Falling 5

83 3 0
                                    

Audina

Kinahapunan na ako nagising, 2:30 to be exact. Thank God at nawala ang sakit ng ulo ko. I decided to go downstairs, balak kong hanapin si Tita Carly, I need to go shopping for my jewelry and stuff dahil tumawag sa akin si Alexa, magpapadala daw ang company namin photographer para sa photoshoot ng mga damit na nagawa ko, actually nasa Paris pa lang ako ay tapos ko na ang mga iyon sadyang pang-tropical ang theme kaya sinadya kong umuwi sa Pilipinas. Ako na rin ang magiging model ng mga gawa ko, I'm beautiful so why can't I?

Pero bago ko hanapin si Tita Carly ay kumain muna ako ng lunch na na skip ko dahil nga natulog ako ng pagkahaba-haba.

Napag-alaman ko kahapon na sa pamilya pala ni Ludwig ang private beach Resort na pinuntahan namin ni Riguel, siguro ay doon na lang ang isusuggest kong venue para sa photoshoot namin.

It's one week from now kaya kailangan kong mag-handa and speaking of Riguel, huwag nya lang akong inisin this week dahil malilintikan talaga siya sa akin.

Nakita ko si Tita Carly na nagdidilig ng mga halaman, umupo ako sa may upuan na malapit sa sliding door, hindi nya ako agad napansin siguro dahil sobrang busy nya,

"Ahm, Tita Carls?"pagtawag ko sa kanya,

Napalingon naman siya sa akin, medyo nagulat pa nga siya pero ngumiti rin agad.

"Yes darling? May kailangan ka?"she asked.

"Tita, Can I go to shopping? I'll have my photoshoot kasi one week from now so I need to, you know"paglalambing ko

Sana naman ay gumana, para kasing si Mommy ito e, parehong-pareho sa pagiging over protective, no wonder kung bakit bestfriend sila, namiss ko tuloy si Mom.

"Oh, okay, isama mo si Riguel para naman may kasama ka, lagi na lang kasi kabayo ang kasama nya" she giggled.

I am about to roll my eyes ng banggitin nya ang pangalan ni Riguel pero pinagalitan ko ang sarili ko bago ko pa iyon magawa,

"Mom, kaya na niyang mag-isa, malaki na yan, huwang mo ng i-baby"biglang sabat ni Riguel na biglaang sumulpot dito sa may garden,

Hindi ko na talaga pinigilan ang sarili ko, I rolled my eyes on him,

"Bakit ipinagpaalam ko ba na sumama ka? Hindi naman di ba? At bakit mo ba ako iniinis?" sunod-sunod na tanong ko, he always getting into my nerves and I hate him!

He just tsk-ed as an answer. Si Tita Carly naman ay napagbungisngis.

"Hay nako, ang cute nyo tingnan para akong teenager na kinikilig sa inyo, kung ako sa inyo magiging mabait ako, di ba nga sabi nila, 'the more you hate, the more you love'." Then she laughed.

"No way!"we said in unison.

Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking walang ginawa kundi ang inisin ako, maaga akong magkaka-wrinkles ng dahil sa kanya, I'm only 27 for pete's sake!

"Kung hindi mo sasamahan si Audina, Riguel, ay ibebenta ko si Questra kay Trevor"Banta ni Tita Carly

"Fine! You want me to be her babysitter, don't you?"reklamo ni Riguel, he crossed his arms then look at me.

Tinaasan ko naman siya ng kilay,

"Let's go bago pa magdilim ang paningin ko"sarcastic kong sabi.

Tumayo na ko at sumunod naman siya,

"I'll get ready, hintayin mo na lang ako"sabi ko at akmang aakyat na,

"Bilisan mo, ayokong nag-aantay"he said in serious tone.

"Oh, talaga?" I said in sarcastic tone.

Umakyat na lang ako at nagbihis na. I'm wearing a yellow flowy dress and a pair of beige sandals. Nagdala rin ako ng isang vintage theme na shoulder bag.

Pagbaba ko ay wala siya sa sala siguro ay nasa labas na, paglabas ko ay nakita ko siya na nakasandal sa itim nyang kotse, he's wearing a white shirt and knee-length shorts. I have to admit, gwapo siyang tingnan sa damit nya.

"Hey" bati ko, he didn't reply, he just open the car, sumakay na agad ako.

Actually ay hindi ako sanay na hindi nya ako inaasar pero mas okay na rin yon siguro, tahimik lang kaming nakarating sa Mall.

Pumasok kami roon at agad akong naglibot at naghanap ng jewerly shop. Pagtapak namin sa second floor ng mall ay doon ko nakita ang shop na hinahanap ko, pumasok na ako agad doon at naghanap ng magandang alahas na maimamatch ko sa mga clothing line na ginawa ko,

Habang namimili ako ay napansin ko ang panay tingin ng isang babae sa kanya, bigla itong lumapit kay Riguel kaya doon nalipat ang atensyon ko,

"Hey, is that you Riguel?"tanong ng babae while playing her hair,

"Ahm, I don't think I know you, miss?"may pag-aalinlangan na sagot ni Riguel sa babae,

Sino naman kaya itong babaitang to? I don't why pero naiinis ako sa kanya, you know the feeling of annoy at first sight? Ganon ang nararamdaman ko sa babaeng kausap ngayon ni Riguel.

"Ako 'to si Thalia, I am your girlfriend two years ago, remember now? Ang bilis mo naman yatang makalimot? Porket ba ex-girlfriend mo ako?"tanong nito sabay hampas sa braso ni Riguel,

Aba! Bakit may paghamapas?

"Oh, Thalia, hindi kita agad na kilala you didn't look the same"sagot ni Riguel

She just chuckled.

And I just rolled my eyes.

"Oh, by the way bakit ka nandito? May kasama ka ba?" Tanong nung Thalia

As if on cue, Riguel grab my waist.

"Yes, this is Audina my fiancé." He faced me then he smirked.

What the heck ?!

Riguel Santillan : Fall For Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon