01: It Doesn't Make Sense

9 0 0
                                    

S E L E N E

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang may kung anong malambot ang tumama sa mukha ko.

What the heck? Ang aga-aga eh!

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at awtomatiko akong napasigaw nang makakita ako ng mukha ng kung sino!

"Ahh! Sino ka?!" napapabalikwas kong tanong. Medyo sumakit pa ang kamay ko dahil sa nakakabit na dextrous doon.

Agad na lumayo ang babae at doon lamang ako nakakuha ng malinaw na tingin sa paligid.

Hospital. Nasa Hospital ako. Ah! Tama, naaksidente ako!

"OA maka react Celine? Kina-career mo na ba talaga ang pagiging die hard fan ng isang Selene Frenier, kaya marunong ka na um-acting ngayon?" aniya.

Naguluhan naman ako. Celine? And, die hard fan ng sarili ko? Acting?

"What the hell are you talking about? Who's that Celine girl? I'm the 'Selene Frenier' you're talking about. Who in the hell even are you?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya, habang naka-awang ang bunganga niya.

"Ikaw na bata ka! Hell-hell pinagsasabi mo ha?! Ang lakas ng loob mong ganiyanin ang ate mo walangya ka!" sabi niya habang sinusugod ako para pitikin ang labi ko.

"Tsk! Get off! Argh, ano ba?! Stop it!" usal ko habang umiiwas at tinutulak siya palayo.

Umayos naman siya ng tayo at inayos ang buhok niyang sabog-sabog sa pagtulak ko.

"Naalog ba ang utak mo kaya hindi mo makilala ang ate mo, Celine? Even yourself, hindi mo na kilala? Ganiyan ba ang epekto ng pagkatanga at mahulog sa hagdan?" sabi niya habang nakapamewang at nakataas pa ang isang kilay.

Argh! Ano bang nangyayari?! Don't tell me nasa katawan ako ng ibang tao ngayon, at kailangan ko mamuhay bilang siya habang-buhay?! 'Coz, that doesn't even make sense!

"Nahulog sa hagdan? Hindi ba't nadali ako sa isang car accident after that Award's Night?! Atsaka, ako nga 'to si Selene Frenier! At wala akong ate! Only child ako."

Naguguluhan na talaga ako. As in! Parang sasabog na 'tong utak ko sa pakikipagusap lang sa babae na 'to, who keeps on insisting that she's my sister.

"Ha!" she scoffed. "Don't tell me, ikaw talaga si Selene na nasangkot sa isang aksidente. At nasa katawan ka ng kapatid ko ngayon? Ano ka? Nasa wattpad-webtoon? Aish. Kutusan kita diyan eh! Hindi mo na ako madadale sa mga prank mo, urur!" mahaba niyang litana.

Wait. That sound's familiar-

"Celine?!"

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at pagtambad ng dalawang-kung sisipatin ay mag-asawa-na ngayo'y tumatakbo sa direksyon ko.

"W-waaah!"

"Ayos ka lang ba, Celine anak? Kamusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba o ano?" tanong ng Ginang.

"Ano anak? Magsalita ka! May masakit ba sa'yo? Nabalian ka ba ng buto? Kailangan na ba namin tumawag ng Orthopedic? Magsabi ka lang anak." nag-aalala ring tanong ng hula ko ay asawa ng Ginang.

Shiya. Wala nga ako sa katawan ko! K-kasi-these parents, imposible na mag-kaganito sila mama sa akin! Baka nga kahit mamatay ako, pekeng luha lang ang lalabas sa mga mata nila eh.

But still, napaka walang sense. I mean, is there even a scientific explanation for this?! I bet, none.

"Oi babaita sumagot ka. Pinospone pa nila Mom and Dad yung business trip nila para lang sa'yo. Tatanga-tanga kasi. 'Di marunong gumamit ng hagdan." sabi ng 'ate' ko kuno.

Ansama ng ugali.

"Chandra! Don't be like that. Kita mo nang nasaktan yung kapatid mo." sabi ni Dad, kuno.

Pero nag-make face lang si 'Ate Chandra'.

"A-ah, sino po kayo?"

Mabilis ang mga pangyayari at bigla nalang nahimatay ang Ginang na nasa harap ko. Mabuti nalang at nasalo ito ng kaniyang asawa.

Hindi ko na alam kung ano ang mga detalye basta ang alam ko lang, a doctor came in and examine me then said some words that I don't understand pfft.

Wala naman talaga akong maaalala since I'm not Celine. I'm Selene!

Maya't maya pa ay umalis na ang mag-asawa. Babalik din daw sila. Bibili lang ng pagakain and stuffs para sa akin. Kaya, heto ako naiwan kasama ang 'ate' ko kuno na napaka sadista.

"Babaita? Wala ka ba talagang naaalala? I mean, gano'n ba talaga kalala pagkakahulog mo sa hagdan?" tanong niya na may bakas ng pag-aalala.

Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot na ikinabuntong hininga niya.

"Hay nako. Sa susunod kasi, mag-ingat ka!" pangaral niya sa akin na ikinatango ko lang.

Aish. Hindi naman kasi nahulog sa hagadan. Na-aksidente ako! Duh!

Ilang sandali pa, binilin niya sa akin na dito lang daw muna ako kasi gagamit daw muna siya ng CR.

Bilang hindi masunuring bata, sinuot ko ang tsinelas at hinila ang dextrous na naka-kabut sa akin.

Hindi naman daw ako napilay kaya naman nakakalakad ako ng maayos.

Alam ko kung saang ospital ako kaya nama hindi ako naligaw. Dumiretso lang ako sa baba sa may vending machine.

May nakita kasi akong pera sa table kaya, kinuha ko. Shh! Uhaw na kasi talaga ako hindi ko na kaya!

Umupo muna ako doon sa parang waiting area at ine-enjoy ang aking-tubig. Yah, tubig. Dapat talaga kape yung kukunin ko. Kaso, may dumaan na nurse tas ayun kung ano-ano sinabi kesyo ganito, ganiyan, leche! Wala naman akong nagawa kaya tinanggap ko nalang.

Habang naka tambay, may nakita akong dalawang figure na napaka-pamilyar.

Parang sila Sol at Clyde?

Hindi ko nakita mga mukha nila pero yung way ng tindig, paglalakad, parang sila eh!

Hindi ko namalayan sinusundan ko na pala sila. Hila-hila ko parin ang dextrous ko. Duh, 'di ko 'yon pwede iwan.

Sinundan ko sila at pumasok sila sa isang k'warto. Yung parang katulad sa akin, private room. Napansin ko yung babae, naka cast yung paa. Parang pilay?

Sila ba talaga 'yon? I mean, imposible eh! Kasama ko sila sa kotse. If I remember it right. So, paanong nagkaganito ako? Aish!

Sinubukan ko sumilip doon sa parang box na square.

Sandali akong napatitig then suddenly, I saw something that made me freak out.

-#-

A/N:

Wazzap yow gais! So, kung nagtataka kayo sa pinagkaiba ng "Celine" sa "Selene", iyon ay ang pronounciation po. Celine=Silin(parang yung vitamins?), Selene=Selin. 'Yon lang! Thank You for Reading!!

Fabricated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon