na naman ito sa kung sinu-sinong babae nya.

Ngumiwi ako.

"Don't worry Brad, I'm with Cheena. Sabay kaming umuwi." mahinahon kong sabi.

"You left me hanging Kels! Nasayang lang oras ko kahihintay kagabi na kung sana ay sinabi mo na di ka maghihintay ay may naikama na sana akong dalawang babae sa oras na 'yun!"

Umirap ako.

"Sorry alright? Nakalimutan ko. Marami akong problemang iniisip."

"So kinalimutan mo ako? Edi break na tayo!" sigaw niya sa kabilang linya.

"Okay..."

"Tsss.." sabi niya at binaba ang linya.

Bradley is my long time boyfriend. First year college pa lang ako ay kami na. Hindi lingid sa aking kaalaman ang mga pambabae nya dahil harap harapan niya itong ginagawa. I've been called martyr by my college friends but I just want a companion. I have Cheena as my bestfriend pero iba pa rin ang pagmamahal galing sa lalaki. Ewan ko, kaya siguro sunud-sunuran ako kay Daddy.

Tulala ako sa byahe patungong Cebu kaya di ko namalayan na papalapag na pala ang eroplanong sinasakyan ko.

Mainit na hangin ang sumalubong sa akin sa akin pagtapak sa Cebu. Ang hangin galing sa hilagang-silangan ang siyang nagpapasayaw sa buhok ko. I had a curly hair na namana ko kay Mommy. I have chinky eyes, narrow nose and cherry pink lips- a bit pouty na bumagay sa mukha ko. Sabi nila, I look like an angel pero lingid sa kaalaman nila na sa likod ng mukhang anghel na ito ay may demonyong nakatago--- na handang gawin para manatiling buo ang pamilya.

I sighed. According to my research, kailangan ko pang bumiyahe ng limang oras upang makarating sa port at doon ay sasakay ako ng bangka na maghahatid sa akin sa Isla Pascua. Isa lamang iyong maliit na isla but it is one of the famous tourist spot here in Cebu- a famous diving spot to be exact. I will enroll a diving class pagkarating ko roon para naman at least ay may matutunan naman ako sa pamamalagi doon.

"Maam, taxi po?". My thoughts were interrupted nang magsalita si kuya driver sa aking harapan.

"Uh Manong, I need a ride to Maya port, ano po ba ang pwede kong sakyan patungo doon?" I asked.

"Maam pwede po itong taxi kaso lang mas mahal ho ang bayad kaysa bus patungo roon".

"It's okay Manong. Uhm, tara na po?"

"Salamat po Maam. May discount po kayo kasi kayo po ang una kong pasahero ngayong araw at tsaka maganda po kayo. Hehe."

Tumawa ako. "Bolero po kayo Manong pero salamat po!"

This is it! Hindi ko alam kung ano ang buhay ko sa islang iyon and how fate will turn my life. Is it gonna be worth it or not? I sighed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crashing The Rough WavesWhere stories live. Discover now