02: Family

7 0 0
                                    

S E L E N E

I...I look awful!

Ugh! What's wrong with the former owner of this body?! Hindi marunong mag-alaga ng sarili!

Napaka-dugyot. Ang gulo ng buhok. Sabog na kulot na—argh! Hindi ba siya marunong mag-suklay or what?

Dark circles, pimples—what the heck?! Tsk!

Ako ang namomorblema sa katawang 'to eh! Aish.

Patuloy lang ako sa pag-kilatis sa mukha ko nang hindi ko namalayan, biglang bumukas yung pinto!

"Ahm, Miss? Who are you?" salubong ng isang lalaki na parang namumukhaan ko na parang hindi.

I mean, familiar yung face niya pero hindi ko maalala kung saan ko nakita?

"Bakit ka nandito? By any chance, do you know someone in this room? Bakit ka sumisilip? I see, you're also a patient. Hindi ba't dapat nasa k'warto ka na nakatalaga sa'yo? Why are you wandering—"

W-what the? Ang dami niyang tanong! What is this? Some kind of interrogation?

"Ha!" pagputol ko sa kaniya. Nagsasalita parin kasi. "Gusto ko lang sana malaman kung sino yung naka-confine? Pero sige 'wag nalang. Babalik nalang ako. Medyo nahilo ako sa'yo." sabi ko at lumakad na paalis.

Pero hindi pa man din ako nakaka-layo, parang nagsisimula nanamang mandilim ang paningin ko.

Ugh...

Here we go again.

-#-

Unti-unti ako nagmulat ng mata at nakitang nasa loob nanaman ako ng isang k'warto. 

Eh? Panaginip? Pero ba't parang totoo.

"Ma, Pa! Gising na yung suwail niyong anak!" sigaw ng kung sino.

Pinilit ko na umupo at pinagmasdan ang paligid.

"Anak! Oh my gosh. Oh my gosh!" naghihisterical na sabi ng Ginang.

Hah. Hindi panaginip. Totoo nga  talagang nangyayari 'to. Leche naman!

"It's me your mom! Say something baby." dugtong pa niya.

"Po?" nasagot ko nalang.

Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin! I mean, sa tuwing nakaka-harap ko 'tong mag-asawa na 'to eh na wa-warshock ako eh.

Nag-usap lang sila habang ako, nakikinig. Kumakalap na rin ng info's. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mag-tatagal sa katawan na 'to.

Anyways, bakit nga ba ako napunta sa katawan na 'to in the first place. Napaka-hindi makatotohanan!

"Oo nga pala Celine. Sabi ng doktor, pwede ka na ma-discharge either mamaya or bukas? Mukhang okay ka naman na. Pwede na ulit mahulog sa hagdan? Hshshshs." pang-aasar nanaman nito.

"Sabi din ng doctor, hindi naman gano'n kalala pagkahulog mo. Kaya nga nagtaka sila na 'di ka maka-alala." dugtong pa niya.

Fabricated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon