Run and Hide

3 0 0
                                    


Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng bus ng sinasakyan namin pauwi. I'm with my friends and we're ten in total. Dalawa kaming girls, and the rest, boys. I met them through our work. They are like my family na rin.

We're like bounty hunters. Nasa sa amin kung gusto naming group kami or individual. Kami, we decided na mag-group and hatiin na lang ang pera para mas marami kaming mahuli na may bounty. Puro naman sila kriminal, so ayos din.

We decided that we should have that one leader who will command us. And that is, Dante. He has a large built, hairy face, and long black messy hair.

The rest of us, Rey, Leo, Zach, Hunter, Simon, Finn, Blue, June, and me, obeys him.

Rey drives the bus, Leo is like the second in command, Hunter is our source kung sinong target, Blue is our best fighter in the group, and Zach, Simon, Finn, June, and I are what makes us ten. Parang saling pusa lang, pero may naitutulong naman kami sa grupo.

We're now at the bus on our way home to get the bounty for The Wild Man. They've named him that because he eats people. Yes, literally eats them. The way we eat our meals.

But, no one has to worry because The Wild Man is dead. We killed him. Mas mababang pera ang makukuha namin, pero napagkasunduan naming ayos lang, kaysa naman mamatay si Simon kanina. Muntik na siyang makagat nitong wild man na 'to.

Everyone's busy with their own stuff: Dante, Leo, Hunter, and Blue na nagtatawanan, Zach, Finn, and June na nagsusugal at mukhang natatalo na naman sila ni June, Rey na nagda-drive, at ako na panood-nood lang kina June at pasulyap-sulyap sa labas.

Nilingon ko si Simon kasi nakaupo siya sa seat na nasa likuran ng seat ko. Natutulog siya pero pansin kong parang mas namumutla siya.

"June," tawag ko sa babaeng naka-ponytail ang buhok sa harap ko.

Nilingon niya ako at ngumiti. "Parang namumutla si Simon?" pagkukumpirma ko.

Tinitigan niyang saglit si Simon at umiling.

"No, that's his usual color. Stop overthinking, okay? Malapit na tayo," she smiled and slammed a card that makes Zach and Finn throw their cards.

"Kadayaan mo, Maria June!" sigaw ni Finn. Binatukan naman agad siya ni June. "Ew, loser!"

I laughed a little, then looked at Simon again. Baka nga gan'yan talaga 'yan.

Narinig kong tumawa nang mas malakas si Dante. "Dead or alive, pareho lang pala ang presyo nitong si The Wild Man, pare!" he laughed.

Blue laughed, too. "Jackpot tayo!"

"Hindi nabawasan, Dan? Saan mo nakita?" tanong agad ni Leo. Kailangan kasi ng pera niyan ni Leo, manganganak na asawa niyan.

Hunter showed him his phone. "Hindi ako si Dante, pero ako 'yong nakakita, 'yan oh. Basahin mo."

Tumawa pa lalo si Dante.

Narinig kong umungol si Simon na parang naalimpungatan. Lumingon ako saglit sa kanya at nakita kong tulog pa rin pero nakakunot na ang noo.

"Zach, buksan mo nga TV!" utos ni June.

Pagkabukas ng TV, parang ako lang ang nanonood dahil kani-kanya sila ng tawanan at 'di nila nakikita ang binabalita.

"Guys..." bulong ko.

Lalo pang lumakas ang tawa ni Dante at binuhat ang lupaypay na katawan ni wild man. Umarte pa siyang siya si wild man.

"Guys..." nilakasan ko nang kaunti ang boses ko at napalingon si June sa 'kin. Tinuro ko sa kanya ang TV, pero nakapako na ang tingin niya sa likuran ko.

Pagkalingon ko'y siyang sunggab ni Simon kay Dante sa leeg. Bumagal ang takbo ng sinasakyan naming bus. Tila alam ni Rey ang kaguluhang nangyayari rito sa loob.

"Continue driving!" sigaw ni Leo at hinanda ang dala niyang itak. Tatagain na sana niya si Simon nang bigla siyang sunggaban nito.

"E! June! Jump out of the window. Malapit na tayo sa gate, don't wait for us and don't open the gate. Tumalon na kayo sa gate. Balaan n'yo mga tao," Finn said before plunging his way towards Simon. While the rest of them tries to kill Dante na parang puputok na ang ugat sa leeg at ulo.

"J-June..." I cried. I don't wanna leave them here. Kung mamamatay sila rito, I'll gladly join them.

"E, look at me. We're gonna jump. Mauuna ako, then sumunod ka. Follow what Finn told us, okay? Come on," she said and jumped.

I wiped my tears and jumped, too.

Pagkalingon ko sa bus, inatras siya ni Rey, and it tore my heart apart when I saw him smiled at me, then Hunter bit his right shoulder.

He was like our father...

"E, come on! Ang dami nila!" sigaw ni June. Pagkalingon ko sa kabilang kalsada ay may kumpol ng mga duguang tao at parang kinakain nila ang isa't isa.

Tumakbo kami ni June at pagkarating namin sa gate, inakyat na lang namin.

"E, mauna ka na. Kakausapin ko lang 'yong gate keepers," sabi ni June at tumakbo na ako sa loob.

Hindi ganoon katibay ang gate kaya't alam naming mapapasok kami ng mga kumakain ng tao— para silang zombies, lalo na't nakikita kong patakbo na sila sa direksyon namin.

"Magtago kayong lahat! O tumakbo! May mga paparating! 'Wag n'yong hayaang makagat kayo!" ulit ulit kong sigaw hanggang sa makarating ako sa bahay kung saan kasama ko ang tita ko.

Sinabi ko agad sa kanya ang nangyari. Ni-secure namin agad ang gate ng bahay, pinto, at bintana. Huling silip ko sa bintana ay nakita ko si June na nanghahabol ng mga bata habang tumutulo ang dugo mula sa bibig niya.

Narinig naming kumalampag ang pinto sa likod. Hindi na kami nagdalawang isip ni Tita na pumunta sa kwarto at magtago sa cabinet. Alam naming hindi gaano kalakihan ang bahay at itong cabinet lang ang p'wede naming pagtaguan.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto sa likod.

"Tita..." iyak ko.

"Shh, magiging okay rin ang lahat. Kasama mo ako, Emerald," bulong ni Tita. Umiyak ako't yumakap lalo sa kanya lalo na nang marinig namin ang pabagsak na bukas ng pinto ng kwarto.

Kumalas ako ng yakap kay Tita nang biglang bumukas ang cabinet at iniluwa nito si June na nakangisi sa amin...














at mukhang handa kaming kainin.

———

Thank you at umabot kayo sa dulo. :)

[hindi ito na-proofread :D]

Run and Hide - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon