Chapter 23

32 8 0
                                    

Read at your own risk.



Habang naghihintay kay Sage na dumating para sunduin ako ay nakatitig lang ako sa sarili kong repleksyon at sa kwintas na bigay niya sa'kin.



Sa pagmumuni-muni ko ay agad namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si Ate Hirel na ani mo'y dumating ang manliligaw nito sa sobrang laki ng ngiti na suot niya.



"Nandyan na si Mr. Weirdo, bumaba ka na dali", anito at agad akong iginiya palabas ng kwarto.



Nang makababa kami ay nakita ko naman si Sage na nakaupo sa couch at nasa harap nito si dad na parang seryosong nag-uusap. Agad ko namang nilapitan si Sage dahil baka ano pang magawa sa kanya ni dad.



Iginiya ko naman si Sage palabas ng bahay saka kumaway kina dad na nasa pintuan saka pumasok na sa kotse.



"Iwas na iwas, girl?", anito saka pinaandar ang sasakyan.



"Pasalamat ka nga hindi kita hinayaan na ma-intimidate ni dad e", ika ko saka ito inirapan at napahawak nalang sa sentido ko.



Bahagya naman itong humagikgik at nagpatuloy na sa pagmamaneho.



Nang makarating kami sa event ay bumati naman ang ibang nandito lalo na kay Sage dahil siya nga ang school president.



"Sage! Hi, baby. Who is she?", sambit ng isang babae kay Sage saka ito bumeso. Napalingon naman si Sage sa'kin habang ako naman ay agad na umiwas ng tingin.



"She's Phoebe, my-"



"She's a friend of yours, I knew it already. Come with me, I'll show you something", anito saka iginiya si Sage palayo sa'kin.



Bigla namang may humila sa'kin at iniupo ako sa tabi nila, nang makita ko ang mga ito ay ang mga barkada ko lang pala.



"Sino yung girl na kasama ni Sage?", tanong ko sa mga ito. Hinanap naman agad nila si Sage saka ito mga nagtinginan sa isa't isa.



Hinaplos naman sa likod ko si Maxine na katabi ko at agad itong ngumiti. Ano nanaman kaya ang malalaman ko ngayong gabi.



"Sorry about this, Phoebe, pero kasi ano e", anito na parang nagaalinlangang sabihin ang nalalaman nito.



"Ano? Is there something that I need to know about them?", taas kilay kong tanong ulit sa kanya.



"Yun na nga, you really need to know", saad nito at ako naman ay nagbuntong-hininga at pinipigilan ang galit sa nararamdaman ko.



"So, who is she? Anong ganap niya sa buhay ni Sage?", may bahid ng inis kong tanong sa babaeng katabi ko at napatingin din maging sa mga kasama ko.



"She's Aleia Isidro. Sage's girlfriend, they're together for almost a year now", saad nito na ikinagulat ko at natigilan ang mga kasama namin.



Aleia, Sage's girlfriend. Seryoso ba? Anong point ng panliligaw niya sa'kin kung meron na palang nauna? Tapos anong sasabihin niya 'pag kinompronta ko siya about dito? Sorry? 'Yun lang? Sorry lang? Tapos bibilugin niya ulit ang ulo ko para makuha niya ulit ang damdamin ko.



Habang ako hindi ako pwedeng magreklemo kasi nauna siya pero ngayon naman alam kong meron na akong karapatan dahil bakit siya nagbigay ng motibo kung meron na pala? Niligawan niya ba ako para kapag iniwan siya ng babaeng 'yon may reserba siya, gano'n ba? Putcha naman hindi naman ako nandito para maging fall back lang.



The Just Right Night (Prisoner of Love Series #2) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon