Kumatok muna ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto nila mommy at agad na pumasok dito.
Naabutan ko naman si mommy na nakaupo sa vanity table niya at nagsskin care. Napansin ko namang wala si daddy. "Hey mom." I kissed her cheek. "Where's dad?"
"May emergency meeting sa New York kaya ayon pagkaalis niyo kanina ay umalis siya baka 2 to 3 days raw siyang mag sstay doon."
Umupo naman ako sa gilid ng kama at umupo rin si mama sa tabi ko. "Kamusta ang lakad niyo ni Wade, nak? Masaya ba?"
"Opo ma, sobra. Hindi ko po akalaing dadalhin niya ko sa tagaytay, sobrang saya saka ang sarap sa pakiramdam. Sabay naming pinanood yung sunset tapos pinakanta ko siya sa may live band doon sa Diner's sa Tagaytay. Alam mo ma, ang ganda ganda ng boses niya sobra! Tapos pinahiram niya pa ko ng hoodie kahit na malamig at maginaw okay lang raw sakaniya kasi alam niyang weak ung puso ko at baka di ko kayanin ang lamig." Natawa naman si mama kaya napahinti ako sa pagkwento "Bakit ka po tumatawa mama?"
Tumigil naman siya at hinawi ang buhok ko na medyo basa pa. "Wala lang anak, natutuwa lang ako kasi dalaga ka na talaga. Hindi mo man maamin sakaniya o sakin pero nakikita ko sa mata mong in love ka na sakaniya."
Napatahimik naman ako at nagpatuloy si mama sa pagsasalita. "Masaya ako anak na may minamahal ka na, pero you should know your limits. Huwag mong ibibigay lahat kasi baka pag dating sa huli ikaw rin ang talo. Lalo na kung hindi niya pa kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo." Tinamaan naman ako doon.
"Anak kahit hindi mo aminin sakin alam ko at nakikita kong masaya ka kapag andyan si Wade, napagdaanan ko rin yan noon nung nililigawan pa lang ako ng daddy mo. Pero anak tandaan mo, iglesia ni cristo tayo at hindi ppwede kung hindi niya kayang magpa convert. Nung sinabi ko dati sa daddy mo na iiwan ko siya kung hindi siya magpapaconvert, dali dali siyang umanib sa INC hindi lang para sakin kundi para narin maglingkod sa diyos."
Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi ni mama dahil alam kong kailangan ko rin to ngayon. "Alam niya ba na INC ka anak?" Tanong ni mama at tumango naman ako.
"Anong sabi niya?"
"Hindi ko po alam, hindi naman po siya nanliligaw eh saka palihim ko lang po siyang minamahal. Pero napag usapan po namin dati na hindi niya rin kayang magpa convert gaya ko." Malungkot na sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Anak, marami akong kaibigan sa kapilya. Pwede kitang i-reto—"
"Ma, ayoko po. Si Wade lang po ang gusto ko saka huwag po kayong mag alala dahil alam ko naman ang limits ko alam ko rin po na bawal kami at hindi talaga pwede."
"Pero ikaw naman ang masasaktan?" Aniya at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "Alam ko namang malaki ka na at may sarili ka ng isip para dyan, pero isipin mo rin na may halaga ka at hindi mo deserve ang ganito na ikaw lang yung nagmamahal habang siya ay wala naman palang nararamdaman sayo." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.
"Ano po bang dapat kong gawin ma?"
"Pakawalan mo na yung nararamdaman mo para sakaniya 'nak. Yun lang ang tangi kong masasabi hangga't maaga pa. Tandaan mo mas mahirap bumitaw kapag hulog na hulog ka na. Mahirap nang bumangon."
Ilang minuto na rin ang lumipas ng matapos ang usapan namin ni mama. Iniisip ko pa rin kung ano bang dapat kong gawin.
Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko kaya agad akong napalingon dito.
From: my handsome bff <3
hey, still awake? i saw your tweet, bakit ka umiyak? care to share your problems?"Paano ko papakawalan yung damdamin ko sayo kung ganyan ka ka-sweet at ka-caring sa'kin?" Bulong ko at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
When In New York
Teen FictionWade, a senior high student from well-known University who once a womanizer and a player but when Catheryn came everything had change.