Falling 9

56 4 0
                                    

Audina

I woke up 10:00 in the morning, finally, I get energized. These past few days, sobrang busy ko dahil nga sa paglalaunch ng clothing line ko. Dumating na din si tita Carly galing manila, she even congratulate me.

Pagkababa ko ay naabutan ko sila Ludwig na nasa sala, actually wala si Trevor at hindi ko alam kung bakit.

"Hi Audina, sama ka sa amin?" pagyaya ni Ludwig,

"Saan?" Takang tanong ko.

"Sa rancho nila Trev, you know, horseback riding, tinamad kasi si Trev na pumunta dito, andoon kasi si Naomi"paliwanag ni Ludwig

Napataas naman ang kilay ko,

"Sino naman itong Naomi? Girlfriend ni Trevor?"tanong ko,

"Nope, Naomi is our friend from manila, suki na kasi yun sa rancho nila Trev, dahil magkaibigan ang daddy ni Naomi at ni Trev"kwento ni Ludwig

"So sama ka na?" dagdag nya.

"Okay" I replied.

"Ng ganyan ang suot mo?"biglang sulpot ni Riguel.

Napatingin naman ako sa suot ko,

"Ano namang mali sa suot ko?"pagtataray ko

"Summer dress is not for horse back riding, madame" Riguel said in sarcastic tone.

Naningkit ang mata ko kay Ludwig na ngayon ay nagpipigil ng tawa, I rolled my eyes on them, sabay walk out.

Nagpalit ako ng isang pastel pink na polo, a high waist white jeans and a pair of brown ankle boots.

Tingnan natin kung magreklamo pa si Riguel,

Naabutan ko sila sa may labas,

"Hay, babae nga naman, tara na"sabi ni Ludwig

Two hours ang binyahe namin papuntang rancho, at two hours na din akong bwesit na bwesit sa dalawang lalaki na kasama ko, bakit pa ba ako sumama sa kanila?

Nang makarating kami sa rancho ay si Trevor agad ang sumalubong sa amin, kasama nya yung sinabi ni Ludwig na si Naomi. Well, she's beautiful, pero mas maganda ako.

Nilibot muna namin yung mismong rancho, ang daming kabayo, at ang gaganda nila.

"Do you know how to ride a horse?" Riguel asked.

"Nope, I've never done this before. Nakakatakot sumakay feeling ko ay mahuhulog ako" sagot ko

"I'll teach you" he offered.

"N-no need, I'm okay" nahihiyang sabi ko

"Let's go" sabi niya sabay hawak sa wrist ko, pinuntahan namin si Questra, yung kabayo nya.

"Audina, this is Questra and Questra, this is Audina" pagpapakilala nya habang hinihimas ang mukha ng kabayo.

"Try this, para hindi sya matakot sa iyo" sabi niya

Tinago ko kaagad ang mga kamay ko, sabay iling

He just smiled then he held my hands, pumunta siya sa likod ko, its like he's hugging me.

"Don't be afraid, huwag mo siyang biglain para hindi siya magalit sayo" mahinahong sabi nya,

Napatingin naman ako sa mukha nya na nasa balikat ko na, ito nanaman, I'm admiring his looks again.

Napailing na lang ako ng bigla niyang inalis ang mukha nya. Binuksan nya ang kwadra ni Questra.

*neighhhhhh*

"Oh my God, mukhang ayaw nya sa akin" sabi ko kay Riguel

"Siguro ay naalala ka nya, sinigawan mo kasi siya nang una kayo magkita" natatawang sabi ni Riguel

"So ayaw nya talaga sa akin?" Takang tanong ko

"Nope, hindi naman siya nagtatanim ng sama ng loob" natatawang sagot ni Riguel

"Riguel naman, kabayo iyan hindi tao, kung ayaw sa akin ng kabayo na yan, edi thank you na lang, hindi rin naman ako marunong sumakay e" may bahid ng tampo kong sabi, aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang wrist ko,

"Where are you going, I said I'll teach you. Tara" sabi niya

Hinila nya palabas si Questra,

"Here,sit upright in the saddle with your legs flat against the horse."explain ni Riguel,

"W-wait, you'll catch me, right?"nag-aalangang sabi ko

"I'll catch you" sabi niya sabay tango.

"Now, keep a straight line extending from your ear to your heel, gripping the reins only as firmly as you need to, okay?" explain nya ulit.

Pinilit kong gawin yung sinasabi nya pero biglang lumikot si Questra,

*neighhhh*

Nahulog ako sa pagkasakay ko kay Questra,

Napahinga ako kay Riguel, nakatukod ang kamay ko sa balikat nya,

Napahinga ako kay Riguel, nakatukod ang kamay ko sa balikat nya,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang lapit namin, sobrang lapit. My heart beats so fast, akala mo ay hinahabol. I can smell his minty scent.

Nang makita kong may paparating ay tumayo na agad ako. Ang akward naman non.

"Riguel, kanina pa kita hinahanap" si Naomi,

Nauna na ng lumakad si Naomi pero nandito pa rin ako sa kinalalagyan ko,

"I told you, I'll catch you" bulong ni Riguel,

Nanlaki yung mata ko, he just smirked at me tapos ay sumunod na kay Naomi. Sumunod na rin ako.

"Hey guys, meryenda muna kayo nagluto si Ludwig"pagyayaya ni Trevor,

Nilapag ni Ludwig yung chocolate muffins sa table. Katapat ko ng upuan si Riguel, nasa kanan ko naman si Ludwig at nasa kaliwa si Trevor, katabi naman ni Naomi si Riguel.

"Marunong ka mag-bake?"tanong ko kay Ludwig

"Yeah, my mom taught me when I was ten"simple nyang sagot.

"Gusto mo Riguel?"tanong ni Naomi habang may hawak na muffin

"Nina, Nina ako gusto ko" parang batang sabi ni Trevor

"Nickname nya yon" bulong ni Ludwig sa akin

Napa-nod na lang ako sa kanya pero na kay Riguel pa rin ang tingin ko.

"Kumuha ka na lang Trev"natatawang sabi ni Naomi

Nakakairita naman.

Kumuha na lang ako ng orange juice, saka ininom yun ng straight.

"Hindi ka naman uhaw nyan?"natatawang asar ni Trevor

I just rolled my eyes on him.

"Gusto ko ng umuwi"sabi ko

Hindi man lang ako pinansin ni Riguel, at todo kapit pa sa braso nya si Naomi.

Ghad, I need a goddamn shotgun.

Riguel Santillan : Fall For Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon