Kabanata 1

53 3 0
                                    

Napabalikwas ako mula sa aking hinihigaan. Habol ang hininga. Napahawak ako sa'king pisngi nang naramdaman kong pumatak ang luha ko galing sa'king mga mata.

Nagulat ako dahil basang basa na pala yung buong pisngi ko. Sa palagay ko'y masama nanaman yung napanaginipan ko kaya ganito.

Napatingin ako sa bukas na pinto ng balcony. Maulan sa labas at medyo mahangin.

Pinalis kong muli ang luhang pumatak sa aking pisngi. Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng balabal. Itinalukbong ko iyon sa aking ulo hanggang sa aking balikat.

Habang naglalakad ako papunta sa balcony, pilit kong inaalala kung ano nga ba yung panaginip ko. Pero kahit anong pilit ko wala talaga akong matandaan.

Sinalubong ako ng nakakaadik na amoy ng ulan at ng malamig nitong hangin. Dahilan para hanginin ang buhok ko.

Sinahod ko ang aking kaliwang kamay para maramdaman ang bawat patak ng ulan. Pumikit ako para muling alalahanin kung ano ba talaga yung panaginip ko kanina.

"I know that someday, you'll meet your divine love"

Napahawak ako sa sintido at marahang minasahe 'yon.

I guess, wala naman sigurong ibig sabihin yung panaginip na 'yon. Pero bakit, kahit hindi ko maalala bakit parang ang sakit sa pakiramdam. Parang alam ko yung pangyayari pero hindi ko maipaliwanag.

I went downstairs para kumuha ng tubig sa kusina namin. Nakaka tatlong baso nako ng tubig pero hindi ko alam kung bakit ganito parin yung pakiramdam ko. Palagi akong nananaginip and I always ended up crying.

Hanggang sa panaginip ba lagi nalang akong sinasaktan?

"Gusto ko nang makalimutan yung nakaraan pero bakit paulit-ulit nalang pinapaalala sakin yung sakit ng nakaraan?" I said to myself while massaging my temple.

Tuwing inaalala ko yung itsura nung lalaki sa panaginip ko, hindi ko talaga maalala. At alam ko ring hindi siya 'yon. Hindi maaring maging siya 'yon. Dahil kabisado ko ang pigura ng katawan niya. Nakatalikod man o nakaharap.

Napatingin ako sa wall clock dito sa kitchen and surprisingly it's 4:30 in the morning palang. Kung kailan bakasyon tsaka naman ako kusang nagigising ng maaga, ayos.

Napagdesisyonan ko nang bumalik na sa kwarto ko para matulog ulit. Ibinagsak ko ang sarili sa malambot at malaking kama. Nang ipikit ko ang aking mga mata. Hindi ko maiwasang maiyak. Lahat ng sakit na naipon dito sa puso ko ngayon kumikirot.

I tried all my best para makatulog ulit. But apparently, I can't. So I decided na mag jog nalang muna dito sa village namin. Luckily tumila na yung ulan.

Pumasok ako sa bathroom para maligo lang saglit. Inilubog ko ang katawan ko sa bathtub. Hindi ko maiwasang maisip nanamang muli yung lalaki 'don sa panaginip ko. I don't even know if he was existing in this world.

I just wore my black leggings partnered by a pastel blue sweatshirt. I tip toe while going downstairs. Baka magising si mama eh.

Matapos kong isara ang aming gate, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.

I put my airpods on and played some of my favorite songs. It's so relaxing, napakatahimik ng paligid at ang fresh ng hangin yung tipong hindi mo muna maiisip yung mga problema mo sa buhay. Sana ganito nalang palagi.

I jog for almost 20 minutes so I decided to buy coffee muna. Huminto ako sa isang convenience store dito sa loob ng village namin.

I pulled the glass door. Pumunta ako sa coffee machine para kumuha ng kape. I also bought cup noodles because I'm so hungry. I haven't eaten my breakfast yet.

Divine LoveWhere stories live. Discover now