Ang hirap pala no? Ang hirap mahalin ng taong sa una palang, alam mo na na hindi mo na dapat siya minahal. Kasi alam mo sa una palang, mali na.
"Ano? Kumpleto na ba yung requirements mo para sa application mo?" Masayang tanong ko sa kaniya. Masaya ako dahil nagsisimula na ang pagtupad ng mga pangarap niya, ng mga pangarap namin.
"Oo. May hinihintay nalang ako na email." Bagkus kinakabahan, ay nanatili pa rin sa kanya ang pagkasabik. Alam kong matagal na niyang hinintay 'to dahil sa una palang nakaplano na 'to sa utak niya.
"Congrats." Nginitian ko siya. Pero hindi ko alam kung makikita niya ba ang lungkot sa likod ng mga ngiti kong 'yun. Masaya ako para sa kanya. Pero malungkot ako para sa sarili ko.
Masaya kaming nagdiwang nung natanggap na niya ang isang email na nagsasabing natanggap siya sa eskwelahang inapplyan niya. Pinagdiwang namin yun kasama ang isang gallon ng ice cream habang nakaupo kami sa tuktuk ng bahay nila, habang nakatitig lang sa mga bituin.
"May gusto akong aminin sa'yo." Bumuntong ako. May gusto akong aminin sa kaniya, pero ayokong sabihin. Magulo. Gusto kong aminin, pero natatakot ako.
"Ano yun?" Kuryusong tanong niya. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at doon ako nagtanong.
'Aaminin ko ba?' Bulong ko sa isip ko. Hindi ganon kadali aminin ang mga bagay bagay lalo na't alam mong marami ang nakataya kapag nilabas mo kung ano man ang nasa isip mo.
"Hindi na Fine arts ang kukuhain ko." Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang umamin sa kaniya.
"Ha? 'Di ba pangarap mo na course yun? Bakit? Ano na palang kukuhain mo?"
"Mahal daw yun e. Hindi afford nila papa." Gusto kong umiyak, hindi dahil sa mga bagay na sinasabi ko sa kaniya ngayon, kundi dahil sa mga bagay na hindi ko masabi sa kaniya.
"Paano na yan?" Nag-aalalang tanong niya.
"Okay lang yun. May mga bagay na hindi dapat pinipilit. Kung hindi man mangyari ang gusto ko, okay lang yun. Madami namang ibang paraan." Dahil wala akong lakas ng loob para magsalita. Dahil pinanghihinaan ako sa mga dahilan na nakakapit sa mga salitang yun.
"Uy. Ipagdasal mo nalang ako, ha!" At dumating na nga yung araw na kailangan niya nang umalis. At kailangan ko na ring tanggapin ang katotohan.
"Ingat ka ha! Pagbutihin mo pag-aaral mo!" Ginulo niya ang buhok ko. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti kahit pilit na pumupunit ang luha sa mga mata ko. Niyakap ko siya. Isang mahigpit na yakap bago siya umalis.
"Tama na yan. Father, halika na!"
"Future palang. Wag niyong batiin, baka hindi matuloy."
"Bye!" Isang beses pa akong kumaway bago tuluyan nang nawala sa mga mata ko ang van na sinakyan niya paalis. At kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.
He was never meant for me, he is always meant for God. At sa una palang, malinaw na 'yun sa akin. Kaya siguro hindi ako makakuha ng lakas para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. As if namang mapipigilan siya ng mga salitang 'yun. Pero ayoko nalang siyang guluhin.
Ang sabi nila, ang pag-ibig daw ay parang sugal. Hindi madaling magsugal, pero dahil nga sa gusto mong manalo, susugal at susugal ka pa rin. Pero sa sitwasyon namin, hindi na ako magtatangka pang sumugal dahil ang gusto ko lang naman ay ang manalo siya. At matupad niya ang mga pangarap niya.
"Mahal kita." At mananatiling na lamang na isang lihim ang salitang yun.
YOU ARE READING
Unsaid (One Shot Story)
Historia CortaAng sabi nila, ang pag-ibig daw ay parang sugal. Hindi madaling magsugal, pero dahil nga sa gusto mong manalo, susugal at susugal ka pa rin. Pero sa sitwasyon namin, hindi na ako magtatangka pang sumugal dahil ang gusto ko lang naman ay ang manalo s...