Chapter 9

14 9 0
                                    

SAWI ang mukha kong pumasok sa bahay at nakita si mom at si CJ sa sala na naguusap at agad silang napalingon nang pumasok ako.



Mas nagkunot ang noo ko nang makita si CJ na malaki ang ngiti.



"Saan ka galing?", tanong nito sabay tayo at lumapit sa'kin.



"Wala kang karapatan na tanungin ang bagay na 'yan sa'kin dahil una sa lahat hindi kita girlfriend", galit ang tono ng pananalita ko at panabog na umakyat ng kwarto.



Dahil din naman sa'kin kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to e.



Kung hindi ako pumayag na tulungan si dad para sa pesteng kompaniya na 'yan hindi ko kailangan makipag-relasyon sa babaeng 'yan.



Napa-igtad naman ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko at hinintay ko kang itong magsalita bago ito tuluyang pagbuksan.



"Sage, pwede ba tayong mag-usap?", tanong ng babaeng alam ko kung kanino ang boses. Pinagbuksan ko naman ito at agad din na tumalikod para umupo sa kama.



"Hindi ko alam na may girlfriend ka pala, hindi ko naman intensyon na saktan siya pati ikaw", nakatungo nitong wika nang makaupo ito sa katapat na sofa.



"Keep talking and stop wasting my time", sabi rito at mariin itong tiningnan.



"Pwede naman nating baguhin ang deal. Ipagpapatuloy niyo yung relasyon niyo pero sa'kin ka sasama", ika nito at napatingin naman ako dito saka agad na napangisi.



"You freakin' serious? Sa tingin mo after ng mga sinabi mo sa harapan niya na kesyo girlfriend kita papayag pa 'yun? Isa pa wala na kami dahil sa kagagawan mo, kaya kung ako sa'yo umalis ka na sa harap ko dahil baka makalimutan kong babae ka at ano pa ang magawa ko sa'yo", singhal ko dito at agad naman itong tumayo.



"I was just trying to help to fix your relationship", ika nito. Nagtaas ang kilay ko saka nagbuntong-hininga at tinuro ang direksyon ng pinto para umalis ito.



Tanga ba siya? Itutuloy namin yung relasyon namin, wala nga kaming nasimulan dahil sa kanya.



"Sage, kung talagang ako ang mahal mo iiwan mo si CJ", hagulgol ni Phoebe habang patuloy ang paghampas ng ulan sa mukha naming dalawa.



"Gagawin ko, para sa'yo Phoebe. Ikaw lang ang mahal ko", ika ko at bigla nalang itong naglaho, hindi ko alam kung wala na ba talaga siya o hindi ko kang siya makita sa lakas ng ulan.



Napa-igtad nalang ako at dahan-dahang iminulat ang mata ko dahil sa pagsigaw ng matanda habang binubuksan ang bintana sa kwarto.



"Gumising kana, kumain at maligo dahil ilang oras nalang late ka na, hinihintay ka na din ng girlfriend mo sa baba", ika nito habang patuloy na hinahawi ang kurtina.



Nanlaki ang mata sa sinabi nitong girlfriend ko lalo na at napanaginipan ko si Phoebe, nagkabalikan na ba kami?



Puta walang kami! Baka naman kami na.



Dali-dali akong bumaba ng hagdan na may suot na ngiti habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Phoebe, ngunit agad na napangiwi nang makitang si CJ ang naghihintay sa'kin kaya bumalik nalang ako sa kwarto at nag-ayos na.



"Grabe yung pag-iba ng ekspresyon mo kanina nung nakita mo ako ha. Panget ba ako ngayon? Todo paganda pa naman ako", napa-krus naman ito ng braso kasabay ang pag-nguso ng labi, napangisi naman ako sa ginawa nito at marahan na napalingon sa dalaga.



"Kahit ano pang gawin mong ayos mo hindi ka gaganda, kasi ampanget mo", saad ko at agad itong napabalikwas at lumingon sa'kin at nagtaas my kilay.



"Wow ha! Nahiya ako sa pagji-gym mo, hindi naman lumaki katawan mo", napangisi nalang ako sa sinabi nito at napalingon din sa gawi nito.



"Gusto mong makita kung anong lumaki?", tanong ko dito na ikinalaki my mata nito at agad na nagiwas tingin.



"Bastos ka talaga! Manyak!", ika nito at saka humagalpak sa tawa kaming dalawa.



Hanggang sa makarating kami sa unibersidad. Una ko namajg nakita si Phoebe na pilit na umiiwas kina Irene at sa iba pa naming madalas kasama, dahil din siguro sa nangyari kahapon.



Hindi naman na din madikit sa'kin si CJ dahil nakahanap agad ng squad something niya dito, hindi katulad kahapon na daig pa ang linta kung maka-kapit sa'kin.



"Sabihin mo kaya yung totoo sa kanya, Sage. Mahal mo naman siya diba?", saad ng katabi kong si CJ at agad naman akong tumingin dito.



"Do you really think na hindi ko ginawa 'yun? I tried to tell her the truth but still she doesn't really believe with the words coming out of my mouth", napatango-tango nalang ito habang patuloy na tinitingnan si Phoebe kaya gano'n din ang ginawa ko.



"She seems so really mad about what happened. I really am sorry ", ika nito at naglakad nalang ako palayo at sumunod naman ang babae.



"Ano ka ba tumingin sa'yo si Phoebe", tapik nito sa balikat ko at mariin ko itong tiningnan.



"Anong gusto mo, kiligin pwet ko?", ika ko dito at umirap saka patuloy sa paglalakad napabuntong-hininga nalang ito sa sinabi at hindi na muling nagsalita habang sinasabayan ako sa paglalakad hanggang sa makaupo kami sa usual spot ng barkada kung tawagin.



Napabuntong-hininga nalang ako nang makaupo kami pareho ni CJ na para bang napaka-laki ng pasan ko sa likod at bigat na bigat ako.



"Yuck! Ang baho!", ika ng kasama ko at napa-hagikgik naman ito. I tuts as I looked away and saw Irene and Ali with Phoebe walking towards us.



Bati na sila? Siguro naman kasi nga magkasama sila. Nasa likod ng tatlo ang mga kutong-lupa.



Nang makarating sila sa'min ay agad kong nakita si Phoebe na napatingin kay CJ at napatingin din sa'kin saka ibinaling ang atensyon sa dumadaldal na si Vaughn.



"Kung nakita niyo lang yung itsura ni Mr. Hernandez kahapon habang pinapagalitan kami sa may science lab sasabog talaga tawa niyo", ika nito habang ang iba ay nakikinig dito.



"Pa'nong sabog?", sarkastikong tanong ni Maximus dito na seryoso ang mukha.



"Ganito", ika naman nito habang ginagaya ang mukha ni Mr. Hernandez na parang nata-tae ang itsura saka naman kami nagtawanan.



"Pa'no ulit pa'no?", ulit na tanong ni Lance dito at ginawa niya naman ulit ang mukha, napahagalpak nalang kaming lahat sa tawa dahil sobrang uto-uto ni Vaughn.



Napatingin naman ako sa gawi ni Phoebe na seryoso ang mukha sa gitna ng pagtatawanan namin siya lang ang natatanging seryoso ang reaksyon sa ginawa ni Vaughn kaya naman agad na natanggal ang ngiti sa labi ko nang makita ko 'yon.



Lumingon ito pabalik sa'kin at nagtaas ng kilay saka umirap at tumingin nalang ulit sa gawi ng mga kasama namin.



Lumapit naman si CJ sa'kin at saka bumulong sa tenga ko.



"Sungit pala ng syota mo eh, hirap kalaban baka mamaya mangain nalang 'yan", ika nito at mariin ko naman itong tiningnan, nag-iwas tingin nalang ang babae.



I sighed as I massaged the bridge of my nose and looked at Phoebe again.



Parang bigla akong na-stress sa mga nangyayari.

The Just Right Night (Prisoner of Love Series #2) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon