Kabanata 1

22 4 9
                                    

I'm not happy wearing this elegant black sheath dress with the toga on top. I'm not like the other graduates with the smile on their faces and keeps on saying 'finally! I graduated'.

Nang makalabas kami ng hall ay tinanggal ko na ang toga at isinabit sa braso.

"Wow! Another graduate from Marquez. Congrats Doctor Arlinda and to you future doctor Averee Marquez." Dr. Salazar greeted. She's a friend of my mom, working in the same hospital. I forced a smile.

"Ofcourse! What do you expect from our family? We're a bunch of doctors." Mom, chuckled. Ayan na naman siya sa pagpapasikat. I rolled my eyes.

"Except their stupid gay brother." She added.

"Mom, just stop." Napapikit ako saka tumalikod at pumasok sa kotse.

Nakakainis, she keeps on calling kuya Sun, stupid. I don't see anything wrong from being a gay and for choosing to run a business instead of being a doctor.

Maging ako'y hindi ko gusto itong tinatahak ko. Napasinghap na lang ako at inantay na makapasok sina mom at dad.

"What's with that rude attitude, Alison?" bungad ni mama nang makapasok sa kotse. Hindi ako umimik. "Bakit hindi ka gumaya sa mga ate mo! Why are always acting like that infront of other doctors! Shame!"

Napapikit na lang ako nang marinig ang mga katagang iyon. Paulit-ulit ko 'yong naririnig pero gano'n pa rin ang epekto sa'kin. Masakit.

I am not like my sisters. Hindi ako katulad nila na nage-enjoy sa field na tinatahak nila. Wala sa puso ko ang pagiging doctor. Gusto kong magsulat.

Temperance, Ali. Don't mind her. Don't. Mind. Her.

"Act decent infront of others later, Ali."

Napabuntong hininga na lang ako nang makita na naka-ayos ang isang mahabang mesa sa dining area, dinaluhan ito ng mga magagaling doktor at Chairman ng ospital.

Wearing their formal dresses and formal shirts they greeted me with a smile at saka sabay-sabay nagpalakpakan. Napalunok ako at saka pekeng nguminiti.

It is obviously a formal dinner. Hindi na nakapagtataka na halos lahat ng kataas-taasan ay inimbitahan ng magulang ko, pusta ko'y maya-maya lang ay magyayabang na naman sila, hindi na bago.

Hindi talaga masaya. Nakakahiya. Nakakahiya sa sarili ko dahil pinipilit kong gustuhin ang mga bagay na hindi ko naman gusto at alam kong hindi ko na magugustuhan.

"Thank you for coming doctors and Chairman Santiago. I'll just fix myself a minute." I fake a smile at saka sila tinalikuran at magsimulang magmartsa paakyat, papasok sa kwarto.

Nang matapos akong mag-ayos ay humarap ako sa pinto at saka sunod-sunod na huminga bago hawakan ang tatangnan ng pinto, napapikit pa ako bago ito pihitin.

Alam kong, iba't ibang salita na naman ang maririnig ko mula sa kanila, mga suhestiyon na ipinipilit nila.

"So what Med School are you planning to go?" tanong ng isang doktor nang magsimula kaming kumain. "You should try Cebu Institute of Med, magagaling ang mga propesor doon o kaya naman ay sa Ateneo, many doctors of our hospital graduated from there."

"St. Luke's Medical College is also good," suhestiyon naman ng isa.

"We're planning to enroll her on University where her elder sisters graduated." Iyon ang sabi ni dad.

Nakakatawa dahil mas nauuna pa silang magdesisyon kaysa sa'kin. Peke akong ngumiti at nagtuloy na sa pagkain.

"I'm sure she will rank the test."

My Path Towards YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon