Pagdilat ko sa aking mga mata, medyo nahihilo pa ako at nalalabo pa yung mga nakikita ko.nasa'n ako?
unti unti naring lumilinaw yung mga nakikita ako, tiningnan ko yung buong paligid. nasa kwarto ako ngayon, ang simple lang yung buong kwarto pero ang sobrang gara.
ba't ako napunta dito?
pilit kong inaalala yung mga nangyari ang last na naalala ko nasa waiting shed ako at may sasakyan na huminto sa harapan ko at may lumabas na lalaking 'diko namumukhaan at nilagay niya yung panyo sa ilong ko at nawalan na ako ng malay.
shit! nakidnap ako, yawa.
kailangan ko nang umalis dito baka may masamang gawin ang lalaking 'yun.
aakmang aalis na sana ako ng napansin kong nakatali pala yung kamay at mga paa ko.
"tulong! tulong! tulungan niyo ko! " pasigaw sigaw ako baka sakaling may makarinig sa'kin at tulungan ako.
sigaw lang ako ng sigaw at parang mapapaos na ako pero wala paring nakakarinig sa'kin.
ngayon ko lang napansin nakakapagod palang sumigaw.
biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki na nakamaskara at may dalang pagkain.
"huwag mo nalang pagorin ang sarili mo. kahit magsumigaw kapa buong magdamag walang makakarinig sayo. " sabi niya at nilapag yung pagkain sa lamesa.
"sino kaba!? ba't mo ba ginagawa 'to!? please, nagmamakaawa ako pakawalan mo na ako" pagmamakaawa ko.
pilit kong inaalis yung mga kamay ko na nakatali pero 'di ko kaya.
"hmm, ba't ko 'to ginagawa?" sabi niya at nilagay niya yung hintuturo niya sa ulo niya at kunyari nag-iisip.
dahan dahan siyang lumapit sa gawi ko at inilapit niya yung labi niya sa tenga ko. "sabihin nalang natin na ito lang yung paraan ko para makuha kita" nararamdam ko ang init ng hininga niya.
"please, pakawalanan mo nalang ako. " 'di ko na pinansin 'yung mga sinasabi niya. ang gusto ko lang ay makatakas.
"kumain kana" sabi niya at tinanggal yung pagkatali sa mga kamay at paa ko " huwag mo naring isipin na tumakas at nasa isla tayo at tayo lang dalawa ang nandito " sabi niya at naglakad papunta sa pintuan at lumabas.
pagka-alis niya naghanap agad ako ng mga bagay bagay para pang depensa pag may ginawa siyang masama sa'kin pero sa kasamaang palad wala akong nakita. pumunta agad ako sa pintuan, shit! naka lock!
at tumungo ako sa mga bintana at tama nga ang sabi niya nasa isla nga kami may nakikita akong dagat.
"shit! " inis kong sabi.
'di ko alam kung ilang oras na ako nagmumukmok dito basta ang alam ko kanina pa ako nagmumokmok, 'di ko parin kinakain yung pagkain na dinala ng lalaking nakamaskara.
***
bumukas ulit yung pintuan at pumasok yung lalaking nakamaskara at may dalang pagkain.
kaya agad akong napatayo. sobrang kaba ng dibdib ko ngayon parang ano mang oras sasabog 'to.
" 'di ka pala kumain, sayang yung effort ko sa pagluluto nito " may halong paghihinayang yung boses niya.
"ayokong kumain. " matigas kong sabi.
nilapag niya yung pagkain niyang dala at lumapit sa'kin kaya napaatras ako.
"kakain ka o kakain ka? " palapit siya ng palapit sa'kin kaya ako todo atras.
at sa nasa pader na pala ako wala na akong maatrasan, shit! at lumapit siya sa'kin sobrang lapit.
"pag sinabi kong kakain ka, kakain ka" seryoso niyang pagkasabi.
"e, ayaw ko ngang kumain! " pagmamatigas ko.
"huwag mong hintayin na magalit ako kasi 'di mo yun magugustuhan! " may pagbabanta sa boses niya.
"pakawalanan mo nalang ako"
"ayoko. " sabi niya at tumalikod at naglakad at umupo katabi yung lamesa kung saan niya nilapag yung dala niyang pagkain.
"please, pakawalan mo nalang ako, pangako 'di ako magsusumbong sa mga pulis. hinahanap na ako ng mga magulang ko, please, pakawa-" 'di na natuloy sinasabi ko ng bigla nalang niyang suntukin yung lamesa at tumingin sa gawi ko.
"ayoko. " sabi niya at naglalakad na papuntang pintuan, kaya agad akong napatakbo baka mahabol ko pa siya pero huli na ang lahat kasi nalakabas na siya at sinirado yung pintuan, kaya napasandal nalang ako sa pintuan "please, pakawalan mo na ako! hinahanap na ako nang mga magulang ko! piste! kung sino kaman! magbabayad ka! " napahagulgol nalang ako sa pag-iyak.
nawawalan na ako ng pag-asang makatas sa pisting lugar na 'to.
biglang tumunog yung tiyan ko, shit! gutom na ako. agad akong tumayo at tumungo sa lamesa kung saan niya nilagay yung dala niyang pagkain at tumikim, shit, ba't ang sarap.
pagkatapos kong kumain naglakad ako papuntang kama at humiga "makakatakas din ako dito" pursigido kung sabi habang nakatutok sa kisame.
ilang oras din akong nakatutok sa kisame at dinadalaw na ako ng antok kaya pinikit ko na agad ang mga mata ko at natulog.
THIRD PERSON POVat 'di alam ng babae na may nanunuod pala sakanya isang lalaking nakamaskara habang nakangiti.
"goodnight, snowie" sabi niya at inalis ang maskara na suot suot niya "alam kung magugulat ka kapag nakita mo kung sino talaga ako. 'di pa ito ang tamang panahon para makilala mo'ko" tutok na tutok siya sa maliit na screen kung saan nandun yung babaeng mahimbing na natutulog.
" sweetdreams " huling sabi niya at ini-off na ang screen.

YOU ARE READING
Unexpected You
Short Storyimposible bang magustuhan mo yung taong nagkidnap sayo? gawin nating posible ang imposible. enjoy reading! ( short story )