Isa. Isang upuan ang pagitan natin sa unang araw ng klase.
Ika'y aking kinausap, tinanong kung ano ang iyon pangalan at kung saan ka nanggaling.
Sagot mo saki'y, galing ka sa ibang probinsya na may nagpapaaral lang sayo dito.Dalawa. Dalawang taon tayong naging magkaibigan.
Ngunit nitong huli ay nalaman ko na may hinanakit ka pala sa amin dahil sa pakiramdam mo di tunay ang ating pagkakaibigan. Minsan iniisip ko kung tunay nga ba talaga akong naging kaibigan sayo o hindi.Tatlo. Tatlong linggo mo akong iniiwasan.
Buhat ng ang pagtingin ko sayo'y malaman.
Puso ko ay nadurog , nasaktan.
Pagkakamali ba o nararapat lamang?Apat. Apat na kaibigan ang aking nilapitan.
Para aking isip ay malinawan.
Kung tunay ba ang aking nararamdaman.
O ilusyon lamang.Lima. Limang beses ka nagpaturo sakin.
Limang beses ko rin pinigil ang nararamdaman.
Na ikaw nga ay mahal ko na talaga.
BINABASA MO ANG
Unsent
RandomThis is a book of unsent poems and messages to someone special. What will happen if that someone will be able to read this?